6 years ago ng makilala ko si ely. eto ang kwento ng buhay ko..
Isa lang akong simpleng mamamayanan.
Madaming kaibigan.
Madaming nag mamahal.
Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na suplada. Hindi ako lantaran sa kagandahan ko. (hahahaha)
Madaming galit sa akin dahil ako nalang daw lagi ang pansinin.
Eh anong magagawa ko?
Eh sa maganda ako.
Likas lang sa akin na palaging pinapansin dahilan na din siguro na friendly ako at hindi suplada.
Maliit, mahaba ang buhok, maputi.
Malandi daw ako dahil panay lalaki ang mga kaibigan ko.
Iilan lang ang mga kaibigan kong babae. Dahilan siguro kaya konti lang ang kaibigan kong babae dahil ayoko sa mga plastik.
Mabait ako di lang halata pero malakas ang topak ko. Sabihin na nating may pagkabuang ako.
Isang araw nag lalakad ako sa di kalayuan ng bahay namin.
Kasama ko ang matalik kong kaibigan na si nic.
"bhez may papakilala pala ako sayo ha!"
Eto na naman sya. Ibubugaw na naman ako sa iba. Sinabi ng ayoko e.
"ah.. Eh.. kasi nic may gagawin pa pala ako, siguro next time na lang ha! Una na ako. See yah!"
Naglakad na ako ng mabilis para hindi na nya ako kulitin. Nag pasya nalang ako na umuwi sa bahay namin.
Sya si Dominique aka Nic.
Isa sa mga matalik kong kaibigan. Kung ano ang katangian ko, kabaliktaran naman sakanya.
Black beauty sya pero iilan lang ang nakakapansin nun. Matangkad, matangos ang ilong, katamtaman ang haba ng buhok.
May pagkamaldita si nic. Mataray at napakasuplada.
Sakanya ako natutong tumambay, mag inom, mag mura at lumaban.
What i love about nic is she never judge you, she can count on, she always listen. Mabait naman si nic, wag lang kontrahin. Hahaha
Natauhan nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sino na naman istorbo ang nagtext sakin.
"bhez labas ka dali. Pataya tayo ng ending. Dito ako sa baba ng bahay nyo."
Pagkabasa ko, tumayo agad ako sa kama ko at dali daling bumaba.
"hoy! Ano na naman ending yan sinasabi mo? Wala akong alam dyan. Ikaw na lang mag isa nic."
"sige na bhez, samahan mo na ko. Isa pa mas madami kang kaibigan e, mas mauuto mo silang tumaya dito sa ending card." sabay puppy eyes.
Aba't ginamit pa ako ng bruha na to. Mahahagard ang kagandahan ko sa labas no.
"e hindi ko nga alam kung pano yan. Ikaw nalang tsaka ayokong lumabas." sagot ko.
"sige na nga, ako nalang mag isa. Sayang naman kung walang makatama, sakin mapupunta ang panalo. Hindi kita ililibre kung sakali."
Nak ng tipaklong. Kinonsensya pa ako.
"e mag kano ba tama dyan? Kung sakaling walang manalo, akin na yung tama ah. Ako nag pataya e."
Sabay hablot ng ending card. Naglakad na ako palabas ng gate namin.
"bilisan mo! Baka mag bago pa isip ko at hindi kita tulungan."
Sumunod nalang sya sakin ng nakangiti. Tinuruan din ako ni nic paano magpataya sa ending card. Madali lang naman pala. Ililista mo lang yung pangalan nila doon sa gusto nilang number at kukuhain mo yung bayad nila.
"pano yan nic, meron pang sampung bakante na wala pang taya. Hindi kaya malugi tayo dito?" tanong ko.
"ok lang yan bhez. Basta kung ano resulta ng basketball mamaya at bakante yang number na yan, ibig sabihin walang nanalo. sayo na yang pera." sagot nya.
Umupo muna kami isa sa tambayan namin.
Pagod na din kasi akong mang uto ng tataya sa ending card este pagod na akong mag hanap ng tataya sa ending card. Medyo gabi na din naman.
Habang nakaupo kami ni nic meron parating na dalawang lalaki. Di ko maaninagan yung mukha dahilan na din siguro ng ilaw sa poste.
Nakaisip ako bigla na harangin yung dalawang lalaki para tumaya sa ending card namin. Tutal maganda naman ako, hindi nila ako matatanggihan. (kapal muks ko no, hahaha)
Habang papalapit sya sa kinauupuan namin bigla akong napatayo. Langya di ko alam gagawin ko, relax angel. Nasa tapat ko na sya.
"ah.. Eh.. A-ano.. Ely taya ka sa ending card namin."
"magkano ba yan? Tataya ako pero pahingi muna ako ng cellnumber mo."
"pre, dumadali ka na din ah! Hahahaha" sabi ng kaibigan nyang si edmond.
Feeling ko naging kamatis ang pisngi ko sa pula. Lintek ka ely. Bakit ka ganyan. Kinikilig kaya ako.. ^_^
Nagpalitan lang kami ng cell number. Di pa rin ako makapaniwalang itatanong nya yun. Hanggang ngayon lutang padin ang isip ko.
"bhez!"
Hui angel!" tinatawag na pala nya ako.
"ahm.. Tara na umuwi, gutom na din ako e. Kita nalang tayo maya kapag malapit na matapos ang basketball game ha! Bye."
Dali dali akong umuwi. Pag kapasok ko sa kwarto ko gusto kong tumalon, gusto kong sumigaw. Aaaaaaaaaahh!! Kinikilig ako, kinikilig ako.. Enebeyen. Ang harot ko. Tss
Pagkatapos ko kumain dumiretso na agad ako sa bahay nila nic. Malapit na kasi matapos ang game. Excited na ako kung sino mananalo.
5.. 4.. 3.. 2.. 1..
Sayang di sya ang nanalo. Bet ko pa naman sya. Akala ko makikita ko na naman sya. Ibinigay na namin ni nic yung pera dun sa nanalo. Binalatuan naman nya kami kaya masaya pa din naman kami. Bumili nalang kami ng ice cream sa kanto.
Habang kumakain kami ng ice cream, biglang nag salita si nic.
"bhez? May gusto ka ba dun kay ely?"
OMG! Halata ba ako kanina? Anong sasabihin ko? Idedeny ko ba o ano? Mag isip ka angel, mag isip ka..
"ano ka ba! Wala no! Di ko yon gusto, isa pa alam naman natin na hindi nya ako pinapansin noon pa." palusot ko.
"wala naman masama kung mag kagusto ka sakanya e. May itsura naman sya."
Hindi na ako umimik baka kung saan pa mapunta ang usapan e. Umuwi na din kami.Sabagay tama din naman si nic.
Sya si Ely.
Childhoodfriend ko. Simula pa nuon may gusto na ako sakanya pero hindi nya napapansin ang kagandahan ko. (Hahaha)
Sabi nila panay aral at computer lang daw ang inaatupag nya. Walang oras makipagtext o sabihin na natin walang oras para sa mga babae.
Hindi sya kagwapuhan pero para sakin ang lakas ng dating nya. Matangkad sya. Matangos ang ilong. Kayumanggi ang kulay at may maamong mata.
Palagi ko syang napapansin pero hindi nya ako napapansin. Pakiramdam ko nga minamahal ko na sya ng palihim. Hindi sya kagaya ng iba nyang kaibigan na tambay dito, inom doon, babae dito, yosi doon.
Ibang-iba sya kaya siguro nagkagusto ako sakanya o baka siguro paghanga lang tong nararamdaman ko para sakanya. Patulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko..
Unknown
1 message receive ..
Itutuloy ....
Note:
Hi! Im a silent reader too, nagkaroon lang ako ng lakas ng loob kasi inspired po ako sa dalawang hinahangan kong writers. First time ko mag sulat kaya pag pasensyahan nyo na po ako.. HeheheHope you like it :)
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Teen FictionPumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...