TEMPTATION OF AN ANGEL

103 12 0
                                    

GABRIEL'S POV



Habang nasa kainitan kami ng paghahalikan at kahit nanginginig ang aking kalamnan sa nerbiyos, biglang napahigpit ang yakap ni Mia. "Gabriel.... Gabriel... wala akong makita...wala akong makita..." napahinto kaming pareho.



Naghintay kami ni Mia ng ilang minuto ngunit inabot na kami ng umaga ay hindi na bumalik ang kanyang paningin. Huminto na ng iyak si Mia at nakatulog na siya sa pag-iyak.



"Gabriel, samahan mo ako sa banyo. Kailangan kong maligo. " Hmmm, ano daw? Maliligo si Mia. Oh my Mia. Ikaw na siguro ang pinakamatinding pagsubok na ibinigay ng Diyos sa akin. Paano ko paglalabanan ang tukso sa harap ko habang nasa dilim ka ay hinuhubaran naman ang aking pagiging inosente bilang isang dating anghel.



Ipinasok ko si Mia sa loob ng banyo. Inilagay ko ang tuwalya sa lugar kung saan niya madaling abutin. Ipinasalat ko sa kanya ang lagayan ng sabon pati ang pihitan ng tubig. Lalabas na ako sa pinto ng banyo pero tinawag ako ni Mia. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay.



"Gabriel, ano sa tingin mo? Babalik pa ba ang paningin ko? " Sinalat ni Mia ang aking mukha, ang aking mata, ilong at labi...


"Ano bang ginagawa mo? OO naman, makakakita kang muli... And we'll live happily ever after..."


"Pang fairytale naman ang happy ending mo eh."


"Bakit? Gusto mo ba ang ending ng "Date With an angel?"


"Ayoko ng ganyang biro... Kapag ako ang namatay, malulungkot ako kasi iiwan kita. Ayokong maiwan ka dito."


"E di ihahatid kita sa langit. Di ba, sabi ko sa iyo, anghel ako." Biglang tumulo ang luha ko. Anong nangyayari sa akin? Nag-uusap lang kami pero bakit ako biglang umiyak. Parang wala akong kayang gawin para kay Mia ngayon dahil hindi na ako anghel. Parang wrong timing.


"Huwag mo akong iwan ha! Dyan ka lang sa pinto hanggang matapos ako. Huwag mo akong sisilipan. "

"OPO..." Nagawa pa niyang ngumiti.



Ngayon ko naramdaman ang bigat ng pakiramdam ng isang totoong tao sa gitna na hopeless situation na ito. Napasuntok ako sa pader at tumalsik ang dugo. Ramdam ko ang hapdi. TAO na nga talaga ako! Gusto kong humagulgol sa iyak. Bakit ko naisip sisihin ang Diyos ngayon? Natakot ako para kay Mia. Mukhang hindi ko kakayaning iwan siya lalo na sa kalagayan niya ngayon. 

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon