Chapter 15

272 10 0
                                    

Napadaan na naman si Janisse sa corridor ng Engineering building. Muli ay namataan niya si Merk sa di kalayuan. At sa bawat pagkakataon ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Naroon lang ito sa pwesto niyon kasama ang mga kaklase. Hindi na ito lumalapit o sumasabay sa kanyang paglakad gaya ng dati nitong gawain sa tuwing nakikita siya.

Tanda pa niya noon ang tagaktak na pawis sa buong mukha at leeg ni Merk na una nitong ipakilala ni Angie sa kanya. Si Angie kasi talaga ang madalas na nagkukwento tungkol kay Merk. Kaya nang mag-request daw si Merk na sanay makilala siya ay agad na siyang pumayaga para mapagbigyan si Angie. Malakas naman kasi si Angie sa kanya.

Pero kahit hindi na magiliw si Merk sa kanya gaya noon, ay may tipid na ngiti siyang itinutugon sa makahulugang mga titig nito. Pero hanggang doon na lamang. It was obviously awkward, dahil may mali. Alam niya sa sariling mas masasaktan lang ito. And it was hurting her the most. Why? Dahil tanggap na niyang umiibig na siya sa kuya nito.

Tinamaan na ng lintik!

In Love? In A Flirt Mate Relationship?
Kung mayroon lang siguro nung pangalawa na status sa FB baka iyon na ang inalagay niya.

Malabo ang status nila ni Hans. They dont know how they call theirselves after that night they made.  Pero matapos niyon ay mas nagkapalagayan sila ng loob ni Hans. Madalas, nauuwi nga lang sa kwentuhan ang buong maghapon nila. And as the days passed, mas nakikilala niya kung gaano ito kabuti.

And infairness of her, nagpapasalamat siya dahil nasasakyan nito ang mga gimik at kapilyahan niya. Wala siyang masabi sa lalaki. Napakasaya niya na nakakasama niya ito. Sa palagay ni Janisse ay ganoon rin naman ang binata sa kanya. Hiling niya na sana hindi ito maging katulad ng tanging lalaking sumira at nanakit ng kanyang damdamin. Yes, her rage to him was over, pero ayaw na niyang makatagpo pa ng gaya ng kanyang ama. Dahil ngayon, she wanted to believe that forever's still possible for her.

Inaya siya ni Hans na lumabas kinahapunan matapos ang klase niya. Nagtungo sila sa Greenery Park kung saan ay nasa kasunod na bayan ng bahay niya sa Sto Domingo. Sa katunayan matagal na talagang gusto ni Hans na sumaglit kahit ilang sandali lang doon. Ayaw lang niyang samahan dahil feeling niya para silang magkasintahan kung dalawa lang silang pupunta roon. Na hindi naman. Lingid sa kaalaman ni Hans ang pansariling rason niyang iyon. Kinakatwiran niya na lang sa tuwing alok nito ay iba na lamang ang isama roon. But now, she's in the mood kayat hayun at naglibot-libot sila. Nang manawa ang mga paa ay sumandaling umupo sila sa bakanteng bench na naroon.

"Tigress", tawag ni Hans. At kasabay noon ay sinuyo nito ang kanyang palad. "Can I ask you"?

Pinakatitigan niya ang mga mata niyon. At sa tingin niya ay mukhang seryosong usapan ito. "Go ahead Mister Hunter", patuloy pa rin niya sa nakasanayang endearment.

"Gusto mo ba itong nangyayari satin?"

She decided not to tense herself. "How about you? Do you like it?"

Yumuko si Hans. Pero kaagd ring inangat ang mukha. Pinakatitigan siya nitong muli. Maya-mayay lumakbay ang daliri nito sa buhok niyang hinahangin. Hinawi iyon ni Hans. Ito mismo ang nag-ipit ng mga hibla sa likod ng kanyang tainga. Hinaplos nito ang kanyang mukha. And he gave her his sweet yet appealing smile. Pero iba iyon sa sinasabi ng mga mata nito. Para bang may bumabagabag. At nakukutuban na ni Janisse ang nasa likod niyon.

Bilang ganti, parehas niyang hinaplos ang magkabilang pisngi ni Hans. Inilapit ang sarili. Then, she planted a searing kiss to his lips. Hindi niya kayang sagutin ang tanong nito. Pero kaya niyang iparamdam ang nilalaman ng puso at isinisigaw ng isip. "I guess you already knew my answer", sambit niya sa mga mata nito matapos.

Minabuti ni Janisse na tumayo na. Kailangan niyang awatin ang sarili. Nagsisimula na naman kasing matuwa ang puso niya. Pero sa mabilis na aksyon ni Hans ay parang hindi na naman siya makakaiwas rito.

Naagap ng lalaki ang kamay niya. At dahil may kaunting pwersa ang naging galaw ni Hans, nahatak niya si Janisse. Napaupo at bumagsak si Janisse sa kandungan nito.

He still manage to embrace her body with care.

"Kahit mayroong mali sa sitwasyon, I felt I couldnt stop liking you now. Lalo ngayon, na nabibitin ako sa mga iniiwan mong halik sakin." Muli ay ginantihan nito ang kanyang mga labi. He invade her mouth. Tasting it sweetly. Ang tensyon at pakiramdam ay katulad noong gabing pinagsaluhan nila. Ito lang ang tanging lalaking nagpadama ng ganito sa kanya. Na ang pagtugon nito sa mga halik niyay nagsasabing siya lang ang gusto nito.

Kung siya ang tatanungin, handa siyang ibigay ng tuluyan ang sarili kay Hans kung nararapat lamang ito upang magustuhan at mahalin din siya nito.

Sa paglipas ng mga sandali, she felt something harden below her. Doon na bumalik ang kanyang huwisyo.

"We should stop Hans," mariing sambit niya at inayos ang sarili. Tila nawala sa isip nilang nasa public place sila. Nahagip niya ang pilyong ngiti ni Hans bago tuluyang tumayo sa kandungan nito. Palihim na rin siyang nangiti.

Dahil lumalalim na rin ang gabi ay napagpasyahan nilang umuwi na. Naroon pa sa pinakadulo ang dalang kotse ni Hans. Mahaba-haba pa ang lalakarin nila.

Mabilis ang mga paa ni Janisse sa paglakad. Hanggat maaari ay iniiwasan niya muna si Hans. Ayaw niyang magkaroon muna ito ng pagkakataong makalapit sa kanya. Pero talagang kumukulit na yata ang hunter niya. He kept on trying to reach her. Hanggang sa biglay nahuli nito ang isang kamay niya. "Gothca!" bulalas nito nang mahawakan ang kamay niyon. He entwined it with hers. Na para bang ayaw na siya nitong pakawalan.

Hindi na napigilan ni Janisse ang kilig na nadama. Hinigpitan niya rin ang kapit sa kamay ni Hans. "Magaling ka talagang manghuli, ano?" Kapwa sabay na ang distansya ng kanilang paa. They were walking holding hands for the first time. Hindi siya makapaniwala, she was really doing this... Doing it with all her heart, true and sincere.

Nag-aya  siya sa malapit na store house upang makabili ng juice. Pero nagulat na lang siya ng may pwersang binitawan siya ni Hans. At mabilis na dumistansya ng layo sa kanya.

"Kuya Hans!"

Nang hanapin ni Janisse ang pinanggalingan ng tawag ay doon niya nalaman ang dahilan ng pagbitiw sa kanya ni Hans. Naroon sa di kalayuan si Merk at si Angie.

Maganda ang aura ni Merk sa palagay niya, lalo nang makita siya.

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon