Teaser

2.6K 36 7
                                    


Janisse Guadalupe, quoted as The Mischievous Tigress. Gaya ng siyam na sikat na babae na nabanggit sa listahan ng Girls MEANistry na trending post sa The Bellaoracan Files Page ay hindi nalalayo ang mga katangiang taglay niya. From head to toe, lahat ay kapuri-puri.

She was actually the queen tigress ruling and punishing one by one who’ll obstruct on her way. She had a lot of tricks hiding behind her claws. At dahil siya ang niyuyukurang reyna ng kagubatan ay marami rin ang nais na maging hari nito. Isa na nga si Merk. The guy was a typical nerd na patay na patay sa kanya. Dumating ang araw na hindi na niya nagugustuhan ang panunuyo nito sa kanya kaya’t sa hindi kaibang paraan ay dinispatsa niya na ang feelings nito. Iyon nga lang naging isang drama show ang kinalabasan dahil tila labis talaga niyang nasaktan ang batang emosyon ni Merk. Duh! As if she care?

But a sudden rumor spread out. May gumagalang guwapong lalaki sa kanilang campus. At nang malaman ni Janisse na ang lalaking sinasabi ay kapatid ni Merk, napahalakhak lang naman siya sa tabi. Because she was sure that this intruder was a worse geek than Merk. Even tip of her glittering pinky nail wasn’t interested. Mas interesado siya sa lalaking bigla na lang iniladlad ang matipunong mga braso nang walang kaabog-abog nang hinubad ang itim na leather jacket sa biglaang bugso ng ulan at nakaagaw ng kanyang pansin. Natameme siya nang patakbo iyong tila papunta sa kanya at ipinantaklob ang jacket na iyon mismo sa kanyang uluhan. Inakay siya nito papunta sa green shed gawi roon. Doon na lang namalayan ni Janisse na basang-basa na pala siya sa ulan mula pa kanina. Tila na-engkanto siya sa pagdating ng makisig na estranghero.

“Dude, you are so sweet. Thank you,” napakalambing niyang pahayag dito.

“Of course I am. Pero hindi ako naparito para maging isa sa mga pain at laruan mo.” Nagsalubong naman kaagad ang mga kilay ni Janisse. “Yes I can see the lust from those eyes, beautiful tigress.”

Hindi niya mawari ang akto ng lalaki. Ang lakas ng loob nitong sabihin iyon sa kanya. Pero ang totoo ay taliwas naman ang akala niyon sa naramdaman niya kanina. And she was sure this man was an exception to her kittens.

“Really? Sa tono mo parang kilalang-kilala mo na’ko,” dikit niya sa lalaki at mapang-akit na hinaplos ang batok niyon.

“Paano bang hindi kita makikilala? That beautiful face made Merk caused to distress.”

May nakutuban si Janisse.

“I’m Hans Roque, his brother.”

Bigla’y parang nahiya si Janisse sa mismong sarili niya sa nalaman. Mali kasi siya at tama ang kumalat na rumor. Merk’s brother was so gorgeous in and out. She found him handsomely hot...

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon