1 message receive..
"goodmorning bebeko"
Bebeko? Pauso! Pero okay na din. Sabi ko sa aking sarili. Isang text mula kay ely. Agad ko naman itong nireplyan.
"goodmorning din bebeko. Wag mo na akong sunduin mamaya ha. Magkita na lang tayo sa work ko."
Kailangan ko munang itago ang relasyon namin ni ely hanggat hindi ko pa nasasabi kay mommy. Kailangan ko din mag ingat lalo nat nagtalo na kami ni mommy kagabi.
Naligo at nagbihis na ako. Habang nakatitig sa salamin ay kinakausap ko ang aking sarili. Sana hindi na masama loob sa akin ni mommy sa asal ko sa kanya kagabi. Lalambingin ko na lang siya pagbaba ko. Nagmadali akong bumaba dahil naamoy ko na ang paborito kong pancake. Sabi na eh, hindi ako matitiis ni mommy.
Nang makababa ako ng hagdan ay agad kong nakita si gabriel. Nandito na naman siya.
"oh bat nandito ka?" tanong ko kay gabriel.
"kinakamusta ko si nanay. Oo nga pala gel, isang linggo na lang at babalik na ako sa sg. Napag isipan mo na ba?"
Tinignan ko si mommy kung anong ginagawa niya para kung sakaling sabihin ko kay gabriel ang desisyon ko ay hindi niya marinig. Tinabihan ko siya sa lamesa at binulungan.
"sorry gabriel ha! Sa ngayon kasi hindi na muna ako sasama sayo." sabay ngiting aso.
"ha? Bakit?"
"wag kang maingay! eh ano kasi eh.. Gusto ko muna mag stay dito sa pinas. Bigyan mo pa ako ng mahabang panahon." palusot ko.
Huminga ng malalim si gabriel. Tila nag iisip.
"okay sige. Imessage mo na lang ako sa account ko kung magbago man ang isip mo."
"salamat gabriel ha!"
"basta ikaw gel." at hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko naman iyon tinanggal.
Itinuloy ko ang pagkain ko ng pancake. Binilisan ko ang kain ko para makapag ikot muna ako sa mall bago pumasok. Kinuha ko ang aking cellphone para sumilip sa facebook.
Nang silipin ko ito ay agad kong nakita ang request ni ely na in relationship. Bigla akong nalungkot dahil hindi ko maaaccept ang invitation niya. Hindi pa nila pwedeng malaman na kami na ni ely.
Iniclick ko ang messages. Matagal na din pala nung huli kong nakabonding ang mga barkada ko. Halos lahat ng usapan nila at plano ay di natutuloy ng dahil sa akin. Hindi na kasi ako naging active sa facebook simula ng magkatrabaho ako.
(chat conversation)
Nathan: si gel kinalinutan na tayo nun..
Adrian: Oo nga, may sarili ng mundo yon.
Nathan: ganon siguro kapag lumalove life na. Hahaha xD
Adrian: Oo nga kaya di na tayo pinapansin.
Aria: Busy lang yon.
14 minutes ago.. Teka nga baka nakaonline pa 'tong mga to.
Gel: hoy!! Anong pinag sasabi ninyo ha? Naging busy lang ako sa work pero hindi ibig sabihin non nakalimutan ko na kayo. Ang aarte ninyo!! Gusto ninyong gilitan ko kayo ha!?
typing..
Nathan: hahaha xD hindi ka na mabiro.
Adrian: Bhe?
Gel: Anong bhe ka dyan?!
Adrian: Bhenebero lang kita :D hahaha
Aria&Nathan: hahahaha :D
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Teen FictionPumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...