Airport

10 0 0
                                    

Update 10 na. Patuloy lang kayo sa pagsubaybay sa kwento nila Archie at Ayeesha.

***

--------------------------------------------------

5:30 am na pala. Agad naman akong bumangon sa kama ko at nagderitso na  sa banyo para maligo. Sa pagkakatanda ko 8:30 am ang flight namin.

After kung matapos lahat ng gagawin ko. Cheneck ko ulit ang mga gamit ko kung kompleto na at ang oras at 6:30 am na. Nagpahatid na ako sa driver namin papunta ng Airport.

At habang bumabyahe ako. Bumalik na naman lahat ng nangyari saaming dalawa ni Archie. Bumalik saaking yung sakit nung iniwan ko siya. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Authors note* Anu ba talaga ang dahilan kung bakit mo sya hiniwalayan dati*

Ano bayan panira talaga ng drama si Author. Sigena na nga ikwekwento ko nalang ang nangyari saamin para magkaroon naman kayo ng sense sa mga pinagsasabi ko.

Flashback...............

Girlfriend ako noon ni Archie ng biglang magtext sa akin si Papa. Nalaman nya na pala na boyfriend ko  sya na ikinagalit nya naman  Dahil alam ko  naman daw na hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang pamilyang matagal na nagkokompetensya. At ang pamilya ni Archie ay ang pinakakalaban ng pamilya namin. Kaya halos lahat gawin ni papa para paghiwalayin kami. Minsan nga pinagbantaan nya pa ako na ipapatay nya si Archie pero pinagsawalang bahala ko lang at pinagpatuloy ang relasyon namin hanggang dumating ang oras na ginipikit nya ako at nagbanta na ipapatay nya daw ang buong pamilya ni Archie na kinatakot ko naman. Gusto ko syang ipaglaban pero wala akong magawa masyadong
makapangyarihan ang aking ama. kaya kahit labag sa loob ko iniwan ko sya na di man lang nya nalalaman ang tunay na dahilan. Minsan narin akong nagbakasakali na sabihin sa kanya pero di nya ako pinakinggan at sa tuwing lumalapit ako sa kanya mas lalo nya lang akong iniiwasan minsan nga nagmumukha nakong tanga  sa kakahabol sa kanya pero parang wala parin sa kanya. Pero kitang kita ko parin sa mga mata niya na nasasaktan sya. di niya alam na doble ang nararamdaman kung sakit kapag nakikita ko syang malungkot.

Pero anu nga bang magagawa ko. Galit na galit na sya sakin ngayon. Kaya minsan dinadaan ko nalang sa biro at tawa ang lahat. pero bakas parin sa mukha ko ang sakit.

MAHAL NA MAHAL KITA ARCHIEE.

end of flashback.

Bumalik naman ako sa katinuan ng bigla akong tawagin ng driver. at sabihin na andito na kami. Chineck ko ang oras at 8:00 am na. Mga isat kalahating oras rin pala ang byahe.

Pumunta nako agad sa lugar kung saan kami magkikita kita lahat. Habang naglalakad ako papasok ng airport nangako ako sa sarili ko na iiwan ko muna ang mga problema ko dito at magpapakasaya muna ako.

At nung dumating ako doon sa lugar kong saan kami magkikita pinuntahan ko naman agad si Mam meth.

after 15 min. of waiting. paalis na rin ako. Nag last call na ako sa parents ko at sa mga kaibigan ko. Bye philippines..........

end na muna bukas ko naman ipagpapatuloy. Medyo emo ang chapter na to. 

******

Ang Flashback sa aking FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon