ANOTHER VISIT

115 6 6
                                    

JUSTIN'S POV



Halos isang taon mahigit kaming hindi nakadalaw sa puntod nina Mia at Gabriel at maging sa Papa ni Aiko. Maaga kaming dumalaw doon. Naka-stroller si Baby Maggie. Tulog na tulog pa siya habang itinutulak ni Aiko ang stroller niya. Humawak ako kay Aiko. Masaya kong sinulyapan ang aking mag-ina. Sa wakas, mayroon na akong maituturing na pamilya.



Madami –dami n ngayong nag-bibisikleta doon at nag-i-skates. May iba namang nagdya-jogging pa rin at may iba na ginawa nang strolling park ang memorial park na iyon. Wala na ang mga gansang palaging nagtatampisaw sa ilog. Nnadoon pa rin ang matandang palaging nagwawalis ng mga tuyong dahon sa area na iyon.



Hindi nakatiis at nilapitan kaming dalawa ni Aiko. Masayang –masaya siya na muli niya kaming nakita doon. Gulat na gulat siya ng makita ang sanggol na kasama namin.


"Good morning Sir, Ma'am..." Bati niya. "Ang tagal po ninyong hindi nagawi dito ah!" Alam na alam niyang matagal nga kaming hindi dumalaw doon.


"Nangibang-bansa po kami. Natagalan po kami bago nakabalik."


"Palagi ko po kasing nililinis ang puntod na palagi ninyong dinadalaw. Baka po kasi magtampo dahil hindi na kayo dumadalaw. Tsaka, dinalhan ko na rin kahit simpleng bulaklak. Nasanay po kasi ako na nakikitang may bulaklak palagi doon" Natuwa naman ako sa sinabi ng babae. "Pati din po sa papa ninyo Ma'am. Naku, alam ninyo mahirap pong magtampo ang matandang lalaki. Mas matindi pa sa babae." Bulong niya kay Aiko.


"Salamat po , Manang."


"Kayo din pop ala ang nagkatuluyan."



Mukhang sinusubaybayan talaga ni Manang kung anong kahihinatnan ng aming lihim na pagkikita sa sementeryo. Alam daw niya ang mga nangyari doon, maging ang pagsugod ni Bobby . Hehehe, walang ligtas ang mga sweet moment namin kahit sa sementeryo pa ito nangyari.


Na-miss daw niya kami.



Syiempre, hindi ko kinalimutang dalhin ang magandang flower arrangement na madlaas kong dalhin sa puntod ni Mia. Hinding hindi ko na mababago ang matagal ko nang nakagawiang dalhin para sa kanya. Nagtirik din kami ng kandila at umusal ng dasal.


"Mia, may baby na kami ni Aiko. Napakagandang bata ni Maggie. "


"Mia, masaya na rin si Justin. Huwag kang mag-alala dahil mamahalin ko siya higit pa sa pagmamahal mo" Sabay siko ko kay Aiko. Napatitig siya sa kain. "Ano? " Ni-lip read ko na lang ang sabi niya.


"Anghilig mong ikumpara ang sarili mo sa kanya. Sabi nang iba ka at iba siya."


"OO na. Tingnan mo siya o , inaaway ako..."


"Mahal ko siya noon at iba ka naman ngayon. " Laglagan na ito kahit sa harap pa ng puntod ni Mia. Kasi itong si Aiko, laging may hugot kay Mia. Hindi ko tuloy alam kung sino sa amin ang talagang hindi maka-moved on.


Well, hinayaan ko na rin na si Bobby ang maging ninong ni Baby Maggie. Bestfriend pa rin naman kasi ang turing ni Aiko sa kanya. Maliban sa kanya ay hindi na puwede ang iba pa niyang naging boyfriend. Please lang. Si Bobby lang ang puwede. Syiempre, kinuha naming ninang si Icelle. napayakap nga siya kay Aiko at parang buhay na buhay daw sa kanya si Mia. Hindi na siya nagbanggit ng kung ano pa. Sinabihan ko na siya bago pa man niya makita si Aiko.


WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon