Game #3

127 7 0
                                    

*Three days later...*

"Oh em gee! Grabe na talaga kalandian niya noh?"

"Oo may video pa nga ako eh tignan mo"

"Patingin nga!"

"Gosh! Wala na talagang kahihiyan"

Hayyy naku!! Nasa hallway palang ako rinig na rinig ko na ang mga chismisan ng mga inggetera kong mga schoolmates.

And yes! Kalat na yung balita.

Yung nangyari sa Starbucks!

But duh? So what sanay na ako noh?

They can say anything they want wala parin akong PAKE.

Napairap nalang ako dahil sa stress na ibinigay nila sakin ngayong umaga.

"Hoy! Zenobia!" Napalingon naman ako sa sumigaw na iyon.

Si Rayven.

"Oh? Late karin?" Tanong ko dito habang nagsusuklay ako ng buhok ko.

"Oo eh... tinapos ko yung script natin para sa movie natin sa English" at iniabot niya yung script na ginawa niya nga daw.

"Kaya pala ang laki ng eyebags mo today" sabi ko habang binabasa yung script. At infairness ang English ni nene tamang tama.

"Yabang mo ah! Atleast nagkakaeyebags ako sa project hindi sa Omegle!" Puna niya.

"Heh! Shut up ka nga!" Sabay balik dun sa script na gawa niya.

Idamay pa ang pag O-Omegle ko.

Sakto nasa tapat na kami ng room namin.

"Goodmorning mam, we're sorry we're late" bati ko at tumango lang naman si mam.

Dumiretso na kami sa designated chair namin. At ako yung nasa likod.

Napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga usisero at usisera kong mga kaklase.

Pero I didn't mind them. Baka masira ang beauty ng lola niyo.

Nakita ko rin si Kerstle na nakatingin samin at sinenyasan na ako.

Kaya dali dali ko nang binuksan yung bag ko at hinugot dun yung siopao niya sabay hagis ito sa kanya.

Nakita ko rin si Chlae na nagcucuticle lang, wapakels sa discussion. Pero di ko nalang iyon pinansin. Dahil kahit sawayin yun tagos parin yun sa kabilang tenga niya.

Si Lieshel nagbabasa lang ng libro. As always.

At habang naglelesson si mam, napansin ko si Kerstle na nakatitig lang kay Kiean habang kumakagat dun sa siopao niya.

At base sa titig niya kay Kiean parang nirerape niya na ito.

"Sst" tawag ko sa kanya.

At napalingon naman siya. Sabay senyas sa kanya na makinig sya.

Pero ang suplada niyong lola, umirap lang sa akin.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon