GETTING INVOLVED

91 4 1
                                    


JUSTIN'S POV



Galit na galit si Ms. Sylvia ng ipa-cancel ko ang pictorial sa DreamWOrkX. Medyo hindi maganda na magpictorial na may pasa ang mukha ko. Nakakadalawang bugbog na ako ng linggong iyon dahil kay Aiko. Mukhang may iba pang lalaki akong makakasagupa dahil sa kanya.



Playgirl who doesn't even know how to kiss... Really? Baka naman pa-fall siya. Nagkukunwaring walang alam. Mahinhin kuno pero mahinhindutin pala. Pero alam kong totoo ang mga sinasabi ni Aiko. Noong una ko siyang sunggaban ng halik, nanginginig ang labi niya. PInagpawisan ng malamig ang kanyang mga palad. Para siyang tuod na nagpaubayang mahalikan.



Sabi niya, wala siyang boyfriend pero ang dami nilang claiming to be her boyfriend. Nang magkabistuhan sa Korean Resto, ikinaila niya ako. Tapos ngayon sa sementeryo... At pang –ilan ako... Pang-sabado? Anim kami... Terrible... ang dami namin ha! Nakaka-shock... Anggandang babae pero playgirl...



Kahapon ng umaga, nang magkita kami sa sementeryo... kitang kita ko sa kanya ang pananabik na muli ko siyang mahalikan.



Binuksan kong muli ang kanyang portfolio. Inilabas doon ang mga larawang gusto kong makita ng tao sa exhibit niya. Gusto kong makita ang kuwento ng isang wagas ng pag-ibig. Oo, pag-ibig namin ni Mia. At ang muling pagsibol ng bagong pag-ibig namin ni Aiko kung papalarin at iaadya ng tadhana.



SYLBER CLOTHING BUILDING....



Puro sermon ang inabot ko ng pumunta ako ng SylBer. Hindi ako madalas mag-stay sa bahay dahil baka kung ano pa ang maisipan ko dala ng kalungkutan. Mainam na iyong palagi akong nasa labas at mayroong kasama. Baka bulungan pa ako ng demonyo.



"Sino ang bumugbog sa iyo?" Sigaw niya sa akin. Alam kong labis siyang nag-aalala sa sinapit ko. "Pasensya na, ilang araw lang naman ito. Pakisabi na lang sa KCi Clothing..."


"Gusto mo bang idemanda natin... Teka, baka naman babae ang bumugbog sa iyo?"


"Hindi naman..."


'Nagkita na ba kayo noong babaeng kinababaliwan mo?"


"OO, mukhang madami akong karibal at hindi ko alam kung paano makakadiskarte"


"Anong ninja moves ba ang ginawa mo kay Mia? Baka naman umobra sa kanya?"



Matapos gumaling ang sugat ni Justin nag-schedule ulit ang DreamWorkX ng pictorial. Hindi ko alam kumbakit parang kinakabahan si Ms. Sylvia habang naghihintay ng mga photographers.



"Relax ka lang, Ms. Sylvia. I can do this"


"Ayusin mo at masyado ng delayed ang mga pictorials mo"



Nai-set up na lahat ang gamit sa 4th Floor. Nasa loob pa rin ako ng opisina ni Ms. Sylvia habang inaayusan ako ng aking make-up artist. Narinig ko ang ingay sa labas. Boses ng mga lalaki ang paakyat. Mukhang nandiyan na ang mga taga-DreamWorkX.



"Okay na ba? Nakakahiya namang paghintayin sila. " Nagmadali na rin akong umakyat. Napansin kong may ibinulong si Victoria kay Ms. Sylvia. Nakita ko sa mukha niya ang kasiyahan kaya hindi ko na sila inintindi.



Actually, tatatlo lang sila. Isang lalaki ang nag-aayos ng lighting. Isa naman ang nakatoka sa screen at isa ang may hawak ng camera. Nakatalikod ang babae ng mga oras na iyon. OO, babae kasi mahaba ang kanyang buhok. Madilim ng konti sa gawing likuran. Dumating ako at bumati sa kanilang lahat . Humingi rin ako ng pasensiya dahil sa malaking abala ng pagkakapostpone ng pictorial ko. Binuksan ko muna ang ilaw ng mga oras na iyon upang makilala sila isa'isa. Pero nagulat ako sa aking nakita, pagbukas ko ng ilaw sa buong studio. Nakasilip na sa lens ang babae at tutok na tutok sa akin. Unti-unti niya itong ibinaba... Nagulat ako ng makita ko si Aiko.



"Aiko!"


"Mr. Lucas?"


"Justin please..." Hinawakan ko kaagad ang kamay niya. Nandoon din si Ms. Sylvia.


"Aiko..." Sabi ni Ms. Sylvia.


"Magkakilala na po kayo?" Takang takang sabi ni Justin.



Noon lang binanggit sa akin ni Ms. Sylvia na nakita na rin niya si Aiko. Alam niyang taga-DreamWorkX ito. Hinihintay niya ang dalaga kaya siguro siya kinakabahan at baka mabigla din ako kapag nagkita kami.



Kanina pang tapos ang pictorial at nakaupo kami ni Aiko sa upuan sa gitna ng studio. Magkaharap kaming dalawa. Hindi niya ako kayang titigan at kailangan ko pang iangat ang kanyang mukha. Saka ako bumuntunghininga. Kakatwa talaga. Unti-unting sumungaw ang mga butil ng luha.



"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kumbakit siya umiiyak. Pinahid ko ang luha niya saka ko siya hinalikan dahil iyon din ang gusto kong gawin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sapat na ba ang halik para sabihing "Okay lang".



Ibinigay ko sa kanya ang portfolio. "Nakapili na ako ng mga larawan para sa exhibit. Gusto kong makita ang mga iyon pagdalaw ko sa Skycraper."



Tahimik siyang umalis.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon