Finals #42

51 2 0
                                    

A/N: naku po! Ang laro ni Zenobia at Clint ay nasa Finals na. Hayss ambilis naman ng panahon tsk. Osya sige na basa lang ah? Kaya enjoy nalang kayo and let's have a good time~~

THIRD POV (SA BAHAY NG FINES)

"I hope magpakita na siya Alfredo, bigla bigla nalang siyang mawawala ng ganun ng walang man lang paalam" mangiyak ngiyak at nag-aalalang sambit ni Mrs. Fines sa kanyang asawa.

"Don't worry too much honey. She texted us, at alam ko, panatag ako na okay lang si Zenobia" pag-aalo ni Mr. Fines.

"I still can't find her dad" usal ng nakatatandang kuya ni Zenobia. Si Karl.

"Me too, pinuntahan ko na lahat ng bahay ng mga kaibigan niya but still, wala parin silang idea kung nasaan na si baby girl" dugtong ni Timothy.

Nasaan na ba kasi yung batang yun! Sa isip isip ni Karl.

Bruhang babaeng yon saan na nagsususuot bulong ni Timothy sa sarili.

"Asan na kaya ang anak natin at kapatid niyo? May problema ba siya? Ano o sino ba ang tinatakasan niya at bakit wala man lang tayong kaalam alam" tuluyan ng umiyak si Mrs. Fines.

Kaya naman niyakap ni Mr. Fines ang kanyang asawa "shhh, uuwi din yun" at saka hinalikan ito sa noo.

(yiieeehhh sweet na talaga sillaaaaa)

KIT POV

Nakakailang buntong hininga na si Zenobia habang nandito kami sa dinning ng bahay ko.

Hindi niya parin ginagalaw ang pagkain niya.
Gusto ko man sabihin sa pamilya niya nandito siya pero wala naman ako sa lugar para magsabi nito.

Pasalamat siya...

Hayss dibale.

"Kanina ka pa wala sa sarili Zeno, kunti nalang mahihigop muna ako kakasinghap at kakabugha mo ng hangin diyan, kumain ka naman na kahit kunti. Yung bilin ng doctor sayo" sita ko.

Tumingin lang ito sakin at ngumiti lang ng tipid.

Sige lang pilitin mo lang ngumiti diyan. Hayss Zenobia Fines.

"Kakain naman ako, hindi ko lang kasi talaga maiwasang isipin sila mama at papa" sabi pa nito. Sabay tusok na dun sa pancakes niya.

I sighed. "Bakit kasi hindi ka nalang magpakita?" tanong ko.

Kumunot lang ang noo nito. "Pag-uusapan nanaman ba natin yan? Kit, ayoko naman na makita nilang ganito ang kalagayan ko. Ayoko na malaman ng kuya,kaibigan at papa ko na kaya ganito ako eh dahil sa gagong yun, ayoko naman na unahan nila ako sa pagpatay sa gago na yun" nanggigil na saad nito.

After recoverring eh sinabi niya narin sakin kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

She told me everything, alam ko na kung bakit ganun kadepress yung mukha niya habang patakbo siya palabas sa hotel. Bago pa man siya isugod sa hospital.

Flashback

"Kit?"

nagising ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Nang makamulat ako nagulat ako dahil, gising na si Zenobia.

"Kanina ka pa gising? Ano ng nararamdaman mo? Gusto mo na bang kumain?" Nag-aalalang untag ko sakanya.

"I'm fine" malungkot at nakatungong sabi lang nito.

"Kumain ka na, alam ko gutom ka na" sabay alok ko dun sa soup na binili ko.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon