Update 5 na. Ipagpatuloy nyo lang ang pagbabasa siguradong mag eenjoy talaga kayo.
***
--------------------------------------------------
Nagulat naman ako sa biglang pagtunog ng bell ng school. Ambilis talaga ng oras katulad ng pagmamahal ni Archie saakin ambilis mawala.
Pero yah. Balik tayo sa katotohanan. Nagsimula na akong pumunta sa aking pila ng bigla akong may mabangga. At nung tiningnan ko kung sino si Archie pala.
Sa mga oras na yun bigla akong bumalik sa nakaraan bigla kung naalala kung gaano kami kasaya dati. Kung gaano kami ka open sa isat isa at kung paano ito nawala lahat.
Di ko namalayan umiiyak na pala ako. Nag offer naman ng tulong si Archie kaya inaccept ko nalang rin. Free holdings hands tatanggihan ko pa ba. Minsan lang dumadaan ang grasya. Kaya ifefeel ko muna to.
authors note*itigil mo nga kalandian mo ayeesha*
Pero habang tumatayo ako biglang may sumakit na nag cause na matumba ako. So dahil doon kinarga nya nalang ako papunta ng clinic.
Ang lakas lakas nya na ngayon di tulad ng dati parang stick lang dahil sa sobrang payat na parang pweding liparin ng hangin. Ang laki laki talaga ng pinagbago niya. Di na sya yung lalaking kilala kung kulilat at mahiyain. ibang iba na talaga siya.
Gusto ko mag sorry sa kanya ngayon dahil sa mga ginawa ko dati. Pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko syang yakapin pero hindi ko kaya.
Nagising nalang ako sa katotohanan ng bigla sya mag snap ng finger nya sa harap ng itsura ko at sinabing nandito ka na sa clinic. Nakinainis ko naman kaya ayun. Gumana naman ang pagiging shotgun mouth ko.
Pero ang pinagtaka ko lang bakit di sya umiimik parang wala na talaga ako para sa kanya. Kaya tumigil na ako. At habang nag lalakad sya paalis sumigaw nalang ako ng thank you.
Na nag cause naman na magalit sa akin ang nurse dahil ang ingay ko daw. Pero di ko nalang siya pinansin at humiga nalng ako sa kama.
Kahit bumalik man saakin ang nakaraan masaya narin ako. Dahil kahit hindi nya man ako pinapansin hinatid nya parin ako at muli kong nahawakan ang kanyang mga kamay.
At pagkatapos kung magamot at malagyan ng bandage ang mga sugat ko. Agad naman akong bumalik sa klase.
Pumasok na ako sa classroom at ang nakita ko lang ay ang mga kaklase kong nag iingay at yung iba naman ay pinaglalaruan ang kanilang cellphone as usual.
Habang nagbabasa ako ng aking mga notes biglang dumating ang aming guro. Nag start na sya magturo pero sa totoo lang ni isa wala talaga akong maintindihan patuloy parin kasi akong nababagabag sa sitwasyon namin ni Archie ngayon. gusto ko mag papansin pero muka yatang wala na akong epekto sa kanya.
Sabi nga nila " tiyaga lang, Maabot mo din ang gusto mong makuha"
kaya eto ako nag iisip na naman ng plano kung paano nya ako papansinin.
a)magpasagasa
b)tumalon sa building
c)sumigaw na mahal ko siya
d)pagselosin sya.Alam ko naman na kahit walang paki sa akin yun mahal parin ako noon.
Author's note * feeler much ayeesha akin na si Archie*
So nakaisip narin ako ng brilliant plan. iprank ko kaya sya. Kaya pag recess na pag recess hinanap ko kaagad sya.
Hanap hanap hanap hanap hanap. At ayun nakita ko na.
Wait what???? Anung hinagaw nya? Babae bayung kasama nya?
Kung di ako nag kakamali babae nga.Biglang naudlot ang plano ko. So imbis na iprank ko sya. Sinundan ko nalang sila. Ewan ko ba bakit ko to ginagawa na alam ko naman na masasaktan lang ako. Pero basta para sa pagibig gagawin ko lahat. Kaya ayun sinundan ko sila. hangang sa madulas ako at madapa naagad naman nakakuha ng atensyon ng lahat.
Wahhhhhh. Nakakahiya talaga. Di dahil nakita ako ng taong nadapa kundi dahil nalaman nyang sinusundan ko siya. Pero okey narin yun atleast napansin nya ako.
Well. Natapos ko naman ang araw na to ng buhay. Geh mamaya naman.
Anu ba talaga mahal o hindi?
Archie sino yung babeng kasama mo huh?
BINABASA MO ANG
Ang Flashback sa aking Future
Teen FictionHi there! Unang story ko palang to kaya pag pasensyahan nyo nalang kung panget. Story to ng isang babaeng walang pakialam doon sa lalaki. pero dumating ang time na ang babae na naman ang nag hahabol sa lalaki.