Hindi siya nagpahalata kay Merk. Si Angie ang gusto niyang kastiguhin kung anong ginagawa ng mga ito dito. She had no choice, sumunod siya sa likuran ni Hans na palapit sa kapatid. Hindi naman siguro sila palihim na sinusundan ni Merk. Nakakaramdam na kaya ito sa nangyayari?
Nakadama siya ng guilt.
Alam niyang wala siyang pinagtataksilan. Pero ang umuusig sa kanya ay ang nakakonekta kay Hans dahil hindi man nito sabihin sa kanya, alam ni Janisse ang tinatago niyong guilt na sumusubok sa binata. Na maging siya, ay walang magawa para mawala iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" tukoy ni Hans kay Merk at nabaling sa kasama nitong si Angie. "Sino siya? Ito na ba ang new girl mo ngayon bro?"
Humagalpak naman sa tawa si Merk. "Of course not Kuya. This is Angie, my friend. One of the best friends I have."
"Hello po," tipid lang naman na sagot ni Angie.
"Ikaw pala yun. Its nice to finally meet you," ani Hans. Nakita ni Janisse ang parehas na ekspresyon nina Merk at Angie. Na para bang ikinagulat niyon na matagal nang nakilala ni Hans si Angie. Pero kita sa mukha ni Merk na ito pa lang ang unang beses na napakilala niya si Angie.
"Mukhang sa tono mo kuya, mukhang hindi mo kilala to si Angie. Dont you remember shes the one you set-up in a date with me?" pagpapaalala ni Merk.
Na-letse na! Nilingunan niya si Hans na hindi kaagad nakasagot. Mabuti na lang matalino talaga itong si Angie at mabilis makaisip ng paraan.
"A-Ah actually Merk gaya nga ng nasabi ko sayo nung araw na yun, napagka-isahan ako ng mga kaklase natin. Nag-request ang kuya mo ng babae na pwedeng maka-date mo. Nagkataong wala ako sa parking lot noon kung nasaan ang kuya mo, kaya hindi na ako nakatanggi."
"Yes, wala ka noon kaya hindi na kita na-meet in person," dagdag pa ni Hans. "Well, seeing you two mukhang naging maayos naman ang naging set-up."
"Were friends kuya! At alam mo kung sino lang ang gusto ko. By the way, Angie is single and simple. Gaya ng mga tipo mo," balik asar ni Merk kay Hans na hindi naman nagustuhan ni Janisse. Mukha kasing si Angie pa ang gusto nitong i-pares sa kapatid. No way!
Akala ni Janisse ay hindi siya napansin ng mga ito. Dahil ilang saglit lang ay siya na itong binalingan ni Merk.
"Magkasama pala kayo ni Janisse, kuya. Anong ginagawa niyo dito?" usisa niyon.
"Ah, its an accident na nagkataong nakita ko siya. Kayo? Hindi mo pa sinasagot kung bakit nakarating kayo dito?" Tipid pero halatang gusto talaga ni Hans malaman ang dahilan kung bakit naririto ang dalawa. At kahit hindi siya nito nililingunan ay kayang-kaya nitong dalhin ang sitwasyon.
"Pupuntahan ko po kasi yung kakilala ko. Sabi ni Merk, sasamahan na niya ako. Kaya lang, wala pong yung kakilala ko sa bahay niya. Mukhang umalis at namasyal," paliwanag ni Angie na pasulyap-sulyap ng tingin sa kanya. Mukhang ang itinutukoy kasi nito ay walang iba kundi siya. Alam kasi nito kung saan ang bakasyunang pinupuntahan niya dahil minsan na niya itong naisama roon.
Sa palagay niya kailangan nang itigil ang usapang ito. Kung nararapat niyang bumawi upang hindi matuluyang makahalata si Merk sa lihim nila ay may nakahanda na siyang gagawin. Pero naunahan na siya ni Hans. Ang lalaking ito, sadyang ayaw ring mabuko...
"Sa tingin ko, tutal pauwi na rin naman tayong lahat, puwede ba namin kayong yayain Angie at Janisse sa bahay?" alok ni Hans. Pinakatitigan siya nito. Walang anumang pagpupumilit sa ekspresyon nito, sadyang hinihintay lang ang kanyang sagot.
"Of course, we'll come. Right, Angie?" ani niya. Syempre, hindi naman aangal si Angie sa sinabi niya.
Bumiyahe sila gamit ang dalawang sasakyan. Janisse offered herself na kay Merk na makisakay. Ikinagulat iyon ni Hans. Ipapaliwanag na lang niya dito mamaya ang dahilan. Simple lang naman. Para hindi maipit sa sitwasyon si Hans, at ang deal. Alam ni Janisse na sa change ride na ito ay si Merk lang ang nasisiyahan.
"Behave yourself. This is to remind you that Hans is mine, and Merk is yours," bulong na paalala niya kay Angie bago ito sumakay sa kotse ni Hans.
Pero imbis na umu-oo na lang ay sinagot pa siya ni Angie. "Tumigil ka nga diyan!" Sinaway siya nitong pinamumulahan ang pisngi at ilong. Natawa tuloy siya.
It was awkward moment sa biyahe nila ni Merk. Isang sagot, isang tanong. She nerver entertained him. At ganoon rin ito. Siguro ay hindi pa rin naaalis rito ang mga sinabi niya noon. Pero ayaw naman na niyang lokohin ang sarili. Being so close and friendly to him would only give him hope for a chance. Kaya ngat pinag-iisipan niya ang napagkasunduang deal. Nagawa ni Hans ang part nito sa deal. Pero paano ang sa kanya? Kailangan pa nga bang niyang gawin iyon ngayong marami na ang nabago at nangyari sa pagitan nila ni Hans? She needed to clarify it first to him. Tutal narinig niyang minsan sa bibig ni Hans na hindi naman alam ni Merk ang kanilang deal.
Nang makarating at maipakilala ay diretso ang aya ng magkapatid sa dining round table kung saan nakahanda ang special dinner na luto ng kanilang Mama. Natutuwa si Janisse habang inoobserbahan ito at si Hans. Hindi kasi makikitaan na hindi talaga ito mag-ina. At masaya siyang makakita kung paano rin nito asikasuhin si Hans.
Sa kalagitnaan ng kanilang hapunan, aksidenteng nasamid siya dala ng paminta yatang nakain niya. Nakaagaw tuloy ng pansin ang sunod-sunod na pag-ubo niya. Inalalayan kaagad siya ni Hans na nooy katapat niya ng upuan. Inabutan siya nito ng tubig. Tumayo pa iyon mula sa upuan upang maalalayan din nito ang likod niya. Nakuha pa nitong punasan ang noo niya dahil pinagpawisan din siya. Nakakatuwang inaasikaso siya nito. Masarap pa lang may umaalalay at nag-aalaga. Lalo na kung ang gumagawa pala niyon ay ang lalaking iniibig niya.
"Tigress, dahan-dahan lang kasi," pilyo ang ngiti nitong sumaway sa kanya.
"Hm!" agaw pansin ni Merk. "Okay ka na ba Janisse? Kuya bumalik ka na sa upuan mo. Lalo mo lang yata siyang naaabala."
Doon napansin ni Janisse na gumawa silang dalawa ng eksena ni Hans. Parehas nilang nakalimutan na hindi lang sila ang naroon. Nasanay sila sa nakagawiang silang dalawa lang sa bahay niya sa Sto Domingo. Bumalik na si Hans sa upuan nito. Kapwa sila nagkatinginan. Alam ni Janisse ang nasa isip niyon. Nagtatanong rin ang mga mata nito.
Paano na? Ano na nga ba ang susunod na hakbang nila?
BINABASA MO ANG
Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous Tigress
RomanceGIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3