Bigla siyang natahimik. Sumeryoso ang mukha niya. Shet! Tama ba pagkakasabi ko? Anong iniisip nya? Meron kayang pag-asa si ely?
Tahimik pa din kami habang naglalakad. Siguro nag-iisip pa din siya sa mga sinabi ko. Binasag ko na ang katahimikan.
"hoy angelica! Natahimik ka na dyan. Ayos ka lang?"
"hahaha oo. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Di mo na dapat tinatanong kasi yun dahil alam mo naman isasagot ko."
"alam ko? Alin? Na ayaw mo magkaboyfriend ng taga satin? Bakit di mo muna kasi itry?" wow ha! Pinagpipilitan ko pa e dapat nga magpaparty ako kasi walang pag-asa si ely.
"ikaw na din nagsabi na may pakpak ang balita. Hahaha"
"hahaha.. ayaw mo matsismis ganon?"
"ganun na nga."
Naghiwalay na din kami dahil magkaiba kami ng way na pupuntahan. Pagkatapos ko magsimba naisipan kong mag gala ulit. Maaga pa naman kaya mamaya nalang ako uuwi. Bumili muna ako ng makakain bago tumambay sa food court. Namis ko na kasi ang Quickly flavor choco loco.
Habang nag mumuni-muni naisipan kong magtext kay Nic. Namimis ko na ang bruhang yon. Siguro nasa jowa nya na naman un. Hmp! Wala na syang time para sakin. Aayain ko sya tumambay mamaya.
Bago ako umuwi dumaan muna ako sa supermarket. Bibili ako ng mangangata namin ni Nic para sa walang katapusan kwentuhan namin mamaya.
Pag kadating ko sa bahay sinalubong agad ako ni chopper. My cutie cute dog. Kulay puti ang kulay nya at may kulay itim sa isang mata. Mataba at masunurin na aso sya. Mahal ko ang mga aso. Sabi nila kapag dog lover ka daw mabait ka. So it means mabait ako. Hahahaha
Nakita ko agad si Nic sa sala. Pinaakyat ko na din sya sa kwarto ko.
Rooftop ang tambayan namin ni Nic. Doon lang kami lagi nagpapalipas ng oras. Sa aming magkakaibigan ako yung parang ate nila. Ako kasi ang pinakamabait ^_^
Magugulo at may pagkaisip bata ang mga tropa ko. Kaya siguro minsan may pagkabuang din ako. Wala naman ako pinag sisisihan na naging kaibigan ko sila. Iniisip ko nalang na ako yung angel nila na laging mag guguide at pumipigil sa mga kalokohan nila. Kaya siguro Angel ang pangalan ko.
Mahilig kami kumanta ni Nic. kapag may gusto kaming bagong kanta, kinakabisado namin un hanggang sa masaulo na namin. Uumpisahan ko, susundan nya o kaya magsasabay kami.
Pinatugtog ko yung kantang byebye by mariah carey. Kinakabisado kasi namin un. Isa pa sikat sya ngayon na kanta.
This is for my peoples who just lost somebody
Your best friend, your baby, your man, or your lady
Put your hand way up high
We will never say bye ..
Siguro kaya din namin sya nagustuhan dahil may best friend na nakalagay. Best friend kami diba. Feeling ko nga sya na yung tatagal na bestfriend ko.
May best friend kasi ako dati pero naghiwalay din kami. Nag away kami kaya hindi na namin kinilala na kaibigan ang isa't isa. Natatakot ako na baka mangyari din un samin ni nic. Sana hindi dahil natatakot ako. Natatakot ako dahil ang hirap na ulit mag tiwala sa ibang tao.
Ano nga ba sayo ang kaibigan? For me, I think friends are the people that you could laugh and talk to. They're the people that touch your hearts. You could spend hours with them doing nothing at all.
They're the people you can share your secrets with, cry with, laugh with, and just have fun with. They don't judge you or make you change. They accept you exactly who you are.
Friendship is the strangest but greatest thing in this world. Sa mundong ito madami kang makikilala. May mga darating at aalis. May mga magiging kaibigan ka na kilala ka lang kapag may kailangan. May mga magiging kaibigan ka na panandalian lang.
Sana kung anong meron kami nic hanggang sa pagtanda namin magkasama kami. Yung mga pangarap namin sabay namin aabutin. Ako ang magiging maid of honor nya sa kasal nya at ganon din sya sakin. Magiging ninang ako at sya, sa magiging anak namin. Magkakaroon ng sariling bahay. Hindi lang sariling bahay kundi magagandang bahay tulad ng mga napapanuod at nakikita namin sa fairy tale.
Mga pangarap mo ay pangarap ko..
At kahit na anong mangyari, Narito para sa 'yo na kasama mo at karamay mo..
Habang buhay mong kaibigan
Pangako ko sa iyo ..
Ang oras namin ay nauubos lang sa pagkwekwento ng kung ano-anong bagay.
"Bhez sa tingin mo pano kaya tayo naririnig ni Lord? Sa sobrang dami ng tao sa mundo, pano kaya nya tayo nakikita at naririnig?"
Anong nakain ni nic at nagtanong sya ng ganyan. Di naman nagsisimba at nagdarasal un. Sa isip-isip ko.
"sa palagay ko para tayong nasa isang malaking box na nakapatong sa lamesa at doon nakatayo sa gilid ng lamesa si Lord para tignan at marinig lahat ng mga sasabihin natin. Siguro sa tuwing may maaaksidente, maswerte pa din sila na naligtas sila dahil laging may nakabantay na anghel sa kanila. Nakakalungkot lang isipin na binibigyan tayo ng chance ni Lord magbago pero hindi parin to nagagamit sa mabuti." sagot ko nalang sakanya sabay bugtong hininga.
Nakahiga lang kami parehas habang nakatitig sa langit. Bigla na lang umiyak si nic. Nagulat ako dahil hindi ko alam kung bakit. Wala naman syang nakwekwento sakin. Tumatawa sya habang umiiyak. Baliw na talaga sya. Ayaw nya kasing nakikita ko syang umiiyak dahil alam nyang gegerahin ko yung boyfriend nya.
I can see it's hurting you,
I can feel your pain..
It's hard to see the sunshine through the rain..
Nilagay ko lang ang kamay ko sa likod nya at hinimas himas habang umiiyak sya. Iniwanan na pala sya ng boyfriend nya. Niyakap ko nalang sya at sa sobrang ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Hindi ko namalayan na tumutulo na din pala ang mga luha ko.
I know sometimes it seems as if,
It's never gonna end..
Nasasaktan din ako kapag nasasaktan sya.
But you'll get through it,
Just don't give in..
"nandito lang ako nic. Hindi kita iiwan."
Isang oras din siguro sya umiiyak habang nagkwekwento tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Di ko talaga maiwasan maawa kapag may nakikita akong umiiyak. Pinauwi ko na din si nic para makapag pahinga sya at makatulog sya.
Habang nakahiga ako sa malambot kong kama. Naisip ko din yung ginawa sakin ng ex boyfriend ko. Iniwanan din nya ako. Hay bakit ba may mga taong mahilig manakit ng damdamin ng iba.
Sa lalim na ng iniisip ko biglang tumunog ang phone ko. Sa sobrang gulat ko bigla kong nabitawan ang cellphone ko. Nag tanggalan ang battery at cover sa likod ng cellphone ko. Langya! Wala pa akong pamalit sayo kaya wag ka munang masira.
1 message receive..
Fr: Ely
"kita tayo bukas after lunch sa foodcourt. Intayin kita."
Nanlaki ang mga mata ko at biglang nag taasan ang mga balahibo ko. Yung totoo? Ako ba talaga tenext nya o wrong send lang sya? Kung ako man yon, aaaaaaaahh!! Shet na malagket! Pupunta agad ako. Eh kaso ako ba talaga yung tenext nya? Pupunta ba ako?
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Teen FictionPumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...