Gaya ng plano, naroon sila ni Merk sa iisang table. Typically dating. Hindi naman siya nagalit kahit na na-late ito sa usapan na hindi niya inaasahang magagawa nito. Kanina pa sinisikap ni Janisse na magpanggap na ayos lang siya. At sa nakikita niyang aliwalas na mukha ni Merk ay lalo lang siyang nahihiyang tingnan ito. She was indeed suffering from guilt. Nang makita ang kasunod na hinain ng server, ay may kung anong alaalang nagpakislot sa damdamin niya. Nakatitig siya doon. Hindi naiwasang mapansin iyon ni Merk.
Napansin niya na lang na nilalagyan na ni Merk ng putaheng iyon ang plato niya. "You should try this. Promise, hindi mo pagsisisihan ang lasa."
Matipid na lang siyang ngumiti. Of course, alam niyang hindi niya talaga iyon pagsisisihan dahil alam na alam na niya ang lasa niyon. Maging ang hitsura ay katulad na katulad, nagkaroon lang ito ng mga dekorasyon kaya lalong nagmukhang katakam-takam. Hindi nga siya nagkamali nang tikman, its taste was still the same as ever. Hindi niya mapigilang hilingin na sanay si Hans ang naritong kasama.
"Youre right. Saan ka natutong magluto nito?" usisa niya patungkol sa overloaded chicken roll na recipe nito.
Pansin ni Janisse ang labis na paglawak ng ngiti ni Merk. "Actually, ayoko namang i-take ang lahat ng compliment. Pero kay kuya Hans talaga ang recipe na yan. Naging favorite ko, namin, kaya nagpaturo ako sa kanya kung paano gawin.”
So she was not informed the whole story. O sadyang nagsinungaling si Hans sa kanya nang sinabi nitong recipe ito ni Merk noon?
"So ikaw na ang nagluto nito ngayon?"
Umiling si Merk. "May mga ginawa pa kasi ako kanina na mga projects with Angie. Si kuya na ang nagprisinta na gumawa niyan dahil sabi niya magugustuhan mo daw. At hindi nga ko nagkamali, ang dami mo ng nakain."
Bigla naman siyang nahiya nang makita ang sariling pinggan. Oo nga't siya lang yata ang kumain ng chicken rolls. Sa katunayan, mukhang iyon lang nga ang kinain niya. Nagkaroon lang siya ng gana nang makita ang pamilyar na putahe.
"Mabuti na lang pala at iniwanan ako ni kuya ng mga chicken rolls bago siya umalis. Hayaan mo kapag gusto mo pa, gagawan kita. Pero hindi na nga lang yung katulad na katulad na lasa ang hanapin mo ha. Mahihirapan akong magpagawa niyan kay kuya dahil nasa Singapore na yun." Kasunod ang mahinang halakhak nito.
Natigilan si Janisse. Nawala iyon sa isip niya at mga alalahanin. Oo nga palat nakatakdang aalis si Hans pabalik ng Singapore.
"N-Nakaalis na ba siya?" may pag-aalala sa mukha niya. Maaga pa para umalis ito sa pagkakatanda niya. Nang kuwentahin niya base noong napag-usapan nila ito ay may isang linggo pang natitira. O ito na ang linggong iyon? Nawala na talaga ng tuluyan sa isip niya. Mas pinairal kasi niya ang damdamin at hinanakit dito. Hindi niya naisip na sa kakamukmok niya sa kuwarto ay tuluyan ngang mawawala sa kanya ang binata.
"Oo Janisse. Bukas na ang lipad niya. Umalis na siya ng bahay kanina. Sa isang kaibigan niya na raw siya magpapalipas at may mga aayusin pa raw siya ‘dun."
Doon na nag-panic ang damdamin niya. How come she allowed him to go away? Iyon na pala ang huli ng kita niya sa mukha ni Hans, nang dumalaw ito at nagsusumigaw na patawarin niya. "Hindi niya sinabi na aalis na pala siya." Mahina ang naging sambit niya pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Merk.
Nakatitig lang si Janisse kay Merk. Ang maisip na hindi na niya ito muling makikita ay lalong nakadagdag sa pagsisising sana man lang ay hinarap niya ito ng maayos. Now she found herself missing and needing him. That the man she loved had gone lost away from her. Hindi niya mapigilan ang nangingilid na mga luha sa mga mata. Pero bago pa man tuluyang bumagsak iyon ay napunasan na niya iyon ng hawak na panyo.
"H-hindi niya sinabi na aalis na siya," pag-uulit niya. Bahagyang yumuko, patagong pinupunasan ang luha sa mga mga mata.
Hinawakan ni Merk ang isang kamay niya. "May problema ba Janisse?"
"I'm sorry Merk," nasambit niya at iniangat ang mukha. "Im so sorry. Im so sorry for all this deal I made up. And date na ito ay deal namin ng kuya mo. Im the one who offer it. Kung matutulungan niya ako for the renovation of our home in Sto Domingo, papayag na akong makipag-date sayo."
Nadama niya ang paghaplos ni Merk sa kamay niya. At sa nakikita niyang reaksyon dito ay parang hindi naman ito nagalit o nagdamdam man. "Kung ganoon man ang nangyari, dapat pa lang magpasalamat pa ako kay kuya dahil ginawa niya ang gusto mong iyon para sakin. Kung hindi natuloy ang deal ay hindi ako magkakaroon ng chance na makasama ka ngayon.”
Hindi ito inaasahan ni Janisse. Pero ang pagsasabi niya lang ng totoo ang makakahinto rito, sa set-up nilang wala namang patutunguhan.
"Hindi Merk. Im sorry... Im sorry dahil siya na ang nagugustuhan ko."
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomantizmGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3