Game #31

33 2 0
                                    

CLINT POV

Zenobia Fines...

Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa isang kagaya mo.

Pilya,Mataray at Playgirl at halos kinaayawan at kinaiinisan ng iba.

Akala ko sa planong ito siya ang mahuhulog sa mga bitag ko.

Kahit na may mga imperfection siya, yung mga hindi tama na yun ay minahal ko.

"Bro, take this" at hinagis ni Vincent ang isang can ng soda.

"Thank you bro" sambit ko.

Umupo ito sa tabi ko.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" sita niya.

Tumingin ako sa malayo.

"Medyo" maikli kong respond.

"I know you love her"  he said.

Tumingin lang ako sa kanya ng nagtataka.

"What are talking about?"

"You know me" seryosong sabi lang nito.

Halata na nga niya, Alam kong mahilig si Vincent magobserve sa mga taong nasa paligid niya.

Napasinghap muna ako ng hangin at ibinuga ko ito.

"Tama ka" plain kong sagot.

"Be careful, hindi mo pa masyadong kilala si Zenobia"

I stared at him.

"Nakikita ko sa mata niya ang totoong nararamdaman niya" dahilan ko.

"Well, I think that's good, maybe ikaw pa lang at ikaw lang siguro talaga ang makakapagpatino sa playgirl na kagaya niya"

Napatawa ako ng pagak.

"Siguro" ngiting sagot ko.

"Hey guys! Nandito lang pala kayo" sabay kaming napatingin ni Vincent sa babaeng nasa harap namin. Si Kerstle.

kaibigan ni Zenobia na patay na patay kay Kiean.

"Bakit?" Tanong ko rito.

"Total okay na yung lima niyong barkada kayo na ang huli, kukuhanin ko kayo para isayaw si Zenobia sa debut niya...."

Aangal sana si Vincent pero hindi na siya pinatapos nito.

"Hep! No excuses sasayaw kayo! At ikaw Clint! Ikaw ang pang 18 na sasayaw kay Zenobia! Okay?! May tanong?... ah wala ng tanong! Sige mauna na ako! Babush!"

Ako? Walang problema sakin. Chance ko na to eh.

At si Kerstle ay tuluyan ng umalis hindi pa nga ako nakaka oo. Pero okay lang kahit di siya umalis oo parin ako.

Nagkatinginan nalang kami ni Vincent.

"May tuleleng yata yon" komento ni Vincent.

"Baka nga" kibit balikat kong sabi.

*beep*

May nagtext...

From Lea:

Nasan ka na? Nakalimutan mo bang nay ballet act ako ngayon? Kanina pa ako naghihintay.

Sigh, napapoker face nalang ako. Susunduin ko pala siya. Hindi naman na boyfriend ang tingin niya sakin kundi driver.

Pero wala akong pake, mas nanaiisin ko pang maging driver kesa sa maging boyfriend niya.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon