Chapter 11

403 12 5
                                    

Paulit-ulit na pinikit-bukas ni Janisse ang mga mata. Nakakasilaw ang sinag ng araw sa labas kahit pa may kurtina ang malaking bintana. Saglit na inalala ang nangyari kagabi. Hindi niya nalilimutang nag-open siya ng kanyang nakaraan. Nag-flash back sa isip niya ang mga pinagsaluhang pag-uusap nila ni Hans.

She found a comforting zone sharing her awful past with him. Hindi naman niya dapat pigilan ang sarili na magtiwala sa isang lalaki. Napangiti siya. Muling naalala kung paanong inasikaso siya nito at kung paanong sinikap na pagaanin ang loob niya. Lalo nang sabihin nitong, magkasangga sila. Hindi niya mawari kung nakakatuwa bang malaman na nakatagpo siya ng katulad niya ng pagkatao. Katulad... subalit magkaiba ang naging buhay sa kasalukuyan. Magkaiba ang sinapit sa pamilyang naiwan.

Hindi siya dapat magsinungaling sa mismong sarili. Hindi niya kayang itago na napahanga siya ni Hans. Sa tingin niya’y hindi lang naman ang Mama ni Merk ang nagbigay ng tsansa para sa isang pamilya kundi pati na rin mismo si Hans. Hindi ito naging makasarili. Hindi ito naging madamot sa kapatid. Hindi gaya niya na nang malaman niya noon kung sino ang kanyang ama.

Nang muling maalala si Hans ay ibinangon na niya ang katawan. Nahagip kaagad ng kanyang mga mata ang walang saplot nitong pang-itaas. Nasisilayan niya ang kabuuan niyon. A broad, sexy, and gorgeous figure of masculinity filled her eyes. He was so damn hot! At maging ang mukha niya ay tila nag-iinit na rin.

May namumuong kakaibang init sa katawan niya na sa lalaki lang na ito niya naramdaman. Karaniwan na siyang nakakakita ng ganitong view noon sa Paris maging dito rin sa Pilipinas. Subalit si Hans lang ang nag-bigay sa kanya ng ganitong kakaibang sensasyon.

Minamasdan niya lang iyon. Paano pa kung madama niya ang kakisigan nito? Ang mayakap at makulong sa pigura niyon... Ang makasalo ito sa sofa... At ang madama ang iba pang itinatago ng ibabang bahagi niyon... Just imagining these made her wet... basa sa pawis. Stupid mind!
At bigla’y naging asiwa siya. Binura ang mga imahinasyong hindi niya matanggap.

Nilapitan niya si Hans. Mahimbing ang tulog nito. Napaisip siya.

Hindi naman niya siguro ginapang ito kagabi?

Alam niya sa sarili na wala siyang sleep disorder. Isa lang ang nabuo sa isip ni Janisse kung bakit nagtanggal ito ng T-shirt. Hindi na naka-turn on ang binili niyang aircon noong bakasyon. Kagabi kasi ay tanda niyang binabalot siya ng lamig. Marahil ay pinatay na lang niyon ang aircon at nagtiis sa init.

Pumanhik si Janisse sa kuwarto. Pagbaba ay may dala na siyang puting T-shirt.

“Hans,” banayad na gising niya rito. “Hans. It’s already morning, gising na.” Kahit na kaunting nilakasan niya ang tinig ay hindi pa rin natinag ang lalaki sa posisiyon nito.

Nag-aalangan man ay naglakas-loob siyang kalabitin ng point finger ang pisngi nito. “Huy, hunter. Wake up.” Paulit-ulit na dinudut-dot ng daliri ang pisngi nito.

“Hm...” usal niyon. Nasilayan niya ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Hans. Kumurap-kurap pa ito. “H-Hi. Good morning beautiful.” At may pahabol pa iyon na ngiti.

Hindi siy sigurado kung ano ang isasagot. It was unusual of him to pay her a compliment exactly like this. Si Hans? Sinabing maganda siya?

“G-Good morning din,” asiwa niya na lang na nasabi.

Kailangan niya ng distraction lalo’t binabati rin siya ng kakisigan nito. Nang maalala ang hawak na T-shirt ay ibinigay nito iyon dito. Nakamuwestra na rin ang mga kilay sa biglaang pagsusungit. “Wear it. I’m not fond of seeing my architect naked.”

Kinuha naman ni Hans ang ibinigay niya. He was starting to unfold it. Tatalikod na siya nang may biglang sumagi sa isip. Bigla kasi’y tila naduwag siya. Sa tingin niya kasi ay ito na ang tamang timing para isauli iyon, ang T-shirt mismo nito na aksidenteng natangay niya at naisama sa kanyang cardigan noong minsang nagkasama sila sa isang kuwarto dala ng kamalasang sinapit sa gitna ng daan. Huli na kasi nang malaman niyang nakuha pala niya iyon at napailaliman kaya’t gayon na lang ang hitsura ni Hans nang makita niya ito sa convenient store noon na tila jacket lang ang suot na pang-itaas. Puti din kasi ang cardigan niya at nakatakip sa kanyang katawan noon.

Subalit nabagabag siya sa isiping baka bigyan ng kung anong pakahulugan ni Hans ang pagsasauli niyang ito ngayon. Berde pa naman ang utak ng lalaki kung minsan. At kung tama nga ang hinala niya sa iisipin nito ay baka tuluyan na siyang kutyaing pinagnanasaan pa niya ito. Which is half meant true!

Kaya’t bago mahuli ang lahat ay muli niyang nilingon ito. Aktong hahablutin niya na ang T-shirt nang inilayo naman iyon ni Hans sa kanya. Naalerto ang mokong. Nanatili pa ring nakahiga ito sa sofa. Still naked and hot. Nahihiya siyang tingnan ito.

“Akin na muna ‘yan Hans. I picked that wrong one. Give it back and I’ll lend you another,” mariing paliwanag niya. Napaluhod pa nga siya sa harapan nito kakaabot lang sa pahamak na T-shirt. His whole body was laying in front of her as well as his eyes. Nanunukso ba ang mga titig nito? Pwes hindi niya ito uurungan.

Bahagya siyang lumapit sa bandang mukha ni Hans. Facing those teasing black eyes. “Hand it back to me,” utos niya.

“Paano kung ayoko?” protesta naman nito. Seryoso ang mukha.

Mukhang inuumpisahan na naman siyang asarin ng lalaki. Pwes, a liitle trick of being mean might help her, right to his face.

“Ayaw mo?” ani niya sa mga mata ni Hans. At dahan-dahang bumaba sa mas nakakatuksong mga labi nito. Hanggang sa kung may anong pumasok sa isip niya. Muli niyang ibinalik ang tuon sa mga mata ni Hans at inihayag ang kanyang consequence. “I’ll kiss your lips if you refuse once again.”

“Do it then, Tigress.” May kapilyuhan ang tono nito.

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon