Chapter 17: BANAT PA MORE

32 4 0
                                    

Nag pasya kaming mag gala sa moa kung saan kami unang nagpunta noon. Umupo kami sa seaside at doon kumain.

"Pwede mo ba akong dalin sa mental?" tanong ni ely habang kumakain ako ng chips.

"ha? Bakit?"

"kasi baliw na baliw ako sayo." ^_^

"hahaha.. adik ka!"

"adik sayo! :) i love you bebeko."

"i love you too ely."

"kinilig ka naman?"

"baliw! Hindi no. Asa! Hahaha..."

Sa mga simpleng banat ni ely ay kinikilig na ako. Ang saya ng pakiramdam ko tuwing kausap ko siya.

"para kang tae ely."

"grabe ka naman. Bakit naman tae?"

"kasi hindi kita kayang pag laruan."

Napangiti siya sa banat ko. Nagtawanan kaming dalawa.

"bebeko alam mo bang para kang bola ng basketball?"

"bakit?"

"kasi hindi ko hahayaang maagaw ka ng iba."

Ngumiti siya ng nakaloloko at biglang tumawa.

"alam mo para kang mais"

"bakit?"

"ang corny mo eh!"

Niyakap niya ako at inilagay ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin kami sa dagat.

"sana hindi na matapos ang araw na 'to"

Tumingala ako sa kanya para makita ang mukha niya. Yumuko siya para makita din ang mukha ko. Nang magtama ang mga mata namin ay hinalikan niya ako sa labi.

"mahal na mahal kita bebeko. Hindi ko hahayaan na masira kung ano man ang nasimulan natin dalawa."

"mahal din kita ely. Wag mo kong iiwan please."

"hindi kita iiwan, promise yan!"

Itinaas niya pa ang kamay niya na parang nanunumpa. Hinawakan niya ang kamay ko at tahimik lang kami na nakatingin sa dagat. Hindi ko maiwasang mag isip at mapangiti.

Alam kong hindi niya ako kayang iwan dahil sa bawat araw na nasasaktan ako ay lagi siyang nasa tabi ko. Sana hindi na matapos yung ganito. Sana kami na forever.

Lumipas pa ang mga araw na hindi man lang kami nag aaway o nagkatampuhan ni ely. Lagi kaming magkausap o magkatext sa gabi.

Habang nakikinig ako ng mga old songs ay tumawag sa akin si ely.

"bebeko anong ginagawa mo?"

"wala. Nakahiga. Nagsosoundtrip lang."

"kinig ka ng papa jack, ngayon na."

Mahilig kaming makinig ng papa jack ni ely sa gabi at itetext namin sa isa't isa ang comment namin sa mga caller ni papa jack.

"okay, sige makikinig ako."

"okay. Iloveyou"

"iloveyou too. Bye!"

Habang nakikinig kami ay isang babae ang caller ni papa jack. Habang umiiyak siya ay parang gusto na din pumatak ng mga luha ko. Kinukwento niya kung paano sila iniwan ng anak niya habang ang asawa naman niya ay nakipag hiwalay sa kanya para lang sa ibang babae.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon