Patuloy lang si Hans sa pag-scroll ng post. Hanggang sa natuon ang mga mata niya sa picture na in-upload din ng confessor. Pinakatitigan niya iyon. Binasa ang caption na nasa ibaba.
Kaya pala! “May kailangan lang akong puntahan Merk.”
“Saan ka pupunta?”
Napatitig siya sa kapatid. “To a friend.”
Nagpaalam na siya kay Merk. Kahit hindi siya palagay kung tutuloy o hindi sa pupuntahan ay hindi naman niya napigilan na ituloy ang lakad. Si Janisse ang pinuntahan niya. Dinala siya ng mga paa sa dalaga dahil gusto niyang makatulong. At ginagawa niya ito para kay Merk. Iyon ang pinilit niyang dahilan sa sarili kaya’t nakumbinsi niya ang loob. Ngayong naroon na siya ay tama nga ang kapatid. Janisse needed someone. At walang iba ‘yun kundi siya.
“Kailangan mo ba ng katagayan?” alok niya. Sumenyas ang hintuturo ni Janisse, pinalalapit siya nito. Nagulat siya sa tumambad na hitsura ni Janisse. Ibang-iba ang aura nito ngayon. Mugto ang mata at gulo-gulo ang buhok.
“Dinaig mo pa ang broken-hearted,” sita niya dahil sa basyo ng bote ng wine na nagkalat ay tila ilang oras na itong umiinom.
“Of course, I am! You wanna know who broke my heart?”
“Who?” Diretso pa rin naman ang pagsasalita nito kahit na madami nang nainom. At sa tingin niya ay nasa husto pa rin ang isip. Tumungo siya sa kusina. Naghanda ng maligamgam na tubig at face towel.
“My worthless father! Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin niya ako. Paulit-ulit nang paulit..ulit...”
Iniligpit ni Hans ang kalat. Maging ang boteng inuubos tunggain ni Janisee.
“Hey, give me that.” Bahagyang paos ang tinig nito.
“Hindi na. Tama na.”
Harmless ang tigre. Kahit bahagyang nakalugmok ang katawan sa sofa ay hindi naman ito nagwala nang agawin niya ang hawak na baso. Pero ang titig nito ang hindi niya kayang kontrolin. She was observant with every move he did. Hanggang sa nagsalita na nga si Janisse.
“Ano bang ginagawa mo dito? Pwede bang iwan mo na lang ako? I don’t like what you’re doing.” Matamlay ang boses nito.
Hindi niya pinansin si Janisse. Matapos niyang mailigpit at maibalik sa ayos ang mga gamit na ginulo niyon ay saka niya muling inihanda sa malapit na lamesita ang towel at maligamgam na tubig. Nang pupunasan niya ang noo ay itinutulak nito ang kanyang braso palayo.
“Please... just leave me.” Waring nakikiusap ito.
Gustuhin man niyang sundin ay nananaig kay Hans ang pag-aalala. Papayag siya kung nasa mode ito ng pagiging tigre. But she wasn’t at this time. She was weak. And deeply wounded.
“Tinutupad ko lang ang bilin ni Merk. So please allow me to care you.”
Bago pa man muling magsalita si Janisse ay ipininid niya ang daliri sa labi nito. Tinuunan ang mga mata ng dalaga. “Sssh. I won’t harm you. Promise.”
Sinimulan niyang punasan ang noo nito. Inihawi ang ilang hibla ng buhok na sumasagabal. Banayad niyang binubura ang mga dungis ng naghalong luha at make up sa mukha. Hindi man niya direktang sinisipat ng tingin ang mga mata nito ay dama niyang siya lang ang tinititigan ni Janisse mula pa nang asikasuhin niya ito.
“Naiintindihan kita,” basag niya sa katahimikan. “Hindi madali na ipinanganak na illegitimate child. Everyone who knows your secret would judge you bad. Na para bang ipinamukha sa’yo ng mundo na isa kang pagkakamali. Tapos magtatanong ka na lang sa kawalan, do I really have to suffer all of it? Is there any chance I can have a complete and happy family as much as every child had? But if you look through it, huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo.”
Nang muli niyang pupunasan ang bandang chin nito ay iniharang ni Janisse ang kamay. Nahuli niya ang pag-irap nga mga mata nito nang sipatin niya iyon ng titig. ”Sinasabi mo lang ‘yan para pagaanin ang loob ko. You really don’t know how still painful it is.”
“I do, Janisse.” He released his tone with conviction. Hinarap ang naguguluhang mga mata ng kaharap. “Anak din ako sa labas. Merk was the luckiest legitimate son.”
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomanceGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3