Semestral break had been started. Katatapos lang ni Janisse mag-impake ng ilang mga damit pamalit para sa dalawa hanggang apat na araw niyang bakasyon. Kahit hindi marunong sumipol-sipol ay sige siya pagpapalabas ng tunog sa bibig.
Dalawang araw lang ang lumipas matapos niyang makipagkita at makipagkasundo kay Hans. Bigo siya sa nais. At walang mapaglagyan ang pagkakatalo ng loob niya. Aminado siyang hindi na niya naikubli ang pagpapahiyang ipinaramdam sa kanya ng lalaki. Tuloy, hindi niya rin magawang malimutan ang ubod sa tuwa niyong hitsura na lalong nagpainis sa temper niya noong sandaling iyon.
Subalit hindi niya inaasahan ang pagtawag nito sa kanya kagabi lang. That’s why, she was now in fact in a good mood. Na magpahanggang ngayong kakatirik pa lang ng umaga ay buo na ang sigla niya.
Isinukbit na niya ang medium travel bag sa siko. Humarap ng isang pasada sa wardrobe size mirror bago tuluyang igiya ang sarili pababa ng kuwarto.
“All is ready. Let’s go!” masayang pahayag niya nang makababa. Kunot-noo naman ang sinalubong sa kanya ni Hans na ilang minuto ring naghintay sa pag-aayos niya.
“Hindi mo sinabing mag-i-stay ka pala doon. Ang akala ko ay sisilip lang tayo as first day of the job.”
“Are you dismayed? Sorry kung hindi ko na nasabi sayo. Kailangan ko lang ding mag-relax, bakasyon naman.” Napansin ni Janisse ang mga mata nitong tila hindi mapalagay. “What’s wrong?”
“Wala naman. Act as a business partner for this deal Tigress,” hirit na pag-papaalala nito.
“Of course! Don’t worry, babayaran kita. Tara na.” At umuna na siyang tumungo sa pintuan. Pero nadinig pa rin niya ang mahinang pasaring nito.
“Kahit ‘wag ka nang magbayad, just stick and act fair to the deal.”
“Oh sure, Mr. Hunter. Relax ka lang.”
They both got in to her Armo. Nag-offer si Hans na ito na ang mag-drive pero hindi niya tinanggap. Mas gusto niyang siya na ang mag-maneho.Patungo sila sa Nueva Ecija kung saan talaga siya nanggaling. Lakas loob ang desisyong ito ni Janisse na bumalik doon. Dalawang taon na rin kasi ang lumipas mula noong huling bisita niya. Dumadalaw lang naman siya kapag pinanghihinaan ng loob o kaya’y gusto niyang balikan ang alaala ng kanyang Mama. But this time, for the first time, she decided to go just for fun. At sinama niya pa ang lalaking walang ibang hinaing kundi ang pagpapamukha sa kanya na isa siyang napakasamang babae. Not a role model type.
Gayunpaman, hindi siya offended.
Kahit hindi sigurado sa kalalabasan ng deal ay gusto ni Janisse na matuloy ang trip na ito. Dahil ang concept ng pag-aayos at pagdidisenyo ng dating bahay nila ng kanyang Mama ay talagang gustong-gusto niya. Dati na niya talaga kasi iyong plano na hindi lang matuloy-tuloy gawa ng hindi pa talaga buo ang kanyang isip. Dumating lang si Hans sa buhay niya ay ura-urada na kaagad ang balak niya.
Again, she never expected this was happening. Akala niya ay huling pagkakataon na ang pagkikita nilang iyon. Kung kailan marami siyang nalaman tungkol kay Hans mula sa mga followers niya ay saka pa siya iiwasan na nito.
Pero nagkaroon muli ng chance. At gusto niyang masaksihan mismo sa sarili kung tama nga ba ang mga magagandang katangiang narinig niya patungkol dito. O baka naman ay pakitang tao lang ito at kagaya rin ng ibang lalaking kilala niya na puro sa salita lang magaling, kabaliktaran naman ang inaasal. Her point? To witness if this man is really a man. Definitely, a resposible and trusted man.
“Anong dahilan nga pala at nagbago ang isip mong pumayag sa deal?” nausisa niya.
“Gusto mo talagang malaman?” nakangisi si Hans. Mukhang hindi kasi nito inasahan na itatanong niya iyon.
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomanceGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3