Finals #62

18 1 0
                                    

ZENOBIA POV

*poink* *poink*

Tinapik ko ang kamay na pilit nangangalabit sa pisngi ko dahil nadidisturbo ang tulog ko. Inis na tinakpan ko ang mukha ko ng isa pang unan

Nagulat nalang ako ng biglang hilaim yung mismong inuunanan ko at dumiretso ang mukha ko sa kama nalang.

Mabilis kong iminulat ang mata ko at tinignan ng masama ang humila sa unan ko. Agad na nawala ang sama ng tingin ko ng makita ko sa harapan ko ang seryoso at parang nanay na nakatingin sakin, si Rayven.

"Oh? Baket?" Iritableng tanong ko.

Inikot niya lang ang mata niya saka pumameywang. "Siguro naman kailangan mo ng gumising para ayusin mo RIN yung kalat na ginawa ng mga kaibigan natin"

Hinipan ko pataas ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko at saka iningudngod ko uli yung mukha ko sa malambot na foam.

"Susunod ako" tanging sabi ko nalang.

Hindi naman na nagsalita si Rayven at narinig ko nalang na sumara na ang pinto. Nakita ko sa nga higaan si Kaela at Lieshel na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang orasan at nakita ko na 6:15 palang ng umaga. Kaaga namang magising ni Ray!

Maya't maya ay sumunod narin ako sakanya sa baba. Ano ba kasi yung ginawa ng mga loka lokang yun? Madiin na napakamot ako sa batok ko at nang makita ko ang sala ng bahay.

Nakita ko ang kalat kalat na gamit at nakita ko ang dalawa kong matinong kaibigan na naglilinis narin.

"Hoy! Huwag ka na tumunganga diyan bruha ka tulungan mo kami!" Sita ni Chlae sakin.

I crossed my arms at saka tinaasan siya ng kilay "excuse me...bakit nga pala ako maglilinis diyan eh wala naman akong maalala na may ginawa ako diyan?" Mataray na tanong ko.

"alam namin bro! Pero tulungan mo nalang kami,  bibita yung mommy ni Kiean at baka magalit yun pag nakitang ganito yung bahay niya" pilit ni Kerstle sakin.

"Eh bakit nga ba kasi makalat diyan eh sa pagkakaalam ko sa tabing dagat tayo uminom?"
Nagulo nalang ni Chlae ang buhok niya at saka tinignan ako ng masama "basta kasi! Mamaya nanamin ikwekwento tulungan mo nalang kami"

Wala na akong nagawa, tutal nakakaawa yung mga mukha nila ngayon na halata mong kulang pa sa tulog. Bumaba na ako ng tuluyan sa hagdan at saka tinulungan na sila sa paglilinis kahit labag sa loob ko.

Hingal at pagod naman naming nalinis iyon at saka sabay kaming napahilat sa sofa.

"Loka kasi tong si Kerstle! Magwawala nalang dito pa sa loob ng bahay na may mga mamahaling gamit! Kita mo napaglinis at napagalitan pa tayo ng nanay nating si Rayven!" Bulalas ni Chlae habang nakatingin kay Kerstle na tulog na.

Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa medyo hilo parin ako.

"sino naghatid sakin?" Tanong ko. Pero ang saya kasi pati si Chlae knock out narin.

Umirap nalang ako at saka umakyat ulit sa kwarto para ipagpatuloy na ulit ang pagtulog ko.

Bago pa man ako mapapikit, naalala ko yung panaginip ko kagabi. I mean bangungot. Sinabi kasi ni Clint na mahal niya parin ako.

Hm! Di bale pana-bangungot lang yon!

OLIVER POV

Pinapanood ko lang si Rayven habang magswiswimming. At hindi ko maiwasang sabihin na sobrang sexy niya talaga. Minsan nga naisip kong tanungin siya kung gusto niya na ba magkaanak. Pero syempre joke lang.

Nagulat nalang ako ng may sumalubong na tuwalya sa mukha ko.

"Yung mata mo! Gusto mong dukutin ko yan?" Mataray na tanong niya sakin.

Hayss, kahit kelan talaga. Ang sungit! Sweet lang pagnalalasing.

"Hindi ka pa ba magbabanlaw, medyo tumataas na yung araw kanina ka pa nakababad diyan" concern na tanong ko sakanya.

Kinuha niya ang isang baso ng juice na nakalapag sa mesa at lumapit ito sakin.

"Ayoko...nawawala yung stress ko pagnakalubong ako diyan" mahinahon at nakangiti niyang saad.

Tumango ako at saka tinignan siya "3 months nalang bago tayo maanulled" sita ko sakanya.

Napatingin lang siya sakin at napansin ko na parang biglang tumamlay ang mood niya, hmm, apektado kaya siya? Kasi ako oo. Parang ayoko na siyang iwan.

"S-sige magbabanlaw na muna ako" saka niya iniwas ang tingin at tumayo. Pero hindi ko siya hinayaang makaalis tumayo ako at mabilis na hinablot ang kamay niya niyakap siya ng mahigpit.

Dahil sa matangkad ako sakanya hanggang dibdib ko lang siya.

"Hindi mo ba ako mamimiss?" Malungkoy na tanong ko sakanya.

Nakaramdam ako ng kirot nang magsimula siyang humagulgol.

"B-bakit naman kita mamimiss?" Mataray pero alam kong naiiyak niya ng sabi.

"Kasi hindi ka na sanay na wala ng manggugulo sayo, wala ng madaldal kapag badtrip ka, wala ng hahali..." hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ko ng hampasin niya ang likod ko.

"Hindi kita mamimiss" mahinang saad niya.

Okay lang, sanay na ako sa katarayan niya kahit maldita at sadista siya alam ko mahal niya ako.

"Kasi..."

Ngumiti ako "kasi ano?" Untag ko.

"Mamimiss kita ng sobra sobra" matapos niyang sabihin iyon at tuluyan na siyang umiyak habang nakasiksik sa dibdib ko.

In our 5 years na pagsasama, this is the first time na hindi siya pumalag sa yakap ko. At ito yung first na makita kong nagpakita siya ng emosyon.

She's brave but I know she's trapped inside, kahit na matigas siya at mapanakit, alam ko malambot parin ang puso niya. Na kahit ilang beses na kaming nag-aaway hindi siya nagsawang alagaan ako kapag kami lang dalawa sa bahay nila.

Ayoko naman talaga maanulled ang kasal namin, dahil hindi na ako magsisinungaling, mahal ko na siya. Mahal ko na si Rayven Hernandez Comendador.

"M-magbibihis na ako, kailangan na nating magumagahan, magluluto pa ako" paalam niya at saka initulak na ako palayo.

Wala naman na akong nagawa at hinayaan nalang siya umalis. Naiwan akong mag-isa sa pool.

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Akala ko multo na.

"Okay lang yan, iswimming mo nalang yan" wika niya sabay tulak sakin sa pool.

Mabilis na umangat ako sa tubig at sinamaan ng tingin itong gagong to na halos mamatay narin sa kakatawa.

"Tangna mo JC ah! Mababaog ka!" Gigil na sumpa ko sakanya.

Dumila lang na parang bata "bugok! Kahit ikaw kaya kong lahian!" Kantyaw niya pabalik.

Mas pinili ko nalang na ilubog ang sarili ko sa pool dahil pag di ako nakatpagtimpi mapapatay ko tong si JC.

TBC...

A/N:
RAYVERRR <////33

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon