Chapter 2-2

634 19 8
                                    

“He was the kind of man I want to be with.”

“Siguro ako din. Siya kasi ‘yung tipong ipaglalaban ka sa lahat ng sinumang aapi sa’yo di ba? Eh ‘yung brother nga lang yung nasaktan eh nanugod na. What more pa kaya kung girlfriend niya na ang pinatulan ni Janisse?”

“Ako pa rin ba ang issue? Ang hirap talagang maging sikat. Palaging usap-usapan ng mga inggitera,” patay-malisyang sabat at parinig ni Janisse na patuloy lang ang lakad sa hallway at hindi binabalingan ng tingin ang dalawang babaeng nag-uusap. Ilang araw naman na kasi ang nagdaan pero siya pa rin at ang Hans Roque pa rin na iyon ang sentro ng tsismis sa hallway na dinaraanan niya sa araw-araw.

Mabuti sana kung maganda sa pandinig ang nasasagap niyang mga balita. Pero taliwas iyon. Almost the adorement were on Hans. Siya pa talaga itong naging masama. Mean girl na nga talaga siyang matatawag ano pa man ang sabihin at kilos na gawin niya. But being mean girl doesn’t matter to her. Isa lang naman ang kating-kati niya nang gawin. Ang makaganti man lang kahit paano sa Hans na iyon.

Pero ni anino nito at ni Merk ay hindi niya mahagilap. Mukhang naimpluwensyahan na nga yata ng kapatid si Merk.

Inabot na nga si Janisse ng hapon para lang sana matyempuhan si Merk sa cafeteria at ilang oras din siyang nagpalipas sa library. Ngunit hindi niya ito natagpuan.

Nagdesisyon na lang siyang umuwi dahil nagsimulang dumilim na naman ang kalangitan. At sa hindi inaasahang tagpo nang malaglag ang susi niya kay Armo ay isang sapatos naman ang walang pasintabing tinapakan iyon. Sakop ng buong sapatos ang nahulog niyang susi sa lupa kaya’t hindi na niya iyon nakikita.

Nang sipatin niya kung sinong walang modong lalaki ang nanadya na tapakan iyon ay labis niyang ikinabigla.

“It’s you again. What brought you here? Mimisahan mo na naman ba ako big brother?” pangunguna niya. Oo nga’t gusto niya talagang makaharap ito ulit para sana man lang makaganti. But how would she do that if he smelled so manly good?

So gorgeous?

Lalo tuloy nanggagalaiti sa inis ang mga mahahabang kuko niya sa hindi maintindihang epekto ng Hans na ito sa kanya. Makita niya lang kasi ang mga mata nito ay halo-halong emosyon na ang nadarama niya.

“May isa sana akong pabor. Una at huling pabor na hihingin sa’yo.”

“After all what you’ve described me, you’re now asking for a favor? Ano na naman bang nagawa ko sa kapatid mo?”

“Saka ko na sasabihin. Sumama ka na lang sa’kin.”

“Ha! At bakit naman ako sasama sa’yo?” Natuon ang mga mata ni Janisse sa lupa. Nalimutan na niya ang susi ng kanyang sasakyan. “Can you step out now your arrogant shoe on my key?”

Masunurin naman si Hans kaya’t yumuko iyon para kuhanin.

“How dare you step in that dirty shoe. Ang dumi-dumi na tuloy!”

“Ang arte mo talaga.” Kaya’t imbes na ibigay ni Hans ang susi sa kanya ay ikinuyom pa nito iyon sa palad nito. “Umangkas ka na sa motor ko kung diri-diring ka.”

Naningkit naman ang mga mata ni Janisse. “No. Hinding-hindi ko gagawin yang gusto mo. Malay ko ba at dalhin mo ako kung saan.”

Bahagyang umanggulo ng harap si Hans sa kanya. Lumapit din ito ng ilang hakbang at saka siya muling kinausap. “Gaya nga ng sabi ko, hindi mo ako laruan. Lalong hindi ka katukso-tukso sa’kin. Hindi ko naman gustong gawin ‘to. Pero ito na lang ang naiisip kong paraan para kay Merk. I’ll promise, this is the first and last thing na hihingin ko sa’yo. After this, titigilan na kita.”

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon