THE BRIDE

71 6 0
                                    

MIA'S POV



Hindi ko alam kung nakakahalata si Justin. Hindi ko kasi gusto ang mga niluluto niya lately. Minsan nakikita niya akong pinaglalaruan lang ang pagkain ko pero hindi niya ako pinagalitan. Nakatingin lang siya sa akin.



"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakatusok ang tinidor sa hotdog. Itinaas ko ang tinidor.


"Bakit hindi ka pa kumakain?"


"Kumakain naman ako eh. Busog na ako eh."


"Maysakit ka ba?" Sinalat pa niya ang noo ko at bandang leeg.



Nang makumpirma ko na buntis na ako, tiningnan kong muli ang pregnancy test. Magiging daddy na rin siya sa wakas.Sigurado kong matutuwa siya sa ibabalita ko. Itiniklop ko ang maliit na papel at inilagay sa loob ng maliit na kahon kasama ng puting stick na iyon. Wedding gift ko iyon sa kanya. Itinago kong mabuti iyon sa loob ng aking bag. NIlagyan ko ng manipis na post it at iinilagay ang kanyang pangalan.



Sa loob ng GrammyHotel Suite 44....



Kaaalis lang ni Justin. Sabay na kaming kumain ng hapunan. Nakakain naman ako dahil sinigang ang ulam. Paghiga ko, saka ko sinalat ang aking tyan. Bahagya pa lang ang umbok sa aking tyan. Hindi pa halatang buntis ako. Kakasya naman siguro ang wedding dress ko.



Maya-maya pa ay narinig ko na ulit ang boses ni Justin sa kabilang linya. Hay, na-miss daw kaagad niya ako. Baka hindi siya makatulog dahil ngayon lang ulit kami magkalayo at hindi magkasabay na natulog.



"Di bale, after this night... we will never be apart. Pagsasawaan natin ang isa't isa."


"Hindi naman ako magsasawa sa iyo."


"Weeeiii, di ngaaaa!"



Atlast, the moment of happily ever after is here... Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog. Basta natulog akong payapa at walang inaalala.



Naramdaman ko na lang na ginigising na ako ng make-up artist ng SylBer. Nandoon na rin ang mga taga-DreamWorkX para sa video coverage ng aking paghahanda. Lumabas ako at nakitang napakaliwanag sa sala. Nandoon si Krystal at Luna. Hawak ni Victoria ang isang malaking kahon.... ang aking makasaysayang wedding gown. Ni hindi ko man lang alam kung anong hitsura nito. Nakangiti silang lahat at masayang masaya para sa akin.


"Gurl, ikakasal ka na..."


"Yap, this is it!"

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon