Chapter 10: SIYA O AKO?

36 5 1
                                    

Tumambay kami ni nic sa paborito naming tambayan, ang rooftop. Lagi silang mag katext ng boyfriend niyang si oliver. Minsan ay nakakalimutan na ako ni nic sa pagkabusy niya sa boyfriend niya. Wala naman un sa akin. Minsan ay napag kwentuhan namin na may pinopormahan si oliver kaya naman nagalit ako. Dahil mahal ni nic si oliver ay agad naman niya itong pinatawad at binigyan ng pag kakataon na mag bago. Sa isip isip ko ay hindi na yun mag babago.

Ang isang bagay na nasira na ay mahirap na ulit ibalik. Parang tiwala, kapag nasimulan mo ng sirain ay mahirap na ulit mag tiwala.

Ilang buwan din ang nakalipas madalas padin sila mag talo ni oliver. Minsan ay nag aaway na kami ni nic dahil di naman niya ako pinakikinggan. Dahil mag kaibigan kami ay hindi naman maiiwasan na mag alala ka para sakanya. Minsan ay sinasabi ko nalang na hiwalay na niya si oliver. Wala din naman mangyayari kung ipagpapatuloy pa nila. Lagi naman silang nag aaway, lagi nalang umiiyak si nic sakin. Nasasaktan ako tuwing nasasaktan siya.

Minsan ay nag punta sa amin si nic. Nakikipag hiwalay daw sakanya si oliver. Hindi siya pumayag. Ganoon naman talaga diba? Na kapag mahal mo ang isang tao ay hindi ka papayag. Habang umiiyak siya ay di ko maiwasang magalit, maawa at masaktan. Bestfriend ko siya eh kaya ayokong may nananakit sakanya. Kinuha ko ang cellphone niya at tinext ko si oliver.

"Ang kapal ng mukha mo! Pag katapos mo makuha lahat, iiwanan mo lang si nic! Wala kang kwenta!"

Nang gagalaiti ako sa galit. Bat ba ganyan ang mga lalaki na yan! Pag katapos makuha lahat ay iiwan ka lang. Aaaarrghhh! Ang tigas talaga ng mukha!

Hinayaan ko lang umiiyak si nic. Maya-maya ay naging maayos na din ang pakiramdam niya. Sinabihan ko din siya na wag na niyang babalikan si oliver. Walang mangyayaring maganda sa buhay niya kapag bumalik siya sa lalaking yon. Hindi siya umimik.

Tuwing mag kikita kami ay lagi naming napag uusapan si oliver. Kapag galit ka sa isang tao ay hindi mo naman maiiwasang mag salita ng mga hindi magagandang salita para sakanya hindi ba? Minsan, kahit ayaw natin mag salita ng di magaganda ay napipilitan tayo. Masyado tayong dinadala ng emosyon natin. Kahit ayaw mong makasakit ng damdamin ay di mo mapigilan ang pag labas na pangit na salita sa bibig mo.

Ilang linggo akong nag tiis kay nic para lang maintindihan siya. Ganoon din naman ako ng mag hiwalay kami ni gabriel pero pakiramdam ko ay mas malala siya dahil kahit kailan, nasaktan man ako ni gabriel ay hindi naman katulad ng ginagawa ni oliver sakanya.

Nalaman ko nalang na nag kabalikan na sila ni oliver. Sobrang sama ng loob ko. Bakit hindi man lang niya sinabi sakin? Bakit nag lilihim na siya sakin? Hindi na ba niya ko tinuturing na bestfriend o sadyang nalamon na ng utak niya mga pinag sasabi sakanya ni oliver?

Madalang na din kaming magkita ni nic. Hindi ko maiwasang masaktan. Di ko maiwasang malungkot. Bakit siya ganon sakin? Palaging si ely nalang ang nakakasama ko. Minsan naman ay ang tropa ko pero wala si nic.

Isang araw ay nagtext sa akin si oliver.

"pakialamera ka! Wag mo na kaming pakialaman ni nic! Wag mo na kaming guluhin!"

Pakiramdam ko ay gusto ng umusok ng ilong ko sa sobrang galit. Gusto ng lumabas ng mga sungay ko sa ulo. Napag alaman ko na sinasabi pala ni nic lahat ng sinasabi ko tungkol kay oliver. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito kami ni nic.

Ano nga ba sayo ang bestfriend? Ang pag kakaalam ko kasi ang bestfriend kahit na anong mangyari eh hindi kayo mag iiwanan. Walang lalabas na kahit na anong sikreto niyong dalawa. Mag away man kayo ay mag kakabati din agad kayo.

Pinuntahan ko si nic sa bahay nila. Kailangan ko siyang makausap. Ayoko ng ganito kami. Nang makarating ako ay agad kong nakita si oliver. Nag init na naman ang ulo ko. Sinugod ko siya at sinigaw sigawan.

LET GO.. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon