Chapter 1

1.4K 27 10
                                    

Hindi nahirapan si Janisse na iparada ang Suzu XV sa malawak na parking area ng DBU na pinapasukan. Mabuti na lang pala at ipinabago niya ang class schedule sa Probability and Statistics. Dapat ay noon pa siya nagpa-re-sched nang hindi siya palaging nahihirapang i-park sa magandang pwesto ang kasing-kinis at kasing-sexy niyang sasakyan.

Kinuha niya ang kulay fuschia na Gucci, terno sa nagrorosas din niyang hanging loose top. Matapos mailigpit ang susi at maihanda ang mga dapat bitbitin ay lumabas na siya kay Armo, nakasanayan na niyang itawag sa kanyang itim na itim na Suzu.

She was like a stunning celebrity sa tuwing naglalakad sa hallway at corridor ng university. Wala na siyang pakialam kung mabali ang mga leeg niyon masilayan lang ng matagal ang istilo ng kanyang pananamit. At syempre, hindi mawawala ang ilang mga babaeng kulang na lang ay ipakulam siya sa sobrang pagka-inggit na ipinupukol ng mga ito.

Pero mas lumala pa kasi ang mga haters niya ngayon nang maipabilang ang pangalan niya sa isang post sa Facebook page ng Da Bellarocan University, ang Da Bellarocan Files page. It was like her admiring image has been half damaged. Na kahit paano'y hindi naman nakaalarma ng labis sa self steem niya.

Her beautiful name, Janissarie Guadalupe, was dragged into a certain club called Girls Meanistry as one of the meanest girl of the campus. Hindi tuloy malaman ni Janisse kung bida o kontrabida ba ang labas niya. Ngunit aminadong certified mean girl siya depende nga lang sa kanyang mood, sa sitwasyon, at sa kung anu-ano pang mga pagkakataong nawawala ang anghel na lumilipad-lipad sa isip niya.

But yes, she couldn't deny that she was literaly mean with those foe bitches scattered along her way. Gaya na lang ng babaeng papalapit na hanggang dibdib niya lang yata ang height, kasama ang tatlo pa nitong mga alipores na tinalo pa ang kulay ng birthmark niya sa balakang sa hindi pantay na tone ng mga tuhod.

Huminto siyang may makapal na plastick na ngiti nang magtama ang landas nila sa corridor. "It is a good morning, but I bet your face isn't as good as mine, isn't as charming as my smile." Sinundan niya pa iyon ng mapait-tamis na halakhak. Enough to make the bitch's nose got red in fury.

"Still on stage of moving on? Oh, how pity for you baby. I'm sorry for your heart's lost."Dagdag pa ni Janisse.

"You are such a damn whore, a gold-digger, and a boyfriend stealer! Haliparot!" nanggagalaiting anas nito sa kanya.

"Call me everything you want, Lizeth. I DO NOT mind at all. Because we both know who's a crying baby at all. Nakakaawa ka. Once again you've become a trash. Just a cycle, been recycled then befall again as a trash."

Naging tampulan na sila ng mga bulong-bulungan ng oras na iyon. Hindi na rin magugulat si Janisse kung makita na lang niya sa kanyang Facebook wall na marami na namang likes at share ang anu pa mang video na mai-ta-tag sa kanya.

Sa hitsura ni Lizeth na parang isang takureng malapit nang kumulo at umapaw ay mas mabuti pang pigilan na. Janisse was mean in words but not as war freak like Lizeth. Nag-iisip pa lang siya ng paraan kung paanong hindi dapat masayaran ng mga mahahabang kuko nito ang makinis niyang balat nang dumating ang lalaking naging ganti niya laban kay Lizeth.

"And how dare you go to her side Symon?! We've been together for a couple of years at ipinagpalit mo lang ako sa kanya ng ano, isang gabi?"

Biglang nagpanting naman ang mga tainga ni Janisse sa narinig.

"We're almost done for weeks Lizeth. Enough of this and stop your freaking craziness with us," matatag na tonong litanya ng nag-ala-hero na kasama ni Janisse. Nagsidatingan naman din ang fans club niya kaya't hindi na rin sila nahabol ng grupo ni Lizeth.

"Pasensya ka na Janisse. Ganoon naman lagi ang ugali niya sa lahat ng babaeng nalalapitan ko. I'm so used and tired of her drama."

"Honestly, it's not really alright for me. Malaki ang hinala ko na siya ang nagsama ng pangalan ko sa Girls Meanistry na 'yun. But anyway, I won't let her harm my image like what she was up to," kumpiyansa niyang pahayag kay Symon. "At kung ayaw mo talagang gerahin ako nung ex mo, stay away from me then. Stop dating me dahil wala akong balak makipag-seryosohan sa'yo."

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon