Ang sakit sakit ng ulo ko. Hindi ako pumasok sa trabaho dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Nasapo ko na lang ang ulo ko.
Kinailangan ng kapatid ko ang pangbayad ng tutition fee at nagsabay sabay na naman ang bayarin sa bahay. Mauubos na ang inipon kong pera. Ayoko namang galawin ang perang naipon ni mommy para incase na kailanganin meron pa siyang pagkukuhanan.
Dinampot ko ang cellphone ko at nagconnect sa skype. Pinindot ko ang pangalan ni Gab.
Videocall connecting...
"hi Gab!"
"hello Gel. Goodmorning!"
"Goodmorning din. Busy ka ba ngayon?"
"hindi naman. Bakit? Nandito lang ako sa bahay, mamaya na ako pupunta sa office."
"ah. Wala naman. Mangangamusta lang."
"come on Gel! What's wrong? Ano nakapag decide ka na ba?"
"hmm.. Oo. Igagrab ko na Gab."
"great! So kailan mo balak?"
"as long as maayos ko agad yung papers ko."
"pumayag na ba si ely?"
"no. Hindi ko pa nasabi. It's my decision anyway."
"mas maganda sana kung sasabihin mo sa kanya. Anyway, ipapaayos ko na lang sa secretary ko yung papers mo. Ako na mag aayos at eemail ko na lang sayo yung mga kakailanganin ko."
"thank you Gab!"
"your always welcome Gel. Umiyak ka ba?"
"no. Kagising ko lang kasi. masakit din ang ulo ko. Sige na Gab. Tawagan ko pa si audrey."
"ok ok. Mag iingat ka."
"ikaw din Gab. Bye"
Ibinaba ko na ang tawag at si Audrey naman ang tinawagan ko.
Videocall connecting...
"Bal!" masayang bati niya sa akin.
"hi bal. Kamusta?"
"ok naman. Ikaw kamusta ka na? Umiyak ka ba?"
Pangalawang tanong na iniiwasan ko.
"oo. Kagabi. Nag talo kami ni ely at pagkatapos si mommy naman."
"bakit ano nangyari?"
"e panay ang inom ko at umaga na ako nauwi."
"grabe! Hindi mo man lang ako niyaya."
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"ikaw talaga! Bawasan mo na nga yang inom at paninigarilyo mo. Baka sa susunod ikaw naman ang isusugod sa ospital."
"malakas to no!" sabay tawa niya.
"baliw! Nakapag decide na ako."
"na ano?"
"tanggapin ko na alok ni Gab na doon na magwork sa singapore. Mas malaki ang kita."
"sure na ba yan? Nasabi mo na ba kay ely?"
"hindi pa. Nag talo din kami kagabi kagaya ni mommy."
"ha? Bakit?"
"halo-halo na e. Sumabog na din ako."
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Teen FictionPumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...