Game #7

70 5 0
                                    

CLINT POV

Plan 1 palang to kaya be ready Zenobia, Maiinlove ka rin sakin >:)

And a job well done para sa napaka pogi at matalinong nilalang na kagaya ko.

Sigurado sa gwapo at charm kong ito for sure kinilig na sakin yun.

Sisiguraduhin kong matatalo ka sa laban na to Zenobia ;)

"Di ko alam na dito karin pala lumipat bakit di mo kami ininform?" Maktol ni JC

"Malay ko bang dito ka nag aaral eh diba galing ka namang America?" bwelta ko.

"Hmm! Ang importante nandito na yan!" Ito namang singit ni Kiean.

"Bro bakit naman naisipan mong lumipat dito sa Castellano High?" Tanong ni Jc habang bumubuo ng rubrics niya.

"Boring sa isa kong school maraming babaeng nanghahabol" napanguso naman si Raden sakin.

"Yabang nito!" Angal niya sabay hagis ng t-shirt niya na puro pawis at dumiretso pa ito sa mukha ko.

"Hayfe to!" At binato ko ito pabalik sa kanya pero nakiwas din.

"Stroll nalang tayo! Dun tayo sa bar ng tito ko" aya naman ni Adrian.

"Sure!" Agree ni Kiean.

"Marami bang chix dun?" Tanong ko.

"Oo naman! Bar yun! Imposibleng wala!" Pilosopong sabi ni Raden.

"Tss.. whatever pass muna ako may date kami ni Nica" Sabi ni Vince.

"Huh! Tae mo! Nica ka pa diyan! Boring naman yun!" Pang aasar ni Kiean.

"She's  not boring sadyang parehas lang kami mg gusto" dahilan pa niya.

"Ano ba kasing meron sa libro na yan? At baliw na baliw kayo?" Iritang tanong ni Raden.

"Wala ka na dun!"  sagot ni Vince.

Nagtawanan lang ang lahat pati narin ako. At si Vince ay nagsalpak nalang ng earphone sa magkabilang tenga niya.

Saturday ngayon kaya wala naman akong ginagawa at mamayang gabi ay pupunta naman kami sa bar ng tito ni Adrian.

Ang gugulo talaga ng mga to feel at home na feel at home ang mga loko.

Kala mo bahay nila ang bahay ko.

I'm living in my own life na rin naman. Ayoko narin naman kasi tumira sa bahay ng daddy ko dahil ayaw na ayaw akong makita ng asawa niya.

Anak ako sa labas ika nila, and my mother died nang ipinapanganak niya ako. I never saw her beautiful face.

My dad told me how beautiful my mother was. Napakabait daw ni mama kaya nainlove siya rito. Pero naghiwalay sila dahil sa ayaw daw ng parents niya kay mama dahil may nakatakda nang babae na ipapakasal sa kanya at si Tita Alicia yun.

Nakakasawa narin yung mga masasamang titig sakin ni tita Alicia, mga panghuhusga sa nanay ko atbp.

Kaya naisipan kong magbukod nalang and do whatever I want ng walang nangengealam sa buhay ko.

Drama diba?

Talagang boring naman at dahil wala naman akong ginagawa di tulad nung mga barkada ko na halos lahat ng gamit ko ginamit na. Hinayaan ko nalang sila.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon