Sa bawat araw na dumadaan ay lalo kong minamahal si ely. Ilang taon din ang nakalipas. Maraming nangyari at maraming nagbago.
Ngayon ay anniversary namin ni ely. Apat na taon na kami. Parang kailan lang, ang bilis ng panahon. Ngayon araw ay balak naming magbakasyon ni ely sa palawan. Excited ako. Pinayagan ako magleave ng isang linggo at ganoon din si ely. Magiging exciting ang bakasyon naming dalawa. Halos lahat nakaready na. Inaantay ko na lang na sunduin ako ni ely.
Ilang oras din ang byahe namin simula manila to palawan. Hindi na mapakali ang mga paa ko na makaapak sa beach. Halos magdadalawang taon din akong hindi nakapagbakasyon dahil sa sobrang workaholic ko.
"aaaaaaahhh!! Ang ganda dito bebeko. Grabe ngayon lang ulit ako nakaapak sa buhangin." para akong batang nagtatatalon sa tuwa.
"Magpahinga muna tayo. Ayusin muna natin yung mga gamit natin at kumain." saad ni ely.
Magtatanghalian na din naman kaya pumayag na din ako. Kailangan din naman kasi namin kumain bago kami maggala.
Sobrang lawak ng ngiti ko na abot na yata hanggang tenga ng makita ko ang kama ng kwarto namin. Malaki ito at kitang kita ang karagatan kapag sumilip ka sa bintana. Isang malaking kama na may mga petals ng bulaklak sa ibabaw.
"Napakaromantic" bulong ko sa isip ko.
Pagkalipas ng oras ay bumalik kami sa kwarto namin dahil nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Pinagpahinga muna ako ni ely para makatulog ako. Napabalikwas ako sa bangon at sumilip sa bintana.
"hala!" dali dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa dalampasigan. Pagkarating ko doon bigla na lang ako nalungkot. Napaupo ako sa may buhanginan.
"sayang.." bulong ko sa aking sarili.
Tinabihan ako ni ely. Tinapik niya ang balikat ko.
"bebeko ok lang yan. Marami pa namang araw kaya maaabutan mo rin yon."
Nginitian ko lang siya at bumugtong hininga. Tumayo ako at niyaya si ely na maglakad lakad habang nakalubog ang mga paa namin sa tubig.
Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang saya maglakad kasama ang mahal mo. Nagbasaan at naghabulan kami ni ely sa tabing dagat. Sana wag ng matapos ang araw na to.
____________________________________
Gumawa kami ni ely ng bonFire malapit sa room na nirentahan namin. Sa sobrang ganda ng mga bituin sa langit ay hindi ko maalis ang mga tingin ko dito.
Hanggang kailan kaya tong sayang nararamdaman ko? Hanggang kailan kaya kami tatagal ni ely? Sana hindi na matapos.
"bebeko?" tawag sa akin ni ely.
"yes?" tanong ko.
"bukas pa raw makakarating yung mga kaibigan mo meron pa kasi silang ginawa kanina."
"bebeko kaibigan mo na din sila. :)" sagot ko kay ely.
Tumabi siya sa akin at tinanong niya kung anong gusto naming theme song. Ikanta ko raw kung anong gusto ko para sa aming dalawa. Sa isip isip ko, ang arte naman nito. sa sobrang tagal na namin bakit ngayon lang niya naisip na magkaron kami ng theme song. Ngumiti lang ako sa kanya at sabay stram sa gitara ng isang kanta ng side A.
There are times,
when i just want to look at your face,
with the stars in the night..
There are times,
when i just want to feel your embrace,
in the cold night..
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Ficção AdolescentePumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...