Game #5

83 6 0
                                    

ZENOBIA POV

"Hoy Zenobia!! Tulala ka nanaman!!" Sigaw ni Rayven sabay batok narin.

"Ha?" Ulit ko.

Nandito kasi sila sa apartment ko kanina pa. Kinakamusta daw ako, eh ilang araw na akong hindi pumapasok.

"Alam mo naninibago ako sayo ah? Bakit ba kasi apektadong apektado ka sa ginawa ni boy transferee sayo!?" Sabi naman ni Kerstle.

"Oo nga, parang takot kang pumasok! Takot ka ba na pagtitinginan ka nilang lahat at pagbubulungan?" Second emotion ni Chlae at lumagok na ng coke.

"Sanay ka naman diba?" Ito namang tanong ni Rayven.

"Tsk, Okay lang naman na lalakero at malandi ang tingin nila sakin, oo sanay ako dun, pero kasi hinalikan niya ako iba nayon! At alam niyo naman na ayaw na ayaw ko ng ganun diba? Nahihiya ako sa ginawa niya sakin nababastos ako, mga bro sagad na sagad na ako alam niyo yun? sanay ako pero kahit ganun nakakaramdam parin ako!"  Hindi naman sila nakaimik matapos kong sabihin yun.

"Hays! Alam mo bro, nandito lang kami para sayo ah, pero bro pag nalaman ng papa mo na hindi ka pumapasok for sure magagalit nanaman sayo yun" sabi ni Kerstle habang tinatap ang likod ko.

"Ugh! Edi magalit siya!" Napasapo nalang ang mukha ko sa palad ko.

"Hay naku Zenobia! First time ka naming nakikitang ganyan! Ano ba! Ang gwapo gwapo ng humalik sayo! Alam mo best thing na gawin mo? Bawian mo! Makipaglaro ka!" Energetic na sabi ni Chlae

*pak*

"ikaw Chlae! Kinokonsinte at tinuturuan mo pa talaga yang si Zenobia! Kaya di na natututo eh!" Sabi naman ni Rayven.

"Hmp!" Napakacross armed nalang si Chlae kay Rayven.

"Strarbucks nalang libre ko kayo" di ko napansin na nandito pala si Lieshel.

"What?!" Gulat na tanong ni Rayven.

"Alam mo napapansin ko sayo Lieshel ikaw na unang nag-aaya ah?! Yan na ba new years resolution mo?" Tanong ni Rayven.

"Ayaw niyo ba?" Seryosong tanong ni Lieshel.

"Gusto!!!!" Sabay sabay naming sabi.

At tumayo na kami para magprepare baka humangin at biglang magbago ang isip ng babae na to.

Pero nakakapagtaka ang kilos ni Lieshel this past few days. Minsan nalang siya humawak ng book at mas madalas na siyang magcellphone.

Parang hindi ito si Lieshel, may sapi ba siya?Pero kung ano man yung pinagdadaanan niya suportado ko siya.

Nagtaxi nalang kami papunta sa SM ngayon para magstarbucks. Ang init kasi eh! Ito naman kasing si Chlae di pa dinala yung auto niya!

At habang nagkakape kami eh puro boy hunting lang ang ginagawa namin daily routine nanamin to.

"Si Clean oh!" Sabi ni Kerstle.

"Clint bongardss!!" Pagcocorrect ni Rayven.

Napakamot nalang ng ulo si Kerstle.

"Oo nga bro! Siya nga! May kasamang girl!" Kaela said.

"Baka girlfriend niya" ito namang singit ni Chlae.

"Oo nga!" Sang ayon naman ni Kerstle

" Ay! May naisip ako girl this is your time para makabawi diyan! *insert evil laugh* Halika dali! may ibubulong ako!" Agad naman akong lumapit kay Chlae para malaman yung idea niya.

A Playgirl's Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon