Chapter 17

260 10 0
                                    

Kinabukasan, nagkita silang muli ni Hans. Actually, she was the one who requested it. Para linawin ang deal. Para linawin ang ilang mga bagay-bagay. At hindi palagay ang loob niya ng sandaling ito. Lalo at parang ganoon rin ang nararamdaman niya sa loob-loob ni Hans. Kapansin-pansin rin ang kaunting pag-itim sa ilalim ng mga mata nito. Gusto sana niyang kamustahin ang pagtulog niyon bilang unang simula sa ihahain niyang agenda. Or she might say, a revision on their closed deal. But then again, naroon lagi si Hans para unahan siya sa mga gusto niyang gawin.

"We need to do the setting of your date as soon as possible. Saan ba ang venue na gusto mo?" arangkadang pahayag kaagad nito.

Napalunok si Janisse. She even sighed deeply, pero hindi niya masyadong ipinahalata. Mukhang mali pala siya. Umasa pa naman siyang hindi na iyon itutuloy pa ni Hans gaya nang gusto sana niyang ialok dito. Pero kaagad din siyang natauhan. Unfair naman din kasi kay Hans kung hindi siya tutupad sa pinag-usapan gayong ginawa niyon ang lahat ng makakaya at galing upang matulungan siyang pagandahin pa ang naiwang bahay na alaala ng kanyang ina.

"Kahit saan. Ikaw na ang bahala. Well do set-up the date. Pero... kailangan pa ba natin talagang gawin ito Hans?" pagbabakasakali pa rin niyang tanong sa binata. "Do you think this is the best for Merk? Alam mong wala naman talaga akong gusto sa kapatid mo. Besides, there are somethings happened na hindi naman natin na-kontrol. There are feelings that somehow we both shared. And that feeling is still confusing me, the both of us!"

"But the deal is a deal! Parehas tayong nag-agree. I did what you want. Ito ang gusto mo diba? You offered it."

Bumagsak ang dibdib niya. Tama naman ito. He just only reminding him that shes the one who made again this trouble. Na muli, may ginawa na naman siya para magulo ang magkapatid. Pero paano ba niya sasabihing ayaw na niya? Ayaw na niyang ituloy pa ang huling consequence ng deal.

"Sa tingin ko hindi na natin dapat ituloy pa," muling hain niya.

May kalakasang nahampas ni Hans ang lamesang nasa pagitan nila. "Then why the hell youre cancelling it now?!"

"A-Arent you happy? With me?" Naitanong na lang niya bigla.

Seryoso ang mukha ni Hans. "Paano ako magiging masaya kung masasaktan ko siya? I dont like the idea of disappointing and hurting someone I cared."

Hindi siya nakasagot kaagad. Ibig bang sabihin nito ay wala itong pakialam sa kasiyahan niya? That she wasn't that someone he cared? Labis siyang nasasaktan sa mga sinasabi nito. Wala siyang makapitan ng sandaling iyon, maliban sa mga nanlalamig niyang mga kamay. Sinusubukan niyang kumalma para kahit paano ay mailabas ng bibig niya ang gustong ipaglaban. Kung alam lang ni Hans kung gaano ito kahirap para sa kanya, ang aminin ang tunay na nararamdaman niya. At buong lakas na paniwalaang, hindi kabawasan sa pagkatao niya ang pagsasabi na mahal na niya ito.

She was ready to say it out loud, nang muli iyong nagsalita. "Kung ang iniisip mo ay yung mga nangyari satin, forget it then. Hindi ba fling lang naman yun? Its your way to catch and play your kittens, right? Congrats, sa wakas nahuli mo na ko. Wait, no, you caught and tricked us both!”

Janisse couldnt believe what she was heared from him. Hindi niya na napigilan ang sariling pagtitimpi. She slapped his face as hard as she could. "Welcome then! Set the date tomorrow and you may leave." Saka niya tinalikuran ito at nagkulong sa kuwarto.





"The best ka talaga kuya! Hindi ko akalain na mapapapayag mo si Janisse na sumama satin dito sa bahay. Its the best night I had with her." Walang mapaglagyan ang tuwa ni Merk. Mula sa gesture ng kamay nito hanggang sa pagsilip ng maliliit na dimples nito sa gilid ng mga labi ay talagang nagagalak ito sa nangyari. Pero si Hans, naroon at nakatitig pa rin sa papalayong si Janisse.

"Sa tingin mo ba katiwa-tiwala ang driver ng taxi na yun?" sa halip ay magkasalubong ang kilay na usisa ni Hans sa kapatid. "Dapat siguro hinatid na lang natin sila." Para bang hindi siya mapanatag. O baka nasasabi niya lang ito dahil nabitin ang sandali na dapat ay ito lang ang kasama nito. Ito lang kasi ang pagkakataong hinayaan niyang bumiyahe ito sa taxi. At ito lang din ang pagkakataong hindi niya ito naihatid ng maayos sa bahay nito. Siguro ay iyon ang ikinahihimutok ng kalooban niya.

Binalingan ni Hans si Merk na nakatanaw na rin sa taxi na nooy tanging back lights na lang niyon ang natatanawan. "Sa tingin ko hindi naman siguro kuya. May katandaan naman na si Manong driver at isa pa nandoon naman si Angie, kaya naman nilang pagtulungan iyon kung sakali. You worried so much."

Saka siya muling binalingan ng kapatid.

Nakuha niyang may ibang ibig sabihin ang mga titig ng kapatid. Kaya bago pa man ano ang maisip ni Merk ay inayos niya ang eskpresyon ng mukha. Hindi nito dapat makita ang labis na pag-aalala o ang concern na lumalagpas sa hangganan ng concern ni Merk.

"Syempre naman nag-aalala ako para sa kanila lalot dalawa silang babae na hindi man lang natin na-i-alok na ihatid." Inakbayan siya ni Merk.

"Dont worry kuya, I will keep in touch to Janisse hanggang sa makauwi siya," kampanteng sagot nito sa kanya. Sa ngiti na namang iyon ni Merk ay mukhang naibigay ni Janisse ang number nito dito. "Pero kung si Angie naman ang labis na inaalala mo, dont worry may pagka-amasona yun kaya hinding-hindi mapapano yun."

"Dont tease me to her," agaran niyang sagot sabay ginulo ang buhok  nito.

"Oh I forgot! Youre taken na nga pala! That secret girl of yours, minsan siya naman ang dalhin mo dito."

Dadalhin ko? The second time around?

Ano ba ang nasa isip niya? Sino ba ang iniisip niya? Sino ang dadalhin niyang muli? Thats a bullsh*t! Si Janisse na lang yata lagi umuukopa sa isipan niya. Ito na lang ang madalas na inaasikaso at pinag-aalala niya. How could he be so stupid to cling to her? Na para bang wala siyang kapatid na naaagrabiyado.

Nagsisimula na niyang kamuhian ang mismong sarili. Hindi niya nagugustuhan ang sitwasyon. Kailanman hindi niya ito napaghandaan. Ang higit na hindi niya matanggap ay ang sariling damdamin. Na hindi niya matanggap ang kasiyahan sa mukha ng kapatid. Kasiyahang si Janisse ang dahilan. His happiness making him struggle with so much pain.

"I owe you for all you did to me, kuya. And I still owe you that day you came to DBU, para rumesbak. Noong una hindi ko naintindihan kung bakit kailangan mo pang sugurin si Janisse. Para sakin nakakahiya yun, lalong bumaba ang pogi points ko sa ginawa mo. But still, ayokong magtanim sayo ng sama ng loob. Although hindi kita gaanong kinakausap noon, hindi na ako nagtatampo.

"Alam mo kuya, I heared sa ibang estudyante na nakikita daw nila kayo ni Janisse na magkasama. May mga nagsasabing kung saan-saan daw kayo nagpupunta, at base sa mga lugar na nababanggit ay sa mga shops. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Ang naisip ko lang baka may lihim ka lang na ginagawa para sakin, or there is a business between you two. But still, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi mo man lang sinasabi sakin na nagkakasama kayo ni Janisse?"

Hindi niya alam na marami na palang nalalaman ang kapatid. Ni hindi niya magawang kumurap sa mga inaamin nito. Marahan niyang hinawakan ang likod niyon, "Merk hindi naman sa hindi ko ipinapaalam- "

Sa halip na pakinggan ng kapatid ang gustong niyang ipaliwanag ay pinigilan siya nito. Ginantihan din ng haplos ang likod niya. "I know kuya Hans na ginagawa mo lang na makipaglapit kay Janisse para sakin. Iyan naman ang lagi mong ginagawa. Youre my protector since were child. Im very thankful na ikaw ang naging kuya ko, you make all things possible for me. You make Janisse and I a chance kahit pa hindi ka boto sa kanya noong una para sakin." Merk hugged him. "Salamat kuya."

"Youre my only brother Merk. Gagawin ko ang lahat para sayo," tugon niya sa kapatid. Tugong unti-unting wumawasak ng puso niya. Hindi siya makahinga sa bigat ng nararamdaman. Gusto niyang manuntok! Kaya bago pa man maibuhos kay Merk ang magkahalong sakit at galit na namumuo sa dibdib niya ay nagpaalam muna itong umalis. Kailangan niyang pumunta sa maingay na lugar at ibuhos sa alak ang lahat ng nararamdaman.

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon