Chapter 11: THE WAY YOU MAKE ME FEEL

35 5 0
                                    

Maraming buwan ng nag daan ng di kami nag uusap ni nic. Hinayaan ko nalang siya sa mga gusto niyang gawin. Ayoko muna isiksik ang sarili ko sakanya dahil ako lang ang masasaktan. Nag patuloy ako sa pag kanta sa bar na pinapasukan ko. Madalas kaming mag kasama ni ely. Minsan ay nag pupunta ang barkada sa bar. Pakiramdam ko nga ay may sarili na siyang mundo dahil sabi sa akin ng barkada ay madalang na din nilang makasama si nic.

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni nic pero umaasa padin ako na mag sosorry siya sa akin. Umaasa padin ako na magkakaayos kaming dalawa. Umaasa ako kahit alam kong wala naman ng aasahan.

Habang kumakain ako ay nag tanong si mommy kung bakit hindi na nag pupunta si nic sa bahay. Hindi ako kumibo. Kunyari ay wala akong narinig. Alam ko namang alam niyang di kami ok.

Ang mga nanay malakas makiramdam. Hindi mo pa sinasabi pero alam na nila. Sabi nga nila, papunta ka palang, pabalik na sila.

Tuwing naiisip ko si nic ay hindi ko maiwasang hindi masaktan. Tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang maisip na si oliver ang pinili niya at hindi ako. Naiisip ko kung bakit parang baliwala lang ako sakanya.

Nagpatuloy ang buhay ko ng wala siya. Nangyari na naman sakin ang nangyari dati sa amin ng bestfriend kong si stephannie.

Si stephannie ay naging bestfriend ko din bago si nic. Maganda siya, tama lang ang height, Katamtaman ang kulay, Mabait, tahimik. Mag kaiba sila ni nic dahil si stephannie ay yung tipo na parang kapanahunan pa ni kopong'kopong. Wala sa bukabularya niya ang pag'inom, sigarilyo, etc.

Palagi lang kami noon sa bahay nila pagkatapos ng school. Videoke, foodtrip, kwentuhan, luto'lutuan.

Luto'lutuan? Yun yung hindi niyo pinag planuhan lutuin kaya kung ano-ano nalang lulutuin. Mahilig siya magluto ng spagetti. Isa sa mga paborito ko. Mahilig din mag uwi ng donut si tito daddy. Konti nalang parang doon na ako nakatira sakanila.

Naalala ko pa noon na ala sais na ay nasa bahay pa ako nila stephannie kaya naman naaabutan ako ng dadi at mami niya. Tuwang tuwa ako tuwing may dalang donut ang daddy niya. Lagi nalang ako magpapagabi para maabutan ko dadi niya. Donut pa more pleasee.. ^_^

Minsan naman ay napag tripan namin ang mga gown na binibili ni tita mommy. Pinag susukat namin pati mga sandals na akala mo ay mga sasali ng pageant. Loka-loka din minsan si stephannie pero mas grabe ako.

Mahilig din niyang kantahin ang beacause you loved me ni Celine Dion. Kanta niya para sa mommy niya. Maganda nga naman yung message ng kanta.

You were my strength when I was weak,

You were my voice when I couldn't speak,

You were my eyes when I couldn't see,

You saw the best there was in me..

Pakiramdan ko kanta niya din un para sa akin. Feelingerang palaka lang. ^_^

Lifted me up when I couldn't reach,

You gave me faith 'coz you believed,

I'm everything I am, Because you loved me..

Tuwing mag vivideoke kami ay hindi pwedeng mawala yang kanta na yan. Siya ang finale namin sa pag kanta. Habang kumakanta kami ay taga luto namin siya at kapag patapos na ang kantahan ay taga ligpit naman siya tapos kami ay mag sisiuwian na. Good friends ^^

Mahilig din siyang mag sulat ng kwento sa notebook at dahil mahilig naman ako magbasa ay ibinibigay niya un sa akin. Matiyaga siya mag sulat, hindi pa uso noon ang wattpad at madalang din sa computer.

Masaya kami noon pero dumating yung time na nagkaroon ako ng sariling mundo. Sa aming dalawa ako ang pasaway. Tama, pasaway nga ako.

Nag away din kami dahil masyado na daw akong pasaway. Hindi na daw ako nakikinig sakanya. Lahat ng pangaral niya sa akin ay hindi ko pinakikinggan. Pakiramdam ko ay nasasakal na ako sa kanya. Pakiramdam ko din yung nangyari sa amin ni stephannie ay katulad sa amin ni nic ngayon.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon