Ilang minutong paulit-ulit na kinakalahig ni Hans ang sariling buhok sa labis na kamalasan nga bang masasabi. Sino ba naman ang magugustuhan ang nangyari sa mga inihanda niya?
Hindi naman talaga niya gustong gawin ang planned date na iyon ng dalawa kung hindi lang sumama ang loob ni Merk sa kanya.
Nalaman kasi nito na sumugod siya sa university noong isang araw. Hindi niya iyon ipinaalam dahil tiyak niyang tututol ang kapatid.
Tama nga siya. Ayaw kasi ng kapatid na pinakikialaman niya ang mga diskarte nito. Parang siya, ugali din niya iyon. Pero hindi na kasi niya matiis ang Janisse na ito sa mga gawaing hindi naman makatarungan lalo’t naging biktima na rin ang kanyang nag-iisang kapatid.
Ang inaasahan pagpayag ni Janisse sa set-up na ginawa niya ang akala niyang magiging pampalubag-loob para sa kapatid. Na sana’y makakapagpasaya dito.
Pero sa kapilyahan ng babaeng ang cellphone lang ang inaatupag kanina pa ay nasira na nga ang plano niya! Iniisip niya si Merk. Siguradong andoon na iyon sa resto. Halos isang oras na rin kasi ang lumipas. Naghihintay ang kapatid niya sa wala. Hindi din siya mapakali kung tatawagan ba ang kapatid at kamustahin ito. Pero hindi niya magawa dahil hindi niya alam ang dapat na isagot dito gayong ang dapat na kasama nito ay siya naman ang kasama.
Kanina pa talaga nagpupuyos ang loob niya sa abot-abot na inis. Basang-basa pa ang jacket niya pati na rin ang t-shirt na nasa loob.
Hinubad niya ang jacket at pwersang itinapon iyon sa likuran dahilan ng paglingon sa kanya ni Janisse. Iritado din ang mukha ng dalaga.
“Kung si Merk ang inaalala mo dyan don’t worry may nag-proxy na sa’kin dun,” ani Janisse.
Naguluhan si Hans. “Sinong pinapunta mo, kakambal mo? Ka-double?”
“None of the choices. For you to tell, this face you’re facing is very unique.”
Bilib din talaga siya sa pagtataray at confidence ng babaeng ito. Dyosa ang tingin sa sarili. Nabalik ang tuon ni Hans sa kanyang cellphone. Nagtataka din kasi siya kung bakit hindi rin siya kinokontak ng kapatid.
Marahil nga ay may katagpo na iyon doon kaya’t hindi na siya inabala. O kaya’y baka naman hindi sumulpot si Merk sa usapan dahil may tampo pa rin ito sa kanya. Posible iyon.
“Nandoon na ba ‘yung ka-double mo? Nagkita na ba sila?” usisa at paniniguro niya.
“Oo. Kanina pa. At feeling ko silang dalawa ang match, hindi kami. Tigilan mo yang pagsasabi na ka-double ko siya at palalabasin talaga kita.”
Binuksan ni Hans ang katabing side door ora mismo matapos magsalita ni Janisse. Ikinagulat naman syempre ito ng dalaga.
“Mas gugustuhin ko pang makitulog muna sa bahay na malapit dito kaysa ma-stock sa kotse kasama mo. Tutal ikaw naman ang puno’t dulo kung bakit humantong tayo sa lugar na ‘to eh, bahala kang mamroblema mag-isa mo.”
“Aba’t! Humina lang ang ulan iiwanan mo na akong mag-isa sa gitna ng daan?”
Sa reaksyong nakikita ni Hans sa dalaga ay wari bang ang sigaw at galit nito ay pinagtatakpan ang takot na maiwang mag-isa. Kaya naman imbis na makipagsagutan ay nakakalokong ngiti ang pinukol niya bago tuluyang isinara ng napakalakas ang pintuan.
Sumakay siya sa motor niya at pinaharurot iyon. Binalewala niya ang mahinang ulan. Naalala niyang naiwan pala niya ang jacket sa kotse. Pagkakataon nga naman, mukhang magkakaroon pa talaga siya ng dahilan para bumalik kay Janisse. Subalit bago niya gawin iyon ay dapat munang makahanap siya ng tutuluyan pansamantala.
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomanceGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3