Chapter 13: HOLD MY HAND

24 5 0
                                    

"kung makipag balikan ba siya, may pag-asa ba siya?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Alam ko ng iba ang nasa isip niya ng makita niya kami ni gabriel. Humarap ako ng nakangiti sa kanya.

"bakit? Selos ka no!" (pataas-taas kilay pa ko habang tinatanong siya)

Bahagyang napangiti na lang siya sa sinabi ko. Alam kong hindi naman niya dadamdamin ang nakita niya. Hindi siya yung tao na nag jujudge agad sa mga bagay na nakikita niya.

"oo! Ayokong may ibang humahawak sa kamay mo. Gusto ko ako lang."

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Binawi ko naman sa kanya agad yon at sinabing..

"baliw! Feeling mo no." at sabay na nag lakad palayo. Habang nag lalakad ako palayo ay hindi ko mapigilan kiligin sa sinabi niya. Hinabol niya ako at sinabayan mag lakad.

Tumambay kami sa seaside ng moa. Sayang nga at hindi ko man lang naabutan yung pag lubog ng araw. Isa pa naman yon sa mga pangarap ko na makita ang pag lubog ng araw kasama ang mga taong mahalaga sa buhay ko.

Habang pinag mamasdan namin ang dagat ay napahawak ako sa kwintas na suot ko na ibinigay ng mommy ni gabriel. Napatingin naman sa akin si ely.

"Ang ganda ha! Bigay niya?"

Umiling ako. "hindi. Bigay ng mommy niya."

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa malawak na dagat na nasa harapan namin.

"Sobrang bait niya sa akin. Pangalawang nanay ko na siya kung tutuusin. Gustong gusto niya ako para kay gabriel. Sayang daw at hindi kami nagtagal."

(pause)

"Ayoko talaga ng iniiwanan ako." dugtong ko.

Tinignan niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko.

"nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at napangiti.

"etchusero! Marami ng nag sabi niyan pero iniwan din ako."

"oo nga! Maniwala ka kasi sakin."

"ayoko nga! Baka masaktan lang ako." sabay tawa. Kahit gusto ko siya, ayoko parin magtiwala ng lubos.

Tumingin muli siya sa napakagandang dagat.
"sana isang araw magtiwala ka sakin na hindi kita iiwanan."

Hindi ako kumibo. May kinuha siya sa bag niya at nag salpak ng earphone. Ibinigay niya sa akin ang isang piraso ng earphone at isa naman sa kanya.

"pakinggan mo to."

Nag play ang isang kanta ni noel cabangon.

Bakit di ko maamin sa iyo,

Ang tunay na awitin ng loob ko,

Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo..

Ngunit di ko pa rin maamin sa iyo..

Tumingin siya sa akin at pangiti ngiti.

Di malaman ang sasabihin 'pag kaharap ka,

Ngunit nililingon naman pag dumaraan na,

O ang laking pagkakamali,

Kung di niya malalaman,

Sa awitin kong ito ipadarama..

_____________________________________________

La la la la la la..

La la la la..

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon