Chapter 21: ASO'T PUSA

11 1 0
                                    

Ilang linggo na kaming hindi nagkakasundo ni ely. Palagi na lang kaming away bati. Nakasasawa din pala kapag palaging ganoon ang takbo ng isang relasyon.

Pinag-aawayan yung mga simpleng bagay. Yung mga maliliit na bagay tapos hanggang sa lumaki na yung issue. Yung mga issue na hindi mo naman dapat sabihin o banggitin pero nasasabi mo dahil dinadala ka ng galit mo.

Pero hindi naman natin maiiwasan yung away diba. Part na siya ng buhay natin. Actually ayun nga yung nag papatatag sa isang relasyon. Mapa-asawa, magdyowa, kalive-in, kapatid, kamag-anak, kaibigan, etc.

Kagandahan nga lang sa pag-aaway is makikita natin yung mga negative side niya kasi mas mailalabas niya talaga yung ugali niya kapag galit siya but other than that maiiwasan mo yung mga bagay na ayaw niya at matatanggap mo yung mga ibang side niya diba.

"ano ba kasing problema bebeko?" :(

"ano ba naman kasi yan ely! Diba sinabi ko na sayo marami kaming gig ngayon, bakit ba hindi mo maintindihan?!"

"naiintindihan ko naman ha. Gusto lang kita makita at makausap. Masama ba yon?"

"wala naman akong sinabing masama. Wala akong time. Bebeko naman. Magtetext naman ako o tatawag kapag may free time ako."

"sorry na!"

Napabugtong hininga na lang ako. Ayokong pagtalunan pa namin 'tong napakababaw na bagay.

"ok. Sorry din. Pagod lang ako."

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Alam ko kung gaano niya ako kamiss. Miss na miss ko na din naman siya pero sa sobrang hetic ng sced namin kokonti na lang ang oras na makapag usap at makapag bonding kami ni ely.

Ilang linggo pa rin ganoon ang sistema ng scedule ko. Wala akong magawa. Ayokong mawalan ng trabaho. Madalas pa na kapag nag rerestday ako ay pinagpapahinga ko na lang ang sarili ko at inuubos ang oras sa katutulog para makabawi ang katawan ko sa puyat at pagod.

Pagmulat ko ng mata ko ay agad kong hinanap ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Tinignan ko ito kung may text galing kay ely.

14 missed calls and 10 message recieved..

Hindi ko muna iyon binasa kundi tinawagan ko agad si ely.

Calling...

"Hi baby.." Antok na bati ko sa kanya.

"Hi bebe ko!" Masiglang sabi niya.

"Bebeko? Labas tayo. R.d ko ngayon. Namimiss na kita e."

"sorry bebeko. Pagod kasi ako e. Gusto ko muna ipahinga yung katawan ko. Pwede next time na lang?"

"ganoon ba? Sige next time na lang. Pahinga ka na muna. Wag mo kasing pagurin sarili mo. Iloveyou."

"love u too."

Lumipas ang araw at buwan na laging ganoon ang routation ng buhay namin ni ely. Kahit monthsary namin ay hindi ko na siya nababati.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na magleave sa trabaho. Gusto kong magpahinga. Gusto kong mapahinga ang katawan at boses ko. Nakakapagod din ang magbyahe byahe. Madalas kasi ay may kumukuha sa banda namin para kumanta sa isang kasal, debut, birthday at iba pa.

Nagkataon din na nagkasakit si mommy kaya panay ang pursige ko sa pagtatrabaho.

Nagluto ako ng sinigang na baboy para sa tanghalian namin. Gusto ko din sanang supresahin si ely dahil wala naman siyang pasok ngayon. Inihanda ko na ang kakailanganin ko sa pagluluto. Saktong 11:45am ay natapos akong magluto. Naglagay ako sa may tupperware para kay ely.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon