Game #10

62 5 0
                                    

ZENOBIA POV

Napakapangit ng lasa ng kape ng SB ngayon! Tapos ang kati kati pa ng lalamunan ko parang gusto kong isuka.

"Huy!"

"Ay anak ng pitong put tupa!"

Tinaasan ko ng kilay itong hinayupak na naninira ng moment ko sa pagkakape dito.

"Hanep naman Luis oh!"  Bulyaw ko.

Kaasar tong Luis na to. Huh? Si Luis?

Anong ginagawa ng mokong na to at bakit pinapansin niya ako?

"Luis?!" Ulit ko.

"Ako nga bakit?" Sabi niya pa habang nakangisi.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Uhm bumili ako ng kape, bakit bawal ba?" Sarcastic niyang sabi.

"May sinabi ba ako?" Taray ko.

"Masyado kang highblood, di ka parin ba move on sa kin?"

Kahit kelan! Mayabang parin talaga.

"Yabang mo sungalngalin kaya kita sa tuhod?!" Banta ko.

"Relax! Di ka naman mabiro" natatawa niya pang sabi.

Umupo sa sa tabi ko.

"Musta ka na?"

Tumabi siya sakin? Parang sasabog ako na ewan! Affected parin ako T^T.

Wait? Kinakamusta ba niya ako? Concern ba siya sakin? 0.0

"A-ayos lang! Ano ba nakain mo?!"

Nakakapagtaka lang kasi, napakamalumanay ng sagot niya samantalang noon parang wala lang ako sa kanya.

Ako yung laging nangangamusta.

"You look so beautiful" sambit pa nito at tumingin ng diretso sa akin.

Nako! Nako Zenobia! Ex is ex! Walang balikan.

"Uminom ka nga ng kape para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo!" Angal ko.

Pero napangiti lang ito.

"Ang hard mo naman. Sincere lang ako sayo"

Argh! Bakit ba ganito ang mga sinasabi niya sakin ngayon?! Hays!

Heller? Zenobia wake up! playboy yang hyfe na Luis na yan!

"Ikaw? Sincere?" Sacastic kong sabi at sabay tawa ng pagak.

"Kahit kelan bolero ka parin talaga Luis Revion" sarcastic kong sabi.

"Ang hirap pala ng maiwan noh?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Nag oopen-up ba siya? As in? Sa ex niya na di naman niya kakclose?.

At aba! Now niya lang narealize na mahirap talagang maiwan! Gaya ng ginawa niya sakin.

"Ramdam mo? Sakit noh?" Asar ko.

Napayuko lang ito.

"Sineryoso ko si Xhain alam mo yun? pero ipagpapalit niya lang pala ako kay Miggy. Now,  I know what you feel Bia nung iwan kita sa ere"

At napatingin ito sakin.

"Teka nga! Teka nga Luis! Bakit ba sinasabi mo sakin yang mga bagay na yan? at si Xhain? Sineryoso mo? Eh playboy ka nga diba? So kelan ka pa nagseseryoso?" Nakatingin parin ito sa akin.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon