Chapter 4: MEET UP

47 7 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata. Maliwanag na sa labas. Kailangan ko ng mag asikaso kaso antok na antok pa din ako. Five minutes pa please..

Bigla akong napabangon nakalimutan ko. Ako nga pala mag bubukas ng shop ngayon. Nagmadali na akong bumangon. Naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain ng almusal. Sabagay hindi naman talaga ako nag aalmusal.

Tamang jeans lang at shirt ang suot ko. Bumaba na ako at kumuha lang ng baon na tubig.

"mommy pasok na po ako!" sigaw ko.

Isa akong sales lady sa mall. Magkasama kami ni nic sa store na pinag tratrabahuan namin. Assual late na naman sya. Siguro masama pakiramdam nya sa nangyari sakanya. Kahit naman sakin mangyari ganon din mararamdaman ko.

Naalala ko na naman yung text sakin ni ely, magkita daw kami. Kinikilig na naman ako.Napapakanta nalang ako habang inaayos yung mga paninda namin.

Don't you know that I want to be more than just your friend ..

Pwede kaya tayo higit sa magkaibigan ely?

Holding hands is fine But I've got better things on my mind..

Ano kaya pakiramdam kapag magka HHWW tayo?

You know it could happen If you'd only see me in a different light..

Napapansin mo din ba ako? Napapansin mo din ba yung kaibahan ko sa iba?

But baby when we finally get together You will see that I was right..

Sana may pag kakataon na maging tayo. Sisiguraduhin kong magiging perfect tayo.

Napapangiti nalang ako habang kumakanta.

"Ms.Angel nasan ang i.d mo?"

"ay pokemon!" bigla ko tuloy nahampas sakanya yung pang dusting na hawak ko.

Sino ba naman kasing may sabing sumulpot nalang sya bigla dito. Kakainis talaga mga guard na to e!

"E nandun pa kay nic. Late sya ngayon." sagot ko.

"pano ka nakapasok ng wala kang i.d? Malamang sa pinto, Pabulong kong sabi. Ngumiti lang ako.

"pinapasok ako nung isang kasamahan mo."

Sa gandang kong to. Hindi nila ako papapasukin. Aba magkakagulo sa mall kung magkataon. Wahahaha

"Ms.Angel sa susunod hindi ka na makakapasok kapag wala kang i.d na mapapakita samin." ang sungit naman nitong guard na to.

"opo kuya." tipid kong sagot.

30 minutes bago dumating si nic. Nakakainis talaga sya. Palagi nalang syang late.

"hoy nic! Late ka na naman! Nasan na yung i.d ko? Sa susunod nga kumuha ka na ng i.d mo, hindi yung i.d ko pa yung pinapakita mo dun sa mga guard." inis kong sabi.

Hindi sya kumibo. Namumugto pa din mga mata nya. Nako malamang sa alamang hindi sya nakatulog kakaisip dun sa ex-boyfriend nyang sira ulo. Mga lalaki talaga.. Kaya mas masarap kapag single eh. Walang problema, wala kang iniisip, hindi ka stress. Eh kaso naman nakakainggit kapag wala kang kaHHWW. -_-

Napatingin ako sa oras. Lunch time na pala. Sisibat muna ako. Makikipag kita ako kay ely sa foodcourt. Hahaha kinikilig ako.

"Nic ikaw muna bahala sa shop ha?! Bibili lang ako ng lunch natin sa foodcourt." tumango lang sya.

Nak ng pating! Parang robot naman yung kasama ko dito sa shop. Wala pa din sa sarili. Eh kung kinakalbo ko kaya sya ng matauhan sya. Aist! Stress please go away. Papunta na ako sa foodcourt. Baka nandun na si ely pero teka ako nga ba talaga yung tinext nya. Bahala na.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon