Game #36

45 2 0
                                    

ZENOBIA POV

*blink *blink

"Kyaaaahhh" sigaw ko.

"OA mo te" sabi ni Chlae.

"Sa ganda naming to hihiyaw ka ng ganyan?" dagdag pa ni Kerstle.

"Eh bakit kasi kayo ang bubungad sa umaga ko?! Tapos kung makatingin kayo ang sama-sama!" Dahilan ko habang kinakamot yung ulo ko.

"Naku! Pigilan niyo ko! Dadagukan ko yang si Zenobia pigilan niyo ko daliiii!!!" Ani ni Rayven.

Pero wala namang pumipigil sakanya. -_-

"Go" sabat ni Lieshel.

Pffft.. bwahahaha.

"Ano ba kasi problema niyo?" irita kong tanong.

"Ay! Nako teh wala, wala kaming problema, wala ka naman kasing ginawang masama, ang huling paalam mo lang naman kasi samin kahapon eh bibili ka lang ng sunblock tapos babalik ka dito past 12 na, at wait, hindi ka naman kasi sumama sa gago mong ex na si Dale para makipag inuman sa bar at sus! hindi karin naman magpaparape sana sakanya kagabi!" sarcastic na sabi ni Rayven.

"What?!! Narape ako!?" Gulat na tanong ko.

Tapos bumangon ako. Naglakad lakad.

Wala namang masakit ah?!

"Hindi ka narape, kasi nandiyan lang naman si Clint para sapakin yung Dale na yun at iuwi ka dito sa kwarto natin ng wasted at loka-loka!" Dugtong pa niya.

Oh God! Akala ko nawala na si Vcard.

Pero wait, si Clint?! Siya ang nagligtas sakin?

"Si Clint?!" Tanong ko.

"Hays ewan" stress na sabi ni Chlae.

"Bes ito yung coffee inumin mo muna" at inabot ni Kaela sakin yung kape.

"Salamat bro"  buti pa siya naisipan akong bigyan ng kape.

"Sa susunod kasi kung iinom ka isasama mo kami! Kaya galit sayo si Rayven, hindi mo siya inaya" Sabi naman ni Kerstle.

"Kerstle, hibang ka ba?" Tanong ni Lieshel.

"Hindi-- wait! Ano? Ulitin mo nga sinabi mo? Sinabahin mo kong hibang?...hala.. guys! Tawag tayo ng albularyo si Lieshel sinasapian!" Hysterical ni Kerstle.

*pok binatukan ni Rayven si Kerstle.

"Aray ah?!" Reklamo niya.

"Isa ka pa! Daig mo pa yung LASING" pagdiinan ni Rayven sabay tingin sakin.

Umirap nalang ako.

"Uhmm guys?, nagtext si Adrian sakin, sabi niya by 1:30 lahat daw baba na at pupunta sa tabing dagat dahil may activity daw tayo na gagawin" singit ni Kaela.

"Ano gagawin?" Tanong ko.

Kaela shrugged.

"Sige na, magbihis na tayo! Para naman makababa na tayo" Rayven.

"Magtwotwo piece ako" masiglang sabi ni Chlae.

"Ako rin bwahahaha" second emotion ni Rayven.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon