Chapter 14: YES OR NO

22 5 1
                                    

Binilisan ko ang kilos ko para hindi ako maabutan ni gabriel dito sa bahay. Alas kwatro na ng hapon at alas sais ang pasok ko. (Ano naman naisipan niya at pupunta siya dito ng alas singko ng hapon eh alam naman niya may pasok ako.) Pag kausap ko sa sarili ko habang isinusuot ang isang short shorts at isang backless shirt with matching boots 3inches heels. Perfect sabi ko sa sarili ko ng tignan ko ang itsura ko sa salamin.

"mommy pakihanda po yung baon kong tubig, aalis po ako ng maaga." sigaw ko sa hagdan.

Inayos ko na ang bag na dadalin ko at dali-dali bumaba ng hagdanan.

"hi!" nakangiting bati niya sa akin. laki mata with pekeng smile ang ginawa ko ng makita ko si gabriel na nakaupo sa sala habang kausap si mommy.

"A-akala ko ba 5pm ka pa pupunta?"

"nagbago isip ko. Mas prefer ko pumunta ng maaga para makapag kwentuhan kami ni nanay. bakit ang aga mo papasok? Alas kwatro pa lang ha."

"a eh kasi mag rerehearse ako. Oo, tama. Magrerehearse ako para mamaya." pekeng ngiti na naman ang ginawa ko.

"magluluto lang ako ng meryenda bago kayo umalis." singit ni mommy.

"sige po nay! Namiss ko na yung luto ninyo e."

Kunot noo kong tinignan si gabriel. Akala ko ba friends na kami, anong pinag sasabi na naman niya. Bulong ko sa isip ko.

"friends tayo, alam ko na yon. Masama bang mamiss ang luto ni nanay?" ngiting loko ang ginawa ni gabriel sa akin. Napalakas ko ba ang pag kakasabi ko sa isip ko at narinig niya yon.

"sinabi ko ba!" pagtataray ko. "bat ba kasi nandito ka?"

"ang sungit mo na ha! Hindi ka naman ganyan sa akin noon."

"noon yon at hindi na ngayon."

"taray! Lika nga sa tabi ko at may sasabihin ako sayo."

Hinila niya ang isang kamay ko para mapaupo sa tabi niya. Meron siyang nilabas na isang paper bag na naglalaman ng isang box. Katamtaman lang ang box. Hindi maliit at hindi rin malaki.

"buksan mo." utos sa akin ni gabriel.

"kung galing yan sa mommy mo hindi ko na yan matatanggap. Tama na tong binigay niya sa akin na kwintas." at napahawak ako sa kwintas na ibinigay niya sakin.

"sige na please. Sa akin galing yan hindi kay mommy."

Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang isang bracelet na katulad ng kwintas na binigay ng mommy niya.

"para saan ba to gabriel?"

Kinuha niya iyon sa akin at isinuot sa kamay ko.

"wala lang. Peace offering."

Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang natawa na lang siya sa reaksyon ko.

"para sayo yan babe este gel. Para sa lahat ng ginawa mo sa atin noon. Isipin mo na lang na regalo ko yan sayo nung pasko."

"baliw! Anong petsa na ngayon, ilang buwan na nakalipas." napangiti na lang kami sa sinabi ko. "pero salamat dito ha lalo na sa mommy mo."

Dinala na ni mommy ang meryenda namin na ginataang mais. Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami. Inihatid ako ni gabriel kung saan ako nag tatrabaho.

Inihanda ko na ang sarili ko para mamaya sa pagkanta ko. Hindi ko na alam kung nakaalis na si gabriel. Iniwan ko na siya sa labas pag kahatid niya sa akin. Baka nag gala muna yon bago umuwi. Malapit lang naman ang mall dito sa pinapasukan ko. Pagkaupo ko sa stage ay medyo marami na din tao.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon