Finals #65

30 2 0
                                    

"Isang subo nalang mahal please, magkalaman lang yang tiyan mo" pilit ko kay Kit habang nakatutok na yung kutsara sakanya.

He shooked his head at humiga na saka tinalukbong ang kumot

Mabuti at ngayon ay napilit ko na siyang pakainin. Pero yung gamot niya hindi niya pa naiinom at alam ko tatanggihan niya nanamang inumin yan.

Bumuntong hininga ako at saka inayos na yung higaan niya.Pero may naisip ako na sasabihin bago ako umalis sa kwarto.

"Mahal kita kahit na anong mangyari, sana yang pag-inom mo ng gamot ay maging tanda rin na mahal mo pa ako"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot kahit alam kong wala narin siyang sasabihin.

After ko na siyang maalagaan iiwan ko muna siya kay manang dahil magkikita kami ni Rayven ngayon. Ako naman ang nagset ng meet up namin dahil gusto ko talaga siya makausap.

"Kanina ka pa diyan bro? Sorry late ako ah? Inayos ko pa yung designs para sa new branch ng resto ni mama" tanong ni Rayven saka umupo na sa harap ko.

Suminghap ako ng hangin at tinignan ang paligid. Nandito kasi kami ngayon sa Starbucks yung dati naming pinagtatambayan, I really really miss this place...

"Parang kelan lang nuh?" Ngiting napatingin ako kay Rayven. Ganun din siya iniikot niya din ang tingin niya.

"Hindi narin ba kayo nakakabalik dito?"

She nodded "yup, sa busy ba naman namin" she explained.

"So? Kamusta na si Kit?" Biglang tanong niya.

I bit my lip... kapag kasi talaga tinanong si Kit kung okay na ba siya nasasaktan parin ako. I shook my head at parang maiiyak nanaman ako this time.

Hinawakan ni Rayven ang kamay ko at saka tinignan ako "Ganyan naman talaga kapag mahal natin ang isang tao, kaya natin magtiyaga"

Nagpakawala ako ng mahinang hikbi at mas hinigpitan pa ang hawak niya.

"Ayokong mawala siya Ray, hindi ko naiisip yung sarili ko ang lagi ko nalang naiisip ay yung kung papaano pa ako magsasabi ng mga salita na makakapilit sakanyang kumain at uminom ng gamot"

Lumipat si Rayven sa tabi ko at niyakap ako.

"Zen, you're brave alam mo yan, wala kang inaatrasan alam ko kaya mong ipaglaban siya at alam ko rin na malalampasan niyo yang struggles na yan...just let him feel your love and your care at huwag mong ipakita na susuko ka sabihin mo sakin kung kailangan mo ng makakausap at karamay para magabayan din kita" saad niya habang pinaparamdam niya na handa nga siyang tulungan ako.

I hug her tightly as I could and told her "Thank you Ray, you really means to me, thank you for being there whenever I need you lahat kayo" saad ko.

Ilang sandali lang ay humiwalay narin siya sa yakap namin. Saka pinunasan ang luha niya hindi ko alam na pati pala siya naiiyak narin.

"Nagiging dramatic na tayo Zenobia! Alam mong ayoko ng drama ah? Nakakaasar sapakin kita diyan eh" pabiro niyang sabi.

Napatawa nalang ako sa boyish act niya parin.

After naming mag-usap sinamahan niya ako sa pharmacy para bumili ng gamot at we decided na mamasyal muna saglit.

Nanuod kami ng sine at kumain sa resto nila. Iba parin talaga yung luto ng mama niya. Yummy! Mabuti nga at kumakalat na yung branch ng resto nila at nagiging sikat na yung specialties ng mama niya.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon