Chapter 9: TIWALA

37 5 0
                                    

Nagpunta si nic sa bar na pinapasukan ko. Inantay niya na din ako makauwi. Nadismaya ako ng hindi ko makita si gabriel. Akala ko kasi sasama siya kay nic. Pinasasabi lang niya na babawi daw siya next time. Tumambay muna kami ni nic sa bar.

Nagkwento din siya tungkol sa boyfriend niya ngayon. Mag tatatlong buwan na sila. Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto yung boyfriend niya. Wala akong tiwala. Masyadong demanding ang boyfriend niya eh. Hindi pa nga sila nag kikita pero si nic ang palaging nag loload sakanya. Si nic parating natawag sakanya. Wala pa nga silang kalahating taon, parati na silang nag aaway. Laging umiiyak si nic sakanya. Minsan di nalang ako umiimik kapag tungkol na sakanila. Naiinis lang kasi ako.

Nang makauwi kami ay agad kong tinext si gabriel.

"hi babe! Namimis na kita. Di ko pa masabi trabaho ko sayo kasi gusto kong makita mo actual e, suprice sana. lagi ka naman busy pero ok lang, nag promise ka naman na babawi ka sakin next time diba. May tatanong din kasi ako sayo e. Gusto na din kitang makita. Kinakamusta ka din ni mommy. Ingat ka palagi. Mornight babe. Iloveyou"

Humiga ako at huminga ng malalim. Miss na miss ko na talaga siya. Kailan kaya siya dadalaw dito sa bahay. Mag iisang buwan ng di kami nagkikita. Panay text at tawag nalang lagi.

Sa kakaisip ko ay nakatulog na din ako.

Wake up call, caught you in the morning

With another one in my bed..

Don't you care about me anymore?

Don't you care about me? I don't think so!

Tumunog na ang alarm ko. Pag tingin ko sa orasan ay 11am na. Tanghali na kaya pala gutom na ako. Bumangon ako, nag toothbrush, nagbihis, kumain. Sinilip ko ang phone ko kung may nagtext.

Fr: babe
Hi babe! Imissyou.. Ingat ka palagi

Laging ganyan ang text ni gabriel. Hi babe, iloveyou, imissyou, ingat ka palagi, etc. Minsan naiinis na ako. Hindi na kami nakakapag kwentuhan. Nawawalan na ako ng pasensya. Pakiramdam ko nga nasasanay na ako na wala yung presence niya.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakasalubong ko si ely. Sasabayan daw niya akong pumasok dahil manunuod siya sa bar na pinapasukan ko. Si J.e nagsabi sakanya kung saan ako pumapasok. Dalawang linggo din kaming laging magkasama. Lagi niya akong pinupuntahan sa bar. Palabas na kami ni ely sa bar ng makita ko si gabriel na nag aantay sa labas.

"babe!" tumakbo ako palapit sakanya para mayakap siya. Pero imbis na yakapin niya din ako ay sinigawan niya ako.

"dito ka ba nagtatrabaho ha? Hindi mo ba alam na delikado ka pag sa ganitong bar ka pumapasok!"

Hindi naman basta bar lang ang pinapasukan ko. Mga desenteng tao ang nag pupunta sa bar na yon. Sadyang wala lang talaga sa bokabularyo ni gabriel ang salitang bar.

"babe wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya sa mga tao. Huminahon ka muna."

Hinila ko siya sa may gilid ng bar. Nakatingin lang samin si ely. Pakiramdam ko nanliliit ako sa kahihiyan. Nabaling naman ang atensyon ni gabriel kay ely.

"siya ba?" tinuro niya si ely. "yang bang lalaking na yan kaya madalang mo na ako kausapin!"

Hindi ako umimik. Namumuo na ang mga luha ko sa mata ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakatakot siya.

"anong trabaho mo dito? Taga intertain ng lalaki? pokpok ka na din ba katulad ng mga babaeng nagtatrabaho dito?"

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko siyang sinampal. Bumuhos na ang mga luha ko. Hindi ko kinaya ang mga pinagsasabi niya. Ganon ba ang tingin niya sakin? Tinignan ko siya.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon