Chapter 6

479 13 0
                                    

“Good morning.”

“Good...morning?” Napadalawang lingon pa si Janisse sa wall clock. Saktong katatapos lang din niyang gumayak mula sa kama nang katukin na siya agad ni Hans sa pintuan. “It’s only 8 o’clock. Na-miss mo na ako ‘no?”

Parang walang narinig si Hans at nilagpasan lang siya nito.

“Alam ba ni Merk na nandito ka?” biglang nausisa niya.

“No one knew that we’re together. Lalong hindi niya alam ang deal na ‘to. Hindi niya naman dapat malaman di’ba?”

Abala si Hans sa paghahaing ng pinggan. Maya-maya pa’y inilabas nito ang dalang pagkain na hindi akalain ni Janisse na nilalaman pala ng paper bag niyon. Akala niya’y ilang drafting tools lang nito. Subalit naalala niyang iniwan nga pala nito ang mga gamit kagabi dahil babalik pa naman kinabukasan.

“As far as I know, ang feelings niya ang inaalagaan natin dito hindi ba? I just wondering kung anong magiging reaksyon niya na nakikipagkita ang kuya niya sa’kin? Well, with matching bringing foods na rin?” Then she pouted. Nagwagi ang hula ng kanyang isip. Naagaw niya ang atensyon niyon na halatang hindi nagustuhan ang kanyang mga sinabi. Minabuti niyang tumalikod muna. Tinungo na lang ang malapit na bintana sa tabi at binuksan.

Lingid kay Hans ay hindi napipigilan ni Janisse ang mangiti.

Pero akala ba nito ay matatakot siya sa matalim na tingin lang? Hindi na umuubra sa dalaga ang ganito.

“Hindi naman siguro siya seloso ano?” palihim na pang-aasar pa rin ni Janisse.

“Binibigyan mo ba ng ibang meaning ‘tong ginagawa ko?”

Nanatili pa ring nakatalikod si Janisse. Kunwaring inaayos ang pagkakatali ng kurtina. “Hindi naman sa ganoon. Ang sa’kin lang baka na-fall ka na agad, I don’t guarantee kung masasalo kita. You already know me.” At palihim na naman siyang natawa.

She heared his sudden hiss. “Bilib rin ako sa self-confidence mo eh ano? Fall agad? Hindi ba naisip niyang mapanghinala mong mga brain cells na what if sarili ko lang ‘tong baon? At hindi ko ‘to dinala para sa’yo?”

Nilingon na ito ni Janisse, pigil pa rin ang ngiti. Lumapit siya sa kinaroroonan nito. “Well, I don’t believe you. Ano ba ‘yang dinala mo?”

Dadampot na sana siya ng isang slice nang agaran namang inilayo ni Hans ang lalagyanan.

“Seriously? Hindi mo man lang ako patitikimin niyan?” protesta niya. Nagrerebolusyon na ang kanyang tiyan kanina pa. At nang maamoy niya pa ang chicken rolls na dala nito ay lalo pa siyang natakam.

“Hindi nga ‘to para sa’yo,” pag-uulit ni Hans. Sa pagkakataong ito, siya naman ang tinalikuran ng lalaki.

Hindi siya makapaniwala na pinagdadamutan siya nito. Nakaramdam tuloy siya ng panggigigil. This man really don’t know how to please a lady like her. Ang tanging alam nito ay ang pahirapan siya. Kung paanong ang daling paamuhin ng ibang mga lalaki ay kabaligtaran naman si Hans.

Hinabol niya ito. Humarap at akmang kukuha ulit. Subalit naunahan siya nitong iangat ang lalagyan. Mas mataas si Hans sa kanya na lalo pang inilalayo ang hawak niyon sa tuwing iniaabot niya. Always a scenario in a teasing scene.

Nang napansin ni Janisse na sadyang pinagkakatuwaan na siya nito ay inawat na niya ang mga braso sa kakaabot. “You enjoying this huh? Ganito mo siguro nilalambing nag girlfriend mo?”

Jackpot! Naglaho ang pag-ngisi ni Hans. Now, it was her turn.

“You missed her? Oh, alam niya ba ‘tong deal natin? Hindi mo rin ba ipinaalam? What if may close friend ninyo na makakita na lang na magkasama tayo? Baka ma-insecure? Magkaroon pa kayo ng lover’s qua- hm!” Hindi na natapos ang sasabihin niya nang sinubuan na lang ni Hans ng chicken roll ang bibig niya. Kinain naman din iyon ni Janisse. Nang magsasalita pa sana ay inunahan na siya nito.

“Yes, I missed her, sometimes. But don’t worry walang mangyayaring quarrel dahil wala na kami. Satisfied?” ani nito.
Alanganin na napatango na lang si Janisse. Totoo nga kaya? Why does it felt her good hearing this? Natuon ang kanyang mga mata sa hawak pa rin ni Hans na chicken rolls. Pasimple ang kamay niyang dumukwang duon. Sa wakas ay malayang nakakuha ng isa pang slice! Wala naman ng nagawa si Hans kaya iniabot na rin sa kanya ang lagayan.

“It tastes so yummy!” bulalas ni Janisse at muling sinuri ang binigay ni Hans. “It looks simple pero loaded pala ang laman. For breakfast talaga ‘to siguro?”

“Mabuti naman pala at nagustuhan mo.”

“From where? Resto or new fast food chain?”

Nasaksihan ni Janisse ang paglawak naman bigla ng ngiti ni Hans na ikininasalubong na mga kilay niya. “Bakit nakangisi ka?”

“I’m just flattered na inakala mong nabili ko ‘yan sa kung saan. Thruth is, it’s a home made specialty.”

“Specialty mo?”

“Ah, hindi. Kay Merk.”

“So he knows how to cook pala.”

“Yup! One point for him?” bulalas nito. Ikinagulat ni Janisse ang biglang sigla sa mga mata nito. “Sige, sa’yo na lahat ‘yan.”
Hayun nga at inoobliga nang ipaubos sa kanya ang natira. Samantalang kanina ayaw man lang siyang patikimin.

“Baka naman nilalakad mo lang ‘yang kapatid mo sa’kin ha? ‘Wag naman sanang umabot na niloloko mo na lang ako. Worst is, you would came up making lies just to impress me,” paalala niya.

“Impress you? Hindi ko na kailangang gawin ‘yun. Na-impress naman na kita di’ba?” Ipinagtaka naman ni Janisse ang sinabi nito. “Laging good mood ka nga this past few days.”

“Am I?” tugon niyang hindi mawari.

“Siguro dahil ako ang kasama mo.” Malawak na ngiti ang sunod na nabungaran niya sa mukha ni Hans. Bahagya din itong lumapit sa kinatatayuan niya. Sapat na distansya upang ipalanghap ang tuwina’y gamit na brand ng pabango. Hindi nga lang niya inasahan ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya para lamang titigan ang kanyang mga mata. At kasunod nito’y nagsalita pa.

“Now tell me, mas tipo mo naman ako kaysa kay Merk di’ba?”

Di yata’t di naawat ni Janisse ang sarili sa pagkabog ng mabilis ng organ sa dibdib. Napalunok pa siya. Sadyang napatameme kasi siya sa kakisigan at kapreskuhan nito. Ngayong mas malapitan ay samyo niya ang pabango nito, at ang mukhang ngayon pa lamang sa tanang buhay niya ay kapuri-puri. His eyes... his nose... and lips... All were captivating. Lalo’t hindi niya napansing nakatuon na pala siya sa mga labi nito.

Hindi niya napaghandaan ang kasunod na galaw niyon. Namalayan na lang ni Janisse ang nakakakiliting sensasyon sa gawing tainga niya. His cool breath send little shivers upon her which made her heart still keep on beating unsteadily.

“I saw it,” bulong ni Hans. “I saw you’re tensed. Gusto ko lang malaman mo ito Tigress, you’re not the only one here who knew how to flirt. Beware to fall with this man, ‘cause he don’t guarantee na masasalo ka niya.” At kasunod niyon ay dumistansya na ito sa kanya. Saka tumawa ng pagkalakas! Kahit palayo na sa kanya ay patuloy pa rin sa galak.

Napailing na lang si Janisse sa inasal ni Hans. Mukhang kinokopya ang galawan niya. Tuloy, napaisip siyang tila mas magaling pa nga yata ito sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya maawat ang dibdib sa pagwawala niyon. At kitang-kita iyon ni Hans sa hitsura niya. Ano bang nagyayari sa’kin?

Ipinikit niya saglit ang mga mata. Anong dahilan? May nais lang siyang alalahanin. Then... it hit her! Marahil ito na nga ang minsang nasabi sa kanya ng kanyang Mama. Ang pakiramdam kung paanong nagkakagusto sa isang tao. Na kalaunan ay mamahalin. Certainly not! Never!
She still stick to her own motto. Mas gugustuhin pa kasi niyang siya ang mahalin kaysa siya ang magmamahal.

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon