Finals #69

27 0 0
                                    

CLINT POV

"you alright?"  tanong ni Vincent sakin at saka inihagis ang isang can ng beer.

Tanging tango nalang ang isinagot ko sakanya at napatingin sa malayo.

"mukhang malalim iniisip mo, is there something bothering you?" tanong niya ulit.

Tss bakit ba ang daldal na nitong kaibigan ko.

"pagod lang ako" maiksi kong sagot sabay inom sa beer.

Tumango naman siya at hindi na nagsalita.
Mga ilang minuto din ang katahimikan samin at tanging alon lang ng dagat ang naririnig namin.

I was about to speak nang biglang sumigaw si Raden. " Bro!! Si Kit nahospital!!" hingal na sabi ni Raden habang papalapit samin.

"Anong nangyari?"  shock na tanong ko.

"Ewan pero nagmamadali sila Zenobia na isinakay si Kit sa ambulansya" hingal na sabi nito at  nakahawak na siya sa tuhod niya dahil sa pagod niya.

Hindi na ako nagsalita pa at iniwan na sila don. Agad kong pinuntahan ang kotse ko at kinontak sila Kerstle na kung saang hospital sila.

Pagkarating ko sa hospital.

"Kerstle" tawag ko nang makita ko siyang nakatayo sa lobby at natataranta din.

"C-Clint!" tawag niya rin at patakbong lumapit sakanya.

"Kamusta na si Kit?" 

"Nasa operating room siya hindi ko pa alam kung anong nangyayari"  sagot niya.

"eh si Zenobia?"  tanong kong muli.

"Nandun sila sa labas ng operating room umiiyak at hinihintay na lumabas ang doctor"

Hindi na ko sumagot at mabilis na nagtungo sa operating room.

At don ko naabutan sila Zenobia. Nakaupo sa tapat ng pintuan ng operating room nakayuko at nanginginig habang umiiyak.

Maya't maya din ay lumabas na ang doctor. Hindi ko marinig ang sinasabi ng doctor pero simula nung umalis ang doctor ay hinila siya ni Zenobia at mukhang nagmamakaawa na.

Pero tanging iling nalamang ang binigay sakanya ng doctor at naiwan na siyang umiiyak kasabay ng pamilya niya.

Maya't maya ay nilabas narin si Kit. Namumuting labi at wala ng buhay.

Hindi ko narin kaya ang nakita ko kaya napagdesisyunan ko ng umalis at dumiretso sa resort.

Hindi ko man kaya na iwan ng ganun si Zenobia pero baka pag lumapit pa ako ay mas lalong lumala.

ZENOBIA POV

Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko, ramdam ko ang paghina ng mga tuhod ko. Parang gumuho ang mundo ko everything went down nang makita kong nilalabas si Kit sa operating room ng wala ng buhay.

I hold his hands pero katawan ko na mismo ang bumigay at naiwan ako sa hallway ng nakatulala.

It's all my fault. Kasalanan ko to kung bakit nangyari to. I'm blaming myself dahil kung hindi ako nagmatigas at inintindi siya hindi kami hahantong dito.

Hindi siya mawawala sa buhay ko. Sana masaya padin kaming kumakain ngayon.

"Zen" umiiyak na sabi ni mama habang inaalalayan ako tumayo.

Pero hindi ko na narinig ang lahat at ang tanging nasa isip ko nalang ay ang pagsisi sa sarili ko.

Magpapakasal pa kami eh, ang dami kong pangarap. Ang dami ko pang gustong gawin at patunayan sakanya.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon