Finals #55

32 1 0
                                    

ZENOBIA POV

"Time to wake up babe" Kit whispered through my ear.

"Hmm" I murmured at tinakpan ng kumot ang mukha ko.

"Time for breakfast"  bulong niya ulit at saka tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang malaanghel na mukha ni Kit.

"Goodmorning" I mouthed at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at saka niya hinalikan ang noo ko.

"I love you"

I giggled "I love you too" I replied.

"Pakiss nga" malambing at mapilyo na sabi niya.

Akmang hahalikan niya na sana ako pero tinakpan ko na ang bibig ko.

"Hindi pa ako nagtotoothbrush"

Tumawa siya sa sinabi ko at dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko.

Hindi na ako kumontra at hahalikan niya na ako nang biglang...

"Mommmyyyyyyyyy!!!!!!!!!" Malakas na hiyaw ni Dessa at saka mabilis na sumalampak sa higaan ko.

Yeah, higaan ko. We're in the same roof but magkaiba kami ng higaan ni Kit.

And yes. It's been years since I left Philippines and the bad memories. And now, I have my own work and own life. Alam narin ng family ko na nandito ako sa Australia... with Kit.

Dahil sa wala naman na sila magawa dahil nandito na ako sinuportahan nalang nila ako. Though ramdam ko ang pagkadismaya ni kuya at ni papa.

At ngayon, kasama ko na sa buhay ko ang boyfriend kong si Kit at ang pamangkin niyang si Dessa.

Years din naman ang sinukat bago ko sagutin si Kit at I know hindi to infatuation lang dahil mahal ko naman talaga si Kit. Wala namang imposible yun dahil bukod sa gwapo siya ay maalaga siya sakin at ramdam ko ang pagmamahal niya at kay Dessa na tinuturing na naming anak.

I know masyadong cliché yung sitwasyon pero ganito kasi talaga eh.

"Where's mom's kiss?" I asked at nakapout na para hintayin ang kiss ni Dessa.

"Muwahhh" mabilis na kiss niya sakin.

Nagtawanan kaming tatlo at saka niyakap namin si Dessa.

Dessa is such a lovely girl. She's smart and beautiful. Sadyang ang malas lang ng timing ng paglabas niya sa mundo. Xyla loves her so much pero alam ko na hindi pa talaga handa si Xyla para dito kay Dessa.

"Dadsy? I'm starving na po" reklamo ni Dessa habang hinihimas yung tiyan niya.

"Tss. Hahaha... alright..let's go" saad ni Kit at saka binuhat si Dessa.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon