Finals #60

29 1 0
                                    

ZENOBIA POV

Padabog akong naglalakad paalis sa lugar buti nalang malapit na ako sa bahay. Nakakaasar dahil yung puting buhangin pa ay pumapasok sa doll shoes ko. Kaya naman hinubad ko muna ito at saka tinaktak para lumabas ang buhangin.

"Buwisit!" Usal ko at saka isinuot ulit iyon.

Saktong nakahakbang na ako ay may naramdaman ako na parang may sumunod sakin. Hindi ko na sana papansinin pero nagsalita na siya.

"Ganyan ba kalaki ang galit mo sakin?" Seryoso at mahinahon na tanong ni Clint.

I rolled my eyes before turning back. Binigyan ko lang siya ng bored look at hinintay kung may sasabihin pa siya.

"U-uhm I mean, bakit parang ang laki ng galit mo sakin"

Hindi ko siya sinagot. I crossed my arms at tumingin lang sakanya.

Naalala ko tuloy kung bakit ako nagalit sakanya. Naalala ko yung pagtataboy niya sakin at yung habang nagmamakaawa ako sakanya noon ay ipinamukha niya pa na hindi niya na ako mahal dahil mayron siyang nabuntis.

Pero teka? About buntis thingy? It's been five years narin. Malaki na kaya yung anak niya? Bakit parang ang dali niyang makasama sa mga ganitong outing kasi dapat binabantayan niya rin ang anak niya. Don't tell me pabayang ama siya? Odi kaya siguro pinagpalit din siya agad or hindi na niya hinanap ang anak niya dahil nagkaamnesia siya. Tss. Kawawang bruha.

"Tititigan mo lang ba ako?" Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya ulit.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago siya sagutin.

"Ang swerte mo dahil nakalimot ka na, ang swerte mo kasi wala ka ng alam, at kita mo namang masaya na ako diba? So what for para alamin mo pa kung bakit galit ako diba? at kung hindi ka parin matahimik... huwag ako ang pagtanungan mo gumawa ka ng paraan para malaman mo dahil ayoko ng maalala ang lahat" inis at iritang sabi ko sakanya.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil mabilis na akong pumasok sa loob at dali-daling pumasok sa kwarto.

At dahil sa pagod ko mabilis narin akong nakatulog.

KINABUKASAN

Nadatnan ko sila Ray at Kaela na nagpreprepare na ng breakfast. Habang ang iba ay abala sa kung ano anong bagay na nakakapagpa aliw sakanila.

Ang hindi ko lang nakita ngayon ay si ugh! I hate mentioning his name, saka bakit ba hinahanap ko siya? Mabuti ngang wala siya para hindi maging mapait ang umaga ko.

"Sweetie R paabot nga ng phone ko tatawagan ko si mommy... love you" utos ni Chlae sa naglalarong Raden.

Lumapit si Raden kay Chlae pero sa cellphone parim ito nakatutok at saka iniabot ang phone kay Chlae "love you too" he respond.

"Kiean asan mo ba tinago yung chocolates ko?" Nakapout na tanong ni Kerstle kay Kiean na naglalaro ng chess kasama si JC.

"Nasa bag ko, hanapin mo nalang"

"Baby! Nasa vacation tayo remember? Tama na yang paper works" sita ni Kaela kay Adrian na tutok sa laptop niya.

Nakatingin lang ako sakanila. Lahat sila busy pero nagagawa paring magbolahan at magtawag ng langgam. Mga kabataan talaga. -_-"

"It's not about business babe, it's about our wedding" matamis na sabi ni Adrian.

Bigla akong natigilan. Wedding. Naalala ko tuloy si Kit.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon