Natapos na naman ang buong araw, karaniwang araw sa nalipasang kulay na buhay ni Janisse. Noon, akala niya wala nang mas sasaya pa nang makilala niya si Ynosencia Guadalupe, ang bukod tanging naging karamay, sandigan, at nakaintindi sa kanya. Na nang lumaon ay inaruga siya. Itinuring siya nitong unica hija. Ipinaramdam nito sa kanya ang tamis, sarap, at galak ng karangyaang hindi niya kailanman inasahan.
Up to now, she couldn't help what to hope for herself. Oo, madami na siyang salapi at kasaganahang tinamasa. Pero sapat na nga ba iyon upang makabili siya ng tanging hinahangad?
Hindi na nagulat si Janisse na nagtrending ang nakuhanang video patungkol sa kahapong pambabasted niya kay Merk. And she was not worry even a little if it ruined her gorgeous image. May nag-aangat pa rin naman kasi ng bandera niya kaya siya pa rin ang naging bida.
"Talaga? Kamukha ni Justin Gaston?"
Napahinto si Janisse sa paglalakad nang madinig ang tsikahan ng dalawang junior na nakasalubong niya. Duon tumuon ang mga mata niya.
"Yup! May hinahanap siya."
"Sino?"
"Si..." At bumaling ng tingin ang babae sa kanya nang maramdamang naroon lang siya sa tabi ng mga ito. "Halika na." Yaya ng babae sa kasamang nagtanong at naiwan si Janisse na nagtataka.
Binalot din naman kasi siya ng kuryosidad sa narinig. Kung di siya nagkakamali ay may bagong mukha na naman sa university. Siguro ay transferee, hinala niya. Anu't-ano ay makikita rin niya iyon at mapatunayan sa sarili kung hawig nga ni Justin Gaston, isa sa magagandang lalaking hinahangaan na foreign actor at model. Deep inside her, nagkaroon din siya ng paghanga dito nang masilayan niya ang appearance nito sa music video noon kasama ni Taylor Swift. Totally a hot and very good-looking man.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad marating lang ang kinalalagyan ni Armo. At habang papalapit nga siya sa parking area ay hindi lingid sa kanya ang usapan ng karamihan. Nakasalubong pa nga niya ang isa sa mga follower niya at dito mismo nagmula na narito nga daw ang legendary varsity player ng university na sinasabing kahawig ni Justin Gaston.
Pero hindi iyon ang dahilan ng pagsalubong ng mga kilay niya.
"That mysterious man is Merk's brother?" nalilito niyang tanong.
At sa sagot ng follower niya ay parang alanganin din ito kung maniniwala o hindi. Hindi na lang pinansin pa ni Janisse ang pinagkakaguluhan ng karamihan.
Napahalakhak lang naman siya sa tabi. Because she was sure that this intruder was a worse geek than Merk. Even tip of her glittery pinky nail wasn't interested. Mas interesado pa siya sa lalaking nahagip ng kanyang mga mata sa di kalayuan.
Hinangin din ng sobra ang buhok niya dala ng malakas na ihip ng hangin at makulimlim na panahon. Pero ang feeling ni Janisse, para siyang nasa isang shoot ng romance gothic film sa angas ng lalaki at setting ng paligid at panahon. Medyo dark at sexy.
She was also amazed where those thoughts came suddenly. Tila ngayon lang yata siya nakaisip ng ganoon sa loob lang ng ilang segundo sa isang estrangherong lalaki.
At kailan pa siya naging dreamy? Wala sa karakter niya ang pagpapantasya.
Nadama niya ang patak ng ulan sa pisngi. Pero hindi dito natuon ang buong atensyon niya. Ngayong malapit na ang lalaki sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya maikurap ang mga mata nang iniladlad niyon ang matipunong mga braso. Walang kaabog-abog kasi nang hinubad nito ang itim na leather jacket. Patakbong bitbit iyon patungo sa kanya at bigla'y ipinantaklob na lamang sa kanyang uluhan.
Doon lang siya tila natauhan. Walang pagtanggi mula kay Janisse nang akayin siya nito papunta sa green shed gawi roon at kapwa sila nakisiksik sa iba pang estudyanteng naroon. Doon na lang namalayan ni Janisse na basang-basa na pala siya sa ambon mula pa kanina. Tila ba naman kasi na-engkanto siya sa pagdating ng makisig na estranghero.
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomanceGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3