Chapter 7

388 15 0
                                    

Isang relief talaga kapag  may kasamang lalaki. Laking tulong sa pagkakaroon ng instant alalay. Pero nasaan na nga ba si Hans? Bigla na lang itong nawala sa paningin ni Janisse. She was left from no choice. Kaya’t hinakot niya isa-isa ang plastic bags ng pinamiling groceries papunta kay Armo.

Days had passed, ang lagay ng sitwasyon nila ni Hans ay umaayon naman sa plano. Gaya ng naipangako niya ay hindi siya nakagawa ng kahit anong surprises na pwedeng makasira sa deal.

In Hans part, hindi naman din siya nito binibigo. He was always energized and full of brilliant ideas. Para nga silang tandem ng isang housing project organization. They were both skilled and knowledgeable in the field.

Sa di-kalayuan ay parang gusto na namang toyo-in ni Janisse. Di yata’t giliw na giliw kasi si Hans sa kausap na babae. Tinungo niya ang mga ito. Gustong makiusyoso.

Nang ilang hakbang na lang ang distansya ni Janisse ay lalo siyang nabigla. She knew the woman he was talking to. She clearly recognized her kahit medyo naging chubby na ang hitsura nito.

“Hon,” naibigkas niya bigla sabay kunyapit sa braso ni Hans. “Are you two done?” Matapos niyang makuha ang atensyon ng babae ay ibinaling niya ang mga mata kay Hans. Inaasahan na niya ang pagkalito niyon sa mukha. Kabisado na nga niya ang pahiwatig ng mga kilay at mga mata nito. Pero hindi siya makakapayag na mapahiya at sirain nito ang kaunting act niya.

Tinugunan niya ng ubod tamis na pakahulugang ngiti ang nalilitong ekspresyon ni Hans. Ang kamay niyang nakakapit sa braso niyon ay bahagya niyang ipinagapang papunta sa malaking palad nito. Walang paalam na ipinadaop doon. Hindi niya iniiwan ng sulyap ang mga mata nitong nakatuon din sa kanya. It felt soft and hard at the same time being intertwined to him, dama niya ang kapanatagan sa tabi nito.

“Janissarie?”

Kapwa napalingon si Janisse at Hans sa nagsalitang babaeng naroon sa kanilang harapan.

“Hi,” tipid lang na sagot ni Janisse dito.

“K-Kumusta k-ka na?”

Nadama ni Janisse na hindi lang naman pala siya ang nakaramdam ng awkward. Dapat niyang mas tapangan pa ang loob. Ipinaalala niya sa sarili na matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataong ito. Facing this living ghost from her past.

“I’m very well fine. And so much better.” Mabuti at nakaya niyang sabihin ng hindi tensyonado. Subalit ramdam niya na ang mga titig nito ay matiim na umoobserba sa hitsura niya ngayon at marahil pati sa bago niyang pagkatao. Halata naman, batid ni Janisse sa reaksyon nito na malaki na ang kanyang ipinagbago. Gusto niyang ipangalandakan sa babaeng ito, na isa sa dahilan kung bakit siya nagkalakas loob na bumangon, na wala na ang batang namamalimos ng atensyon sa pamilya nito noon.

Naging pagkakataon ni Janisse na balingan si Hans nang kumawala ang tuon sa kanya ng babae. Muntikan na niyang makalimutan na mayroon nga pala siyang kasama. At ka-holding hands pa.

“Hon, halika na. It’s getting late.”

Nang tatangkain pang magsalita ni Hans na kutob ni Janisse ay kukontra lang naman ay mabilis niyang piniga-piga ang kamay nito. Kasabay ang sumakay-ka-na-lang-look na iminuwestra ng mga mata, kilay, at labi niya. Mabuti naman at mabilis na maka-pick-up si Hans kaya’t ito na ang nagpati-unang nagpaalam sa babae.

“Anong palabas ‘yung ginawa mo?” banat kaagad sa kanya ni Hans nang tuluyan na silang nasa loob ng sasakyan. “Masyado mong hinalay ang kamay ko. It’s been more or less 20 minutes holding.”

Tiger-looked appeared out from her. “OA? FYI, ikaw ang nagpasimuno ng set-up na ganoon, remember? Hiniram ko lang.”

“For what? For her?”

“My own business. Just forget the whole scene I’ve done hunter,” seryosong pahayag ni Janisse. Nadama naman ni Hans na hindi na siya nakikipagbiruan pa kaya’t hindi na siya nito tinanong ng kung ano pa. Except with one sensible thing. Nakabalik na sila sa bahay ni Janisse nang i-open iyon ni Hans.

“For curiosity’s sake, ugali mo ba talagang manghawak o manghipo na lang basta? Sa pagkakatanda ko, this is the second time you touched me with no permission.”

Here he goes again. Kahit naman si Janisse hindi nakakalimutan ang aksidenteng nagawa niya ng gabing iyon na nasa iisang kuwarto sila. At sa pag-uungkat muli ni Hans sa issue ay ipinalalabas na naman nitong pinagsasamantalahan niya ang katawan? Feeling tuloy niya mas sensitive pa pala ang lalaking ito kaysa sa kanya.

Suko na siya. Napagod siya sa buong araw. Para lang matapos na ay pinili na lang ni Janisse na magpakababa. “Okay, it’s my fault. Pero kanina lang ‘yun ha! Aksidente lang ang nagyari noong una, duon sa kubo nila Inang. Next time, if ever I need your hand again, ipagpapaalam ko muna sa’yo.”

Natawa si Hans. “So hindi pa pala doon natatapos ang involvement ng katawan ko?”

“Wag kang feeling, kamay lang ang sinabi ko di’ba?”

“Oo na,” kasunod ang ngiti nitong kahit paano ay nakapawi ng kaunting pagod.

“You looked tired. Sige na magpahinga ka na.”

Tumango si Janisse. Hindi rin kasi nagtagal ay nagpaalam nang umuwi si Hans. Paakyat na siya noon sa kuwarto nang tinawag pa siya ng lalaki. Nilingin ito niya ito.

“Janisse, ‘yung babae nga pala kanina hindi ko siya kilala. Don’t even know her name. Napansin ko lang na mukhang kailangan niya ng tulong sa mga dala niya. If she’s still in your mind, hope you’ll gonna be okay.” Matapos ay umalis na ito.

Kahit tuluyang nakalayo na si Hans sa kanyang paningin ay nanatili namang naroon pa rin si Janisse sa pintuan ng kuwarto. Hindi niya inasahan na magpapaliwang ito tungkol sa babaeng iyon. Oo nga pala’t hindi rin naman niya nagawa pang ungkatin kay Hans kung paanong nagkausap ang mga ito.

Nakaluwag na ang dibdib niya. Mabuti at hindi bumalik si Yvonne para mang-agaw muli ng lalaking unti-unti’y napapalapit sa kanya.

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon