CLOSE ENCOUNTER

96 9 0
                                    

MIA'S POV




Nakadapa ako sa sopa at doon na rin ako inabot ng kinabukasan. Nakakalat ang mga beer in can sa sahig pati ng bag at sapatos ko. Ni hindi na ako nakapagpalit ng pambahay. Umagang umaga pa lang ay tunog ng tunog ang cellphone ko.



"Ano ba? Hello! Sino ba ito?" Sabay hilata sa sopa.


"Mia, nasaan ka na? Naku, hinahanap ka ni Ma'am Sylvia. Dalian mo!"



Pasado alas otso na pala. Talagang karipas ako ng takbo sa banyo. Hindi ko alam kung ilang buhos ang ginawa ko. Hindi ko na ginamit ang shower. Kung anong damit na lang ang makuha ko. Bahala na. Napadami ang inom ko.


"Hay, ano ka ba Mia? move on na kasi..."


"Ipaalala mo na lang kay Justin na minsan ay naging bahagi ka ng buhay niya." Weeeiii! Di ngaaa! Napakadaling sabihin pero that's very very impossible to do. Wala akong inaksayang sandali . Pagpasok ko sa kotse, saka lang ako nahimasmasan.


"Bakit ba ako nagmamadali? Tapos ko na ang mga disenyo ng damit para sa kulukoy na iyon. "



Hindi naman ako na-traffic kaya saglit lang ay nasa Skycraper Tower na ako. Dumaan pa ako sa CoffeeShop para bumili ng kape. Pakendeng-kendeng pa ako sa paglalakad habang aligaga na ang lahat sa trabaho nila. COOL, Chill ka lang. May paghigop pa ako ng kape ng habang umaakyat sa hagdan. Nagulat ako ng lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi ko din naintindihan ang ibig sabihin ng mga tingin nila.


"Tsk! tsk! Tsk!" Napapailing si Amber.


"Lagot ka! May gana ka pang magkape ha!" Sabi ni Victoria.



"Anong ginawa ko?" Napahinto ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Justin at Ms. Sylvia. Nakapameywang na ang aking amo sa pinto at pangiti-ngiti ang kumag at mapagkunwaring anghel na Justin daw ang pangalan kahit mukhang mukha naman ni Gabriel.


"Ms. Mia, bakit ngayon ka lang?" Nilapitan ako ni Justin. Napasinok ako at dumighal. Amoy – alak pa ako. Medyo pumitik ng konti ang kirot sa ulo ko dahil sa hang-over.


"Pasensiya na po. Nakainom lang po... pero tapos ko na po 'yong pinagagawa ninyo."


"Really!" Iniabot ko ang aking sketch pad kay Ms. Sylvia. Pumasok siya sa kanyang opisina at sumunod ako. Nasa pinakadulong bahagi siya ng lamesa habang magkatapat naman kami ni Justin sa kaliwa at kanan ni Ms. Sylvia.



Umatake ang pagiging pilya ko. Hinagilap ng paa ko ang kanyang sapatos at pilit ko pinaglaruan ang kanyang slacks. Napatikhim siya , feeling uncomfortable at napaatras sa kanyang kinauupuan. Pinandilatan niya ako ng mata pero ngumingiti ako with pa-kyut eyes at may kasamang ngiting aso. Pakiramdam ko ay nadi-demonyo lang ang anghel dahil sa ginagawa ko. Napaubo siya ng umakyat ang paa ko hanggang sa kanyang tuhod. Bumaba ulit ako at naramdaman kong mabalahibo ang kanyang binti. Nakayuko kasi si Ms. Sylvia at tinitingnan ang sketches ko. Hindi siya nakakahalata sa nangyayari sa ilalim ng mesa.



Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Hindi ako magmamakaawa sa kanya. Malapit na niya akong mainis. Malapit na akong mapikon.



Ipinakita niya kay Justin ang mga sketches. Masusi niyang tiningnan ang mga gawa ko. Walang reaksyon ang kanyang mukha. As if naman may alam siya sa pagdidisenyo eh model lang naman siya. Ang mga modelong katulad nila ay wala lang alam gawin kundi magsuot ng damit. Wala silang karapatang mamili ng damit na isusuot nila dahil kaming mga fashion designer ang nagbibihis sa kanila.



"Ms. Mia, I am not just a meer model to wear clothes that does not suit my taste" Huh! Nababasa ba niya ang iniisip ko tungkol sa kanya. " Can you accept my criticism since you are a professional fashion designer , as you said?"


"It's my pleasure, Ms. Lucas. Say it..."


"NO, I'll make the necessary changes if you please..."


"WHATTTT!"


"Just tiny details to enhance your work. Believe me, your work is what I exactly like, I'll just add a little. May konti akong alam sa Fashion Designing dahil second choice ko ito. Top of my priority is to be a model kaya kahit may bachelor degree ako, I still go for my own passion."


Okay....And he made the necessary changes over my work. He made use of a red colored pencil. Parang teacher lang na nagko-correct ng mali ng estudyante.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon