Game #2

159 5 0
                                    

(A/NOTE: YUNG FLASBACK KO PO IS HINDI NAKAITALIC NAKAKAHILO KASI YUN SO YUN LANG BASA NA! HEHE ALL THE LOVE)

*START OF FLASHBACK*


Sabi nila kailangan dapat marami daw sila.

Boyfriend doon,dito,diyan at kahit saan.


Dahil kapag galit si one,


Dun ka kay two.

Kapag nagtatampo si two,

Dun ka kay three.

Kapag busy si Three,

Dun ka kay four.

Kapag lahat sila ay walang silbi at di ko mapakinabangan...

Dun ka na kay five.

O Diba? Astig? Kaya sige na gora na! Mangolekta ka na!

"*yawn* hanep na math kanina!" Matamlay na reklamo ni Chlae.

"Kelan ba hindi naging hanep sayo ang math, eh parang pagkain lang din naman ang inaatupag mo!" sabat ni Kerstle.

"Tss" napatingin ako sa babaeng nagbabasa ng libro buong maghapon. Si Lieshel.

"Oy! Tss tss ka lang! Kumibo ka nga!" Maasar na sabi ni Rayven sabay inom dun sa frapp niya.

Nandito kasi kami sa Starbucks ngayon. Once in a week lang kami pumunta dito kaya sinusulit na. Mga 3 hours na nga kami dito simula nung nagdismiss kami ng mga 1:30 pm.

"Bro! Zenobia! Boyfriend mo!" Sabi ni Kerstle habang kinakalabit ako at nakaturo dun sa sinasabi niyang bf ko daw.

Tinignan ko naman ito at hala! Nanlaki ang mga mata ko!

Si Dale.

Patay nakita niya yata ako. Kinuha ko agad ang libro na binabasa ni Lieshel at itinakip iyon sa mukha ko.

"hala bes! Papunta dito nakita ka yata. Pupunta si Fiel ngayon diba?, baka magkaalaman na magkasapakan pa yan dito lagot ka na sis!" natatarantang sabi ni Kaela

"Hala shet! Oo nga pala!! naku patay! ano na gagawin ko?" Tanong ko sa lima.

Nakita ko naman si Rayven na pailing iling lang.

"Tsk. Tsk. Yan kasi napapala ng playgirl!" sabi pa nito.

"Hay naku Rayven! Nasa bingit na ako ng kamatayan sisisihin mo pa ko! Kaibigan ka ba talaga?" Sigaw ko ng mahina dito.

"Mag-lasing lasingan ka!" Singit naman ni Kerstle habang sumusubo ng pastry.

"Oo bes! Keri yan! Best actress ka naman kapag gusto mong magskip eh" cheer ni Kaela.

That's why I love this girl eh.

Sige sige! Kaya ko to.

Sinubukan ko ng dumukdok...

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon