LOVESICK

89 10 0
                                    

GABRIEL'S POV



Kinabukasan , maaga akong pumasok sa pag-aakalang maaga ding pumasok si Mia. Bandang alas diyes na ay wala pa siya. Ipinatawag ako ni Ms. Slyvia.



"Gabriel, bakit wala pa si Mia?"


"Hindi ko po Ma'am alam. Alam ko po kasi kahit lasing si Mia, hindi siya aabsent ng ganoon na lang ng walang mabigat ng dahilan."


"May problema ba kayo ni Mia?"


"Kami po? Naku, wala po?"


"Mabuti naman. Pakamahalin mo si Mia, Gabriel dahil wala ka nang mahahanap na babae na katulad niya. " Ay, ano daw? Bakit ganoon ang sagot ni Ms. Sylvia? Ano bang ibig sabihin ng tanong niya kanina? Hay, ano ba kasing lengguwahe mayroon ang mga tao at anghina kong umintindi? Simple lang naman ang tanong pero bakit ganoon ang reaksyon niya na parang may relasyon kami ni Mia. Daebak!



Paglabas ko ng opisina ni Ms. Sylvia ay narinig ko si Krystal. "May sakit daw si Mia" Pero iniwan ko siyang malakas at malusog... ehem tulad lang ito ng binabantayan namin sa control room tapos biglang may mahabang beeeeep. Katapusan na pala ng buhay niya sa lupa.



Kaya , maaga sana akong magpapaalam pero tinanong muna sa akin ni Ms. Sylvia kung puwede daw bang sa darating na buwan na ang fashion show. Excited daw siyang ipakita ang mga gawa ko sa madla. Hindi naman ako tumutol sa sinabi niya.



Halos paliparin ko ang taxi para lang makauwi ako kaagad. Hindi ko talaga alam na hindi papasok si Mia. Tahimik akong pumasok sa loob. Ginamitan ko na ito ng kanyang susi. Nakita ko siyang walang kakurap-kurap na nanunuod sa telebisyon.



"Gabriel... " Patakbo siyang yumakap sa akin.


"Mia..." Kahit nanginginig ay niyakap ko na si Mia. Hindi ko na mapigilan eh. Halos buhatin ko si Mia sa pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko alam kumbakit na-miss ko siya buong maghapon. Nalaman ko lang na wala siya at hindi papasok ay nawalan na ako ng gana at sad face ako hanggang tanghali. Gusto ko kaagad umuwi para makita si Mia. "Bakit hindi ka pumasok?"


"Magsasaing muna ako at mukhang hindi ka pa kumakain."


"Gabriel, puwede bang dito ka muna sa tabi ko? Gusto kong tingnan ang mukha mo."


"Bakit? Dahil baka kapag tuluyang nawala ang paningin ko, hindi mo na ako maalala ng isip ko. Hindi mangyayari iyon, Mia. Magtatagal pa ang mga mata mo. "


"Gabriel, simula ng dumating ka... Punum-puno ka ng pag-asa. Hindi ka nasiraan ng loob sa kahit na anong sitwasyon. "


"Sa akin ka humugot ng lakas, Mia. "


"Gabriel, bakit mo sa akin ginagawa ang lahat ng ito?"


" Dahil... Dahil.. Dahil mahal kita, Mia"


"Gabriel, hindi ba parang naaawa ka lang sa akin?"



NIyakap ko na lang si Mia. Ang pagmamahal ay kusang ibinibigay , hindi dahil sa awa. Ngunit ang awa ay isang biyaya mula sa mahabagin at mapagmahal na Diyos. Hindi natin deserve pero dahil sa grasya at awa ng Diyos, patuloy tayong nakakatanggap ng biyaya sa kanya. At kasama sa biyayang iyon ang ganitong pagmamahal. Matututo kang magmahal dahil alam mong mahal ka ng Diyos. At dahil alam kong mahal si Mia ng Diyos, gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal na iyon.


WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon