Game #4

90 7 0
                                    

"Goodmorning class!" Bati ni Mam Aubrey ang Science teacher  namin -_-

Pero wala lang pumansin dito except dun sa the sipsip one yung kaklase ko na sipsip lang ang hobby kaya top 1.

Habang nagdidiscuss si mam eh hindi ako nakikinig! Wala ako sa mood dahil kaninang pagpasok ko palang eh ayaw na ako tigilan ni Bryan!

Habol lang ng habol ang ginawa kaya ayun sinapak ko na eh ayaw tumigil.

Nakapalumbaba lang ako at nagdrawing ng new designed gown ko. Nang biglang nag open yung door.

"Good morning mam I'm sorry I'm late" bati nang lalaking diyoso na nasa harap naming lahat at nagpacute pa. At halatang bagong ligo dahil basa basa pa ang buhok na nagpainit lalo ng araw ko! Tissue please!!

Pero bakit ganun habang papalapit siya parang kumukulo bigla yung dugo ko nang di ko alam ang dahilan. hindi ko din naman siya kilala pero parang pamilyar!

Wait!! Isip isip!

"Ah, guys. Nakalimutan kong sabihin na may new classmate kayo! Si Clint Hidalgo" narining kong nagtilian ng bahagya ang mga babae at mga binabae.

At tumango lang ito.

"Dun ka na umupo sa likod ni Ms. Fines bahala ka kung saan mo gusto" nang makita ko na siya nang malapitan di ko alam pero ang bilis ko talagang mairita. Yung bang presensya niya eh nakakainit ng ulo.

Parang pamilyar kasi talaga ang mukha ng unggok na to!

First time kong mainis sa pogi. Pero I need to calm down and relax. Tinuon ko nalang ang aking sa sarili  sa dinrawdrawing ko dahil baka epekto lang to ng period ko.

habang nagdidiscusss si mam at nagdrawdrawing ako. eh kalabit ng kalabit yung lalaki na to!

Pero di ko parin pinapansin naaasar kasi talaga ako eh!

"Miss! Pansinin mo naman ako!" Ani pa nito.

Dahil sa asar na talaga ako at sa gusto kong tumigil na siya eh hinarap ko nalang ito.

"What?!" Mataray kong tanong.

"A-ah eh hehe! Ano dinrawdrawing mo?" Nagpacute pa!

Tapos nangungulit yun lang pala ang itatanong?! Kabanas ah! Eh kung sabihin kong design ng kabao niya!??

"eh bakit tinatanong mo!?" Matching taas kilay ko siyang sinagot.

"Ang sungit mo naman! Pinaglihi ka ba sa pusa?!" Pang aasar pa niya.

"Oo happy!??" Sagot ko at tumalikod na ulit.

Buti nalang umalis na si mam kaya free na akong sigawan siya.

"Ang sungit naman akala mo matangos! Pango naman!" Akala ko naman titigil na siya. Sumagot parin siya kaya naasar na ako at humarap ulit.

Nakatayo na siya kaya tumayo narin ako.

Pero bago ko siya sagutin eh mukhang kilala ko na nga ang isang to!

"Ikaw ba yung hinayupak na napakasuplado na akala mo eh gwapo sa sinehan na reklamo ng reklamo dahil hindi mapanuod ang gusto?!" Sumbat ko at oo siya nga yung suplado sa sinehan na inaway ko.nakita ko na ng malapitan eh.

Napakunot naman ito ng noo.

"I-ikaw?!' Turo niya pa sakin.

Pumamewang naman ako "oo ako nga!"

"Eh kaya pala ang sungit mo sakin eh. Tunay karin naman palang masungit! Alam mo kung bakit nagrereklamo ako huh? Kasi bukod sa di ko makita yung pinapanuod ko eh papansin ka pa ng papansin sakin! Eh miss ito lang naman ang sasabihin ko sayo ah?" Nagclear throat muna siya.

"Alam ko naman kasing gwapo ako kaya di mo na kailangan pang magpapansin sakin, alam mo yung feeling na ganun?" At nagwinked pa.

babayagan ko na ba?! Napakahangin eh! Feeler! Gusto kong sumabog!

"Excuse me ah? F.Y.I mister! Hindi ko ugali ang magpapansin sa iba lalong lalo na sayo! Dahil di ko na kailangan pang magpapansin okay? Dahil pansin na pansin na ako! Kaya kung ako sayo! Tigil tigilan mo ang pagiilusyon mo ah!? Pakiusap!? Okay?! Okay?!" sunod sunod na sabi ko.

"Okay lang sakin yang mga sinasabi mo! Ang importante gwapo ako! Kesa naman sa ilong mong parang kalabasang maliit! Haha Don't tell me crush mo ko kaya ka ganyan? Tama ba? Aminin mo na uy papatulan kita!" Naiinis na talaga ako ah?! Sinasadya na yata nitong unggok na kapre na to eh!

"Okay na sana yang pagsisinungaling mo na gwapo ka eh! Pero yung crush kita! Manigas na tae mo! Hinding hindi ako magkakagusto sa isang mabantot na kapreng kagaya mo!" At napansin ko sa mukha nya na naiinis narin siya.

"Kalabasa!!" Sigaw nya pabalik.

"Kap-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya na ako papunta sa kanya at hinalikan!

Biglang may nagflash na camera at ang daming sigawan dahil sa ginawa ni Clint kaya itinulak ko siya bago niya makain ang labi ko at bago pa ko lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan nato!

"Manyak! Kadiri ka! Kadiri! Rapist!manyak!" Sigaw ko habang pinapalo siya sa dibdib.

At hinawakan niya ang braso ko sabay lapit ulit ng mukha.

"Ayoko sa lahat bungangera at masungit! Dahil yan ang napapala ng mga taong ayoko!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay di na ako nagdalawang isip na sapakin siya.

"At yan ang napapala ng manyak at kapre na kagaya mo!" Pero bago siya magsalita hinigit ko na yung bag ko at dali dali nang lumabas ng room.

Dumiretso na ako sa cr para hugasan yung bibig ko na virgin at saka pinahiran ito.

Playgirl ako oo! pero ni isa sa kanila hindi ako nahalikan dahil yun ang pinaka worst na ayaw kong mangyari sa buhay ko.

Pero sa isang iglap lang ay nawala na din nang dahil sa bagong transferee na manyak at hinayupak na nangngangalang CLINT HIDALGO!

Pero di ko narin napigilan yung luha na gusto ng tumulo pa kanina matapos niya akong halikan.

Nakakainis! Bakit kinailangan niya pang gawin yung bagay na yun! Mas lalo akong lalaitin ng estudyante dun! Sagad na ako sa panghuhusga nila!

Napaupo nalang ako sa toilet at napafacepalm. Habang humahagulgol ng iyak.

CLINT POV

Ang sarap niyang tignan habang naiinis.
Napakacute niya kaya naman hinalikan ko na.

And this is the first time na humalik ako ng babaeng nagpakuryente ng buong katawan ko.

I kissed a lot of girl pero hindi ganito ang feeling.

Kakaibang babae siya kung tutuusin.

Dahil sa kahit mukha siyang babaeng babae eh ang simple niya. Parang mas lalaki nga lang sakin but yun yung factors na gusto ko sa lahat.

Hindi naman talaga siya pango. Ang ganda nga ng ilong niya eh, yung pag makukurot mo yun eh parang mamumula na.

Pero nung matapos ko siyang halikan eh parang naguilty rin ako! Para kasing first time niyang humalik at nakita akong  namuong luha sa mata niya na any moment eh babagsak na.

Tsk! Tanga ko rin! kahit na kisser ako eh nakokonsensya parin ako sa inosenteng kagaya niya.

Tsk! Tsk! Tsk! Baka kasuhan ako ng rape o harrassment ng mataray at masungit na babaeng yun!

Ano bang magandang pambawe?

--
A/N: too short hehe tinatamad akis! Sorry! Napapaisip kasi ako kung itutuloy ko pa ba tong story ko na to.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon