"goodmorning babe, iloveyou!"
Isang text galing kay gabriel. Nakakatuwa talaga na kapag nagigising ka sa umaga ay may bubungad agad sayo na ganyang kacheezy.
Maaga akong nagising dahil may interview ako ngayon sa inapplyan kong trabaho. Sana matanggap ako para hindi na ako maboring sa bahay. Dumating ako ng mas maaga para mas makapag prefer ako. Kinakabahan ako. Di naman ako ganon kagaling pero ibibigay ko ang best ko para matanggap lang ako.
"ok next!" tawag ng isang masungit na bading na nakapamewang pa. Lalo tuloy akong kinabahan. Umupo ako at huminga ng malalim bago mag simula.
I believe in you,
You know the door to my very soul ..
You're the light in my deepest darkest hour,
You're my saviour when I fall ..
Habang kumakanta ako ay naiisip ko si gabriel. Mahal ko si gabriel at malapit na ako sa mahal na mahal.
And you may not think,
I care for you..
When you know down inside,
That I really do and it's me you need to show..
Binigay ko na yung best ko sa pagkanta. Ilang oras din ako nag antay para malaman kung nakapasa ako at hindi naman ako nabigo. Pinag sisimula na nila ako next week para makakanta. Sa wakas may trabaho na din ako. Excited akong ipaalam kay gabriel kaya naman tinext ko siya.
"hi babe! Nakapasa ako sa inaplyan ko. Magkita tayo ngayon para mag celebrate :)"
Dumiretso ako sa mall para doon ko nalang aantayin si gabriel. Ilan oras din ako nag antay ng text nya. Bakit kaya hindi siya nag rereply? Busy kaya siya? Nag antay pa ako ng ilang minuto pero wala padin kaya tinawagan ko nalang siya.
(phone ring)
"hi babe!"
"iloveyou babe!" masayang bati ko. "babe nandito ako ngayon sa mall, mag kita tayo ngayon."
"sorry babe, busy kasi ako e. May inaasikaso pa kami ni nanay. Next time nalang babe. Babawi ako promise."
"ganon ba? O-ok lang babe. Next time nalang" nadisappoint man ako pero ok lang. May next time pa naman e tsaka nag promise naman sya.
"thanks babe. Bye! Love u"
"iloveyou too. Bye"
Tinawagan ko naman si nic pero out of coverage naman. Hays. Sayang naman wala man lang ako kasamang kumain para mag celebrate. Naglakad lakad nalang ako para aliwin ang sarili ko. Sa pag lalakad ko di ko inaasahan na makikita ko siya. Nag tago ako para hindi niya ako makita. Di ko alam pero parang nahihiya ako sa kanya simula nung huli namin pag kikita sa foodcourt. Pakiramdam ko parang nasaktan siya ng hawakan ni gabriel ang kamay ko. Nag madali akong lumabas ng shop pero masyado yatang mapaglaro ang tadhana. Mabilis niya akong nahagilap ng mga mata nya.
"angel!" sigaw niya. Para akong istatwa na hindi makagalaw. Lumapit siya sakin.
"h-hi ely! Na-nandito ka din pala. Kamusta?"
"sino kasama mo? Himala yata at ikaw lang mag-isa nag gagala."
Tama nga siya. Himala at ako lang ang nag gagala. Hindi kasi ako sanay mag gala ng walang kasama.
"galing kasi ako sa inaplyan ko. Dumiretso lang ako dito."
"ganon ba? Halika samahan mo ako kumain. Di pa ko kumakain."
BINABASA MO ANG
LET GO.. (ON-GOING)
Teen FictionPumikit ako baka sakaling mali lang ako ng narinig. Baka isa lang itong bangungot. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero hindi.. Hindi ito isang panaginip.. "please wag mo kong iiwan." "ayusin natin to." "mahal na mahal kita." Nakatingin lang...